JERON RENZ SANTILLAN POV
"Maupo ka na Iho," alok sa'kin ng fortune teller. Tinignan ko lang ang tinuro niyang upuang nasa ride side ko.
Kung si Jennica napaniwala niya, ako hindi. Sinakyan ko lang ang mga pinagsasabi niya at ayokong mapagsabihang KJ ng kababata ko. But sh*t! Pinagpawisan na kinabahan ako kanina dun, ha.
Kumuha ko sa wallet ko ng 1000 pesos. Inilapag ko iyon sa table ng fortune teller. Sapat na siguro ang halagang 'yon sa ginawa niyang pag-e-entertain sa'min. Walang imik na tinalikuran ko ito. Nakakatatlong hakbang pa lamang ako nang magsalita ulit ito na siyang nagpahinto sa akin.
"Mag-iingat ka, Iho. Lalo na sa mga taong lubos mong pinagkakatiwalaan." Kunot-noong napalingon ako sa kaniya. Punyeta, bilis naman niya makarating sa likod ko. "Walang imposible sa taong nagmamahal. Kahit na ikasira pa nito ng isang matibay na samahan." Sinundan ko siya ng tingin patungo sa entrance ng tent at hinawi niya ang kurtina dahilan para masilayan namin si Jennica na abala sa pagse-cellphone. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi niya kami makikita.
"Inuulit ko, mag-iingat ka, kayo…"
"O-okay. Thanks," sagot ko na lang. Ang weird.
Dahan-dahan akong humakbang palapit sa nakatalikod na si Jennica at sinilip ko ang ginagawa niya.
Pfft. Pinapakain na naman pala ang kapatid niyang pumu-poop ng pera at naknakan ng siba. Pou pa more.
Napaatras ako nang bigla nitong patayin ang cellphone niya, saka nagpapadyak. "Argh! No! Hindi ito puwede! Hindi! Napakarupok mo talaga kahit kailan, Jennica!" Binatok-batukan nito ang sarili n'ya.
Problema niya?
"Ehemm.." tikhim ko dahilan para matigil ito sa ginagawa niya at mapalingon siya sa'kin na animong nakakita ng artista sa sobrang gulat. "Ohh! Gulat ka 'no! Akala mo si Kim Sung Song ito 'no! Nagkakamali ka.. si Jeron Renz Santillan ito, ang Mr. Pogi ng buhay mo," sabay pogi pose at kindat ko.
"Ewan ko sa'yo!" Pairap niyang bawi nang tingin sa'kin sabay talikod at nagpatiuna sa paglalakad. Pinilit ko namang sumabay sa kaniya sa paglakad at sinusulyap-sulyapan ko ang cheeks niyang namumula.
I'm so honored na napakilig ko siya.
AENON SANTILLAN POV
"Holy cow! Finally, we're here! Taeng-tae na ko! Sh*t! Nakakawala ng poise!" Nagmamadaling bumaba si Ahbu ng sasakyan, sapo ang kanyang butt. Followed by Dammy na ji-jingle lang daw.
Kami naman ni Lloyd lumabas ng van para makalanghap ng sariwang hangin. At nang makaunat na rin, nakakangawit umupo ng almost 3-4 hours.
"Mang Andoy, baka masi-CR rin po kayo. Or baka po may gusto kayong bilhin. Samantalahin niyo na po habang nandito pa po tayo sa bayan," pambubulabog ko sa family driver namin since… I don't know.
"Sige ho, Señorito Aenon."
"Couz Ae." Kalabit sa'kin ni Lloyd.
"Wait for a while, Lloyd, I'm talking with Mang Andoy," saway ko sa pangangalabit nito. Inabutan ko si Mang Andoy ng cash pambili ng mga gusto niyang bilhin. But he don't want to accept. "Sige na po, Mang Andoy, tanggapin niyo na po. Minsan na nga lang po tayo ulit nagkita. Ngayon niyo pa po ako tatanggihan. Talaga pong magtatampo na ko sa inyo niyan," pangongonsensya ko.
"Kayo talaga, Señorito Aenon. Manang-mana ho talaga sa inyo si Señorito Jeron." And finally, he accept my cash offer. For the first time. "Salamat ho. Baka ho may ipapabili kayo.."
"Nothing. Just treat yourself at nang ma-exercise na rin po ang tuhod niyo."
"Couz Ae." Kalabit ulit sa'kin ni Lloyd, kaya napilitan na kong tignan siya, at ang tinuturo niya sa kabilang kalsada. Si Misis short legged with her friend na nakapulot daw ng shoe ni Dammy.
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
RomansaSole's Knights I: No Ordinary Love (Season 1) Naaalala mo pa ba ang iyong childhood friend? Hanggang ngayon ba, kaibigan mo pa rin sila? How about your childhood crush? Nai-crush back ka na ba? Ang first love mo? Naging last mo ba? Or nagsilbi na l...