Jennica Monique Sanchez POV
"Kapangyarihan... ng araw! Taglay, ay liwanag. Kambal, na lakas. Kami ang... Super Twins!" Hinalikan nina Wesley at Miguelito ang kinakain nilang Pritos ring na ginawa nilang singsing at kinain nila iyon. 'Tsaka sabay nitong inilitaw 'yong nakatali sa leeg nilang panyong malaki na ginawa nilang kapa.
Orange na panyong may imahe ng Nazareno ang kay Miguelito. Si Shasha as Super S na ginampanan ni Jennylyn Mercado ang ginagaya niya. Ang nagsilbi nitong espada ay ang walis tambo ng room namin.
Panyong asul na may disenyong bulaklak naman ang kay Wesley. Siya naman daw si Tintin as Super T na ginampanan ni Nadine Samonte. Walis tingting naman ng kabilang seksyon ang nagsilbi niyang baston.
Isa rin iyon sa paborito kong palabas sa GMA 7 tuwing gabi. Nakakalungkot nga lang at tapos na iyon nung nakaraang Biyernes lang. June 01, 2007 ang petsa no'n. Sa katunayan, linalaro ko rin iyon ng ako lang mag-isa, wala akong katambal. Wala naman kasi akong kalaro kila lola. Wala namang bata roon kundi ako lang. Hindi naman puwede si Tita Thea dahil dalaga na iyon. Puro kasi tungkol sa ligaw-ligaw ang iniintindi niya. Siguradong sabunot ang abot niya kay lola kapag nalaman nilang may boyfriend na siya tapos may crush pa siya. Masama kaya ang may kabet.
Napuno ng tawanan ang room namin dahil sa dalawang baklang naglalabanan sa harapan. Imbis na sila magkakampi, sila ang magkalaban. Wala kasing nagboluntaryong gaganap bilang Eliazar-- ang kalaban ng Super Twins. Si Gian lang ang madalas gumanap no'n, tapos, alagad niya 'yung kaklase naming kambal at kaibigan niyang sina John at Paul. Pero wala sila rito, pati na rin ang katabi kong transferee. Nasa canteen siguro sila. Bumili ng kanilang mare-recess.
"Lagi kang babantayan. Magmula sa kalangitan. Ang lahat ng iyong mga alinlangan ay iyong malilimutan. Kung hindi dahil sayo. Hindi ko mamahalin ang buhay. Sa isang saglit, kung kailangan mo buhay ko'y iaalay." kanta ni Loraine sa harapan ng electricfan bilang background music daw ng dalawang baklang naglalaban. Theme song iyon ng Super Twins, ang pamagat ay Alinlangan na kinanta ni Jolina Magdangal.
Tuwang-tuwa sa kanila mga kaklase naming dito na nagre-recess sa loob ng room. Samantala, buwisit na buwisit naman ang mga kaklase naming lalaki sa boses ni Loraine, para raw itong palakang batong nagtatawag ng ulan.
Tuluyan ko ng inubos ang kinakain kong pangalawang Pandolino, saka ako lumagok ng baon kong inuming malamig na Tang orange juice. Medyo matabang na ito dahil natunaw na kasi 'yung yelo.
Tinatamad akong tumayo kaya sa bulsa ng bag ko na lang muna inilagay 'yung pinagbalatang plastic ng kinain kong Pandolino.
Tumigil sa paglalabanan sina Miguelito at Wesley, pati na rin sa pagkanta si Loraine, nang papasok na ng room ang transferee na si Renz. Kasunod niya sina Gian, John at Paul na may buhat-buhat na tig-iisang box na punong-puno ng Zest'O orange, ibat-ibang flavor na Fudgee Bar at sari-saring sitsiryang tig-sais. Ipinatong nila iyon sa lamesa ng teacher.
"Pinabebenta na naman ba iyan ni Ma'am Melangot?" Parehas kami ng naisip ni Patricia. Kapapasok lang din nito ng room. Kasama nito ang kaklase naming bestfriend niyang si Nikki.
Maganda rin si Nikki. Pero para sa akin mas nangingibabaw ang kagandahan ni Patricia, dahil kahit nakasaburayray ang buhok at wala itong polbos, o kahit hindi ito mag-ayos, maganda pa rin. Si Nikki kasi ay masyadong palaayos. Ika nga nila'y napakakikay. Hindi siya nagpapadaig, kung ano ang uso dapat ay mayroon din siya. At kung anong meron siya, dapat ay mayroon ding ganoon si Patricia, kasi nga mag-bestfriend sila. Aaminin kong naartehan ako sa kaniya, pero mabait naman siya sa akin kaya tanggap ko ang ganoong ugali niya.
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
RomanceSole's Knights I: No Ordinary Love (Season 1) Naaalala mo pa ba ang iyong childhood friend? Hanggang ngayon ba, kaibigan mo pa rin sila? How about your childhood crush? Nai-crush back ka na ba? Ang first love mo? Naging last mo ba? Or nagsilbi na l...