Chapter 11

1.4K 57 1
                                    

Ella POV

Naging abala ang araw namin ni Stephanie dahil sa paghahanda ng darating na board meeting. Maraming posibleng investors ang darating kaya naman sinisikap naming maging maganda ang kalalabasan ng meeting.

Habang abala kami sa loob ng opisina ay biglang kumatok at pumasok sa loob ang sekretarya kong si Jenny kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Yes Jenny?" Tanong ko sa kanya habang isinasalansan ang mga papeles na nasa ibabaw ng aking mesa.

"Mam, fifteen minutes before the meeting." Saad nito na tinanguan ko.

Tumayo ako saka iniabot sa kanya ang mga papeles na gagamitin para sa meeting. "Okay. Dumating na ba ang mga bisita natin?"

"Yes mam, at nasa conference room na po silang lahat."

"Good, sige na, mauna ka na at susunod na kami."

Nang makalabas si Jenny ay napatingin ako kay Steph ng bigla itong magsalita.

"Sana maging maayos ang meeting natin ngayon. At sana may makuha tayong mga bagong investors." Anito.

Tumango ako bago ngumiti sa kanya. "Don't worry, what Daniella wants, Daniella gets. Kaya sisiguraduhin kong may pipirma ng kontrata."

Ngumiti si Stephanie saka lumapit sa tabi ng mesa ko. "Well, hindi naman ako nag-aalala dahil sigurado akong may pipirma. Huwag lang iinit yang ulo mo." Anito.

Inikutan ko siya ng mata saka inayos ang sarili. Sinipat ko muna sa harap ng salamin ang aking mukha bago naglagay ng pulang lipstick sa labi.

"Pwede ba bes, kahit isang araw lang. Pigilan mo muna yang init ng ulo mo. Hindi nakakaganda sa imahe ng kompanya yang katarayan mo. Kaya walang gustong mag invest dahil takot sayo."

Tiningnan ko siya ng nakataas ang isang kilay habang nakapamaywang, nang biglang tumunog ang personal cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa.

Agad na kumunot ang aking noo ng makitang unregistered number ang rumihistro sa screen ng cellphone ko, kaya naman nagtaka ako.

Hindi ko kasi basta na lang ibinibigay kung kanino ang personal number ko kaya wala akong ideya kung sino ang tumatawag.

"Yes?!"

"A-Ate Ella.." Sumisinghot na anito sa kabilang linya.

"Hello...! Nadine?!" Gulat akong napatingin kay Steph nang marinig ang boses ni Nadine. Halata rin sa boses nito na umiiyak ito.

"A-Ate Ella." humihikbi nitong ani. Kaya agad akong nag-alala sa kanya.

"Hey! What happened to you? Why are you crying?" Salubong ang kilay kong tanong kay Nadine. Umiiyak na rin ito habang kausap ako sa telepono.

"A-Ate pwede ka bang p-pumunta sa school namin n-ngayon." Umiiyak niyang ani sa kabilang linya.

Tumango-tango ako habang nakatingin kay Stephanie na nakakunot ang noo sa akin.

"Okay, I'll be there. Stop crying, hmm. Pupunta na si ate dyan okay! Don't worry." saad ko saka pinutol ang tawag niya.

Nagmamadali kong kinuha ang aking bag at inilagay sa loob ang cellphone habang patuloy ang pagsasalita at pagbibilin kay Stephanie ng about sa meeting.

"Bes pasensya ka na ah. Kailangan ko kasing puntahan si Nadine. She needs me. Kaya ikaw na muna ang bahalang humarap sa kanila. I know you can do it at malaki ang tiwala ko sayo."

Hindi siya sumasagot kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatingin lamang ito sa akin na may ngiti sa labi kaya kumunot ang aking noo.

Mr. Right (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon