Nathan POV
Liwanag mula sa sikat ng araw sa aking bintana ang gumising sa akin. Dagdagan pa ng ingay mula sa labas ng aking kwarto at ingay mula sa mga kapit bahay kong mababait.
Iminulat ko dahan-dahan ang aking mata upang masanay sa liwanag. Isang pasasalamat muli sa panginoon dahil isang bagong umaga.
Araw-araw naman ay dapat talagang ipagpasalamat sa kanya, lalo na kung nagigising pa tayo sa umaga. Ika nga ng iba, mas maganda na yung parating gising kaysa hindi na magising pa.
What a beautiful day. Thanks god..
Agad akong bumangon saka kinuha ang tuwalya na nakasampay sa bintana ng kwarto bago pumasok sa mamahalin kong banyo upang maligo.
Bakit ka nyo mamahalin? Dahil puro halaman ni Lola Miling na sabi niya ay mahal pa sa buhay ko kaya huwag kong sisirain.
Hindi ko maintindihan kung bakit ba inilagay ni Lola ang iba niyang halaman sa loob ng banyo. Sabi niya pampaganda raw ng banyo at pampa relax.
Sa totoo lang hindi naman ako na rerelax. Pakiramdam ko nga lalo akong na stress, lalo na nung sabihin niyang mas mahal pa sa buhay ko ang isang paso.
Tingnan mo nga naman. Naikumpara pa ang buhay ko sa isang paso ng halaman.
Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis. Habang nasa harapan ako ng salamin ay narinig ko ang ingay ng mga kapatid ko mula sa labas ng kwarto. Mukhang nagkakagulo na naman sila at syempre hindi mawawala ang Lola namin na tumatayong referee.
Wala na kaming mga magulang namatay sila high school pa lang ako. Kaya hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo.
Panganay ako sa aming magkakapatid. Parehong babae ang mga kapatid ko. At sila ang dahilan kung bakit nagpapakahirap akong magtrabaho upang makatapos sila. Dahil ayaw kong magaya sila sa akin na hanggang second year college lang ang narating. Napilitan akong tumigil sa pag-aaral noon dahil hindi na kinaya pa ni Lola na pag-aralin ako kaya nagtrabaho na lang ako upang tulungan siya.
Si Lola Miling ang tumutulong sa akin upang maalagaan ko mga kapatid ko. At silang tatlo ang tanging dahilan upang magpatuloy ako. Upang magsikap at huwag sumuko sa hamon ng buhay.
Para sa akin, ang problema ay nariyan lang, dadaan ng hindi mo inaasahan kaya naman hayaan mong dumaan lang huwag masyadong dibdibin dahil masasaktan ka lang.
Yon oh.. humugot ka pa ah..
Matapos kong magbihis ay agad akong lumabas ng kwarto saka dumeretso sa kusina kung saan nagmumula ang ingay ng tatlong babae sa buhay ko.
Tatlo lang sila pero parang may isang buong baranggay sa loob ng kusina namin. Anak ng pating....
Naabutan kong nagtatalo ang dalawa habang sinasaway naman sila ni Lola Miling. Naks referee talaga....
Hindi muna ako tuluyang pumasok. Sumandal muna ako sa gilid ng dinging upang pakinggan kung ano bang mainit na usapin ang pinagtatalunan nila. Baka kasi sa sobrang init ng issue dalhin pa nila sa senado.
"Ano ka ba naman ate Nadia bakit mo ginamit 'yong damit ko? Nakakainis ka talaga!" Galit na sigaw ni Nadine sa ate niya.
Isang taon lang ang agwat nila. First year college si Nadia at senior high school naman si Nadine. Kaya halos magkabarkada at magkabardugalan silang dalawa.
"Ang damot mo. Hiniram ko lang naman." Sagot naman ni Nadia.
"Bakit nagpaalam ka ba, hah!?"
"Ano ba naman kayong mga bata kayo, ke aga-aga nag-aaway kayo. Tumigil na kayo dahil baka marinig pa kayo ng kuya nyo!" Saway ni Lola sa dalawa kong prinsesa.
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Under Revision)
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Kapag nagmahal ka kailangan tanggap mo kung ano ang taong minahal mo. Kailangan tanggap mo rin kung sino siya at ano ang kaya niyang ibigay sayo. Acceptance is one important manifestation of love. love the...