Nathan POV
Buong araw akong naging abala sa pagtatrabaho mula sa mainit at mausok na kalsada. Deliver dito deliver doon kahit pa mainit at masakit sa balat ang sikat ng araw. Wala akong tinanggihan at pinalampas na deliver. Lahat tinanggap ko. Sayang din naman dahil makakadagdag din iyon sa kikitain ko sa buong maghapon.
Bukod sa bayad nila ay may nakukuha din akong tip mula sa mga costumer lalo na kung nagpapa-picture ang mga ito sa akin.
Ewan ko ba kung bakit gwapong-gwapong ang mga babae sa akin. Eh pangit nga ang tingin ko sa sarili ko.
Pero syempre, gwapo nga daw ako sabi ng nanay at Lola ko, isama mo na yung mga kapatid ko at yung mga tsismosa sa lugar namin.
Minsan napapailing at napapangiti na lamang ako lalo na kapag naiisip ko yung mga kinikilig na babaeng nagpapa-picture sa akin.
Madalas ay pinapayuhan pa nila ako na mag-artista na lang, dahil hindi daw bagay sa akin ang maging delivery man.
Wala naman mali at masama sa pagiging delivery man. Marangal ang trabaho ko at wala akong inaapakan na ibang tao. Yon kasi ang mahalaga doon.
Isa pa ay hawak ko ang sarili kong oras at iyon ang gusto ko. Mas nagkakaroon ako ng oras para sa mga kapatid at Lola ko.
Humahapit lang naman ako sa pagdedeliver kapag alam kong malapit na ang bayaran ng tuition fee ng mga kapatid ko. Pero kapag hindi naman ay pa-easy-easy lang din at tamang panggastos at pang-ipon ang kinikita ko.
Kuntento ako sa kung anong mayroon ako at sa trabaho ko. Mababaw lang naman ang kaligayahan ko. Basta nakikita kong maayos at naibibigay ko ang pangangailangan nila ay masaya na ako doon.
Masaya ako sa trabaho ko, dahil nagkakaraoon ako ng pagkakataon na makakilala ng ibat-ibang tao. Yon nga lang ay kailangang magdoble ingat dahil marami ang mga manloloko o scammer na nambibiktima ng mga tulad ko. Mahirap na dahil baka imbis na may kitain ay nawala pa at mapagod lang sa wala.
Nang dumating ang pananghalian ay kumain na muna ako. Nagpahinga din ng ilang minuto upang kahit papaano ay mapawi ng bahagya ang pagod. Matapos akong kumain at magpahinga ay nagsimula na ulit sa pagkayod at pagtatrabaho.
Hanggang nagpop-up sa cellphone ko ang order ng pagkain sa isang restaurant malapit sa kinaroroonan ko. Mula sa DA corporation ang costumer na nagmessage sa akin. Agad akong sumakay ng motor at nagsuot ng helmet saka pumunta sa resto upang umorder ng pagkain.
Matapos kong makuha ang order ay agad akong pumunta sa DA building para dalhin ang pagkain. Mataas at ilang palapag ang building. Mabuti na lamang at naka-pin ang floor kung saan ko dadalhin ang pagkain dahil kung hindi ay tiyak na maliligaw ako.
Nang makarating ako sa entrance ay sinabi ko agad sa mga guwardiya ang deliver ko. Nakangiti naman nilang itinuro sa akin ang elevator na sasakyan ko papuntang 12th floor.
Kaya agad akong nagmadali at tumakbo upang habulin ang papasara na sanang elevator.
"Sandali!" Agad kong iniharang ang braso ko sa pintuan ng elevator upang huwag itong tuluyang sumara.
Pasakay na sana ako sa elevator ng biglang matigilan at matulala ako dahil sa babaeng nakasakay sa loob ng elevator.
Nakatingin din ito sa akin ng nakataas ang isang kilay na para bang nagtatanong kung bakit ako tumitingin sa kanya.
Agad na nagrigudon ang puso ko nang matitigan ko ang mukha niya. Maganda siya at bagay na bagay dito ang maliit niyang mukha. Mahaba rin ang pilikmata, maliit at matangos naman ang ilong at mapupula ang malambot nitong labi na tiyak kong masarap halikan.
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Under Revision)
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Kapag nagmahal ka kailangan tanggap mo kung ano ang taong minahal mo. Kailangan tanggap mo rin kung sino siya at ano ang kaya niyang ibigay sayo. Acceptance is one important manifestation of love. love the...