NOL 28 (XXVIII)

913 74 63
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

"I still don't get you, Jeron. Why in this dirty school—"

"Let's talk about that later, not now and not here. Please," pabulong na sabi ni Renz, saka ako nito nilingon. "Hey, Bubuwit! Bakit ang bagal mo 'ata maglakad ngayon? Bakit hindi mo kami sinasabayan sa paglakad ni Yna?"

Lumingon din sa akin si Yna. Pumihit na lang ako patalikod sa kanila para hindi ko makita pa ang masamang tingin niya sa akin. 

"Kayo na lang mag-meryenda! May pupuntahan pa kasi ako, eh!" Nagmamadali akong humakbang palayo sa kanila.

"Hey! Bubuwit! Wait!" sigaw ni Renz.

"Let her be. Let's go, Jeron. I'm hungry," dinig ko pang sabi ni Yna.

Sorry, Renz at sorry din po, Papa Jesus... kung nagsinungaling ako. Ayoko lang kasi may magalit na naman sa akin kahit wala naman akong ginagawa. 'Tsaka ngayon lang silang nagkitang dalawa ng crush/perslab niya. Ayoko makaistorbo sa kanila. Kahit na... nalulungkot ako.

Bago ako bumaling sa daan patungo ng school clinic namin. Sinulyapan ko pa silang dalawa, na agad ko rin binawi agad dahil nakita ko si Renz na nakatingin sa gawi ko habang hinihila siya nang nakaukyabit sa kaniyang si Yna.

Napabuntong-hininga na lang ako't binilisan ko pa ang paglakad. Pagdating ko sa tapat ng clinic, sumilip muna ako sa bahagyang nakabukas na pinto nito. Wala akong nakitang nurse pero mayroong batang nakahiga sa higaan. Sa tingin ko, nasa Grade 5 or Grade 6 na siya dahil nakapantalon siya, eh. Mula kasi Kinder hanggang Grade 4, ang mga lalaki ay naka-short. 

Pumasok na ako at marahang humakbang patungo sa kinahihigaan ng bata. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatakip ang magkabilang bisig niya sa kaniyang mukha kaya lumayo na ako rito. Nilibot ko pa ang tingin sa buong clinic, wala talaga ang nurse.

"Ano kailangan mo kay Nurse Enel?" Nagulat naman ako sa nagsalita. Tinapunan ko nang tingin 'yong batang nakahiga kanina pero ngayon ay nakaupo na. Si Tagno pala! Mukang nagpapanggap na naman siyang may sakit. "Ikaw pala, Kutong lupa!"

Patalon itong bumaba sa hinihigaan niya't lumapit sa akin. Dumistansya naman ako sa kaniya ng kaunti.

"Bakit nandito ka, Kutong lupa? Akala ko ba hindi ka pumasok? Bakit wala ka sa room niyo? Saang lupa ka nagtago?"

Hindi ko siya kinibo. Tinignan ko lang siya nang walang eskpresyon saglit at pumihit na ulit ako palabas ng pinto nitong clinic.

"Hoy, Kutong lupa!" Harang nito sa harapan ko. "Napipikon na ko sa'yo, ha! Lagi mo na lang ako tinatalikuran at hindi kinakausap!"

Medyo natakot ako nang makita ko ang nakakuyom nitong mga kamao. Baka suntukin niya ko tulad ng ginawa niya sa tomboy na nakaaway niya sa may room nila.

"M-magta-time na," mahina kong sabi habang nakatingin sa suot kong relo. 'Tsaka ko siya tiningala ng masama ang tingin para hindi niya mahalata ang takot ko sa kaniya. "Pumasok ka na rin sa room niyo. Huwag ka na magpanggap na may sakit ka. Maawa ka sa magulang mo."

"S-sino ba may sabing hindi ako papasok?! Papasok ako! Baka ikaw, Kutong lupa! Wala ka sa room niyo, eh! Cutting ka, ha! Isusumbong kita kay Nana Bebe."

"E'di isumbong mo," matapang kong hamon dito. "para maisumbong ko na rin mga ginagawa mong panlalait at pamamahiya sa akin dito sa eskwelahan. Tutal, punong-puno na ako sa kasalbahehan mo!" Pinitik nito ang ilong ko. "Aray!" Sapo ko sa ilong ko't halos mangiyak ako sa sakit nung pitik niya.

"Ang cute mo magalit." Natatawa ako nitong linayasan.

Sinundan ko na lang siya nang masamang tingin. Pero nang tumingin pa ito sa gawi ko nang nakangiti, inirapan ko siya't padabog akong humakbang pabalik sa library.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon