Ella POV
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos ang isang boring na meeting with the board members. Muli kong sinipat ang relo na nasa pulsuhan ko bago muling bumuntong-hininga.
Ewan ko ba kung bakit pero simula ng makilala at minahal ko si Nathan ay para bang naging boring na ang lahat lalo na kung hindi siya involve sa bagay na iyon.
Hindi naman ako dating ganito. Mas gusto ko pa ngang inuubos ang oras sa trabaho kaysa gumawa ng mga walang kwentang bagay.
Pero hindi na ngayon. Kung pwede ko lang hilain ang oras para makasama ko siya, ginawa ko na. Gusto kong makita siya araw araw. Gusto ko laging nasa tabi niya. At kapag hindi ko siya nakikita ay para bang may kulang sa araw ko.
Pero syempre hindi naman pwede yung gusto ko. Lalo na't may mga sarili rin kaming buhay na dapat asikasuhin. May mga kapatid at lola siyang dapat unahin. Alam kong hindi ako pwedeng maging makasarili pagdating sa kanya. At bilang kasintahan niya ay kailangan ko siyang suportahan sa lahat ng bagay na ginagawa niya.
Habang abala ako sa pagre-review ng mga business proposal ay biglang tumunog ang intercom sa loob ng opisina ko. Agad ko itong sinagot habang nasa mga papeles pa rin ang atensyon.
"Yes Jenny!?"
"Mam nandito po si Mr. Rodriguez gusto daw po niya kayong makausap."
Natigilan ako at agad na kumunot ang aking noo bago binitawan ang mga papeles na hawak ko. "Mr. Rodriguez? I think wala akong appointment sa kanya, right?."
"Yes mam, yon na nga po ang sinabi ko. Pero wala daw po siyang balak umalis hanggat hindi niya kayo nakakausap."
Tumingin muna ako sa relo na nasa aking bisig saka kinuha ang cellphone sa bag ko. Siguro ay hindi naman tatagal ng isang oras ang kailangan niya sa akin kaya pwede ko siyang pagbigyan.
Hindi kasi ako pwedeng magpagabi lalo na't pinagtatalunan namin ni Nathan ang madalas na pag-uwi ko sa gabi. Masyado na daw kasing delikado para sa akin.
"Okay Jenny. Pakisabi sa kanya na hindi ako pwedeng magtagal. Siguro pwede ko siyang bigyan ng ilang minuto. Take it or leave it."
Narinig ko sa kabilang linya na pumayag ang lalaki kaya sinabi ko na papasukin na niya ito.
Nang bumukas ang pintuan ay pumasok ang isang gwapong lalaki. Matangkad ito at may angking kakisigan. Pero syempre mas lamang sa lahat ang asawa ko.
"Good day, Ms. Alegre, I'm Pocholo Rodriguez." sabay abot ng kanyang kamay. Tinanggap ko ito saka sumagot.
"Likewise, have a seat." sabi ko at umupo siya sa visitors chair na nasa harapan ko. "So what brings you here?" walang emosyon kong sabi. Cold as an ice, iyan ang parati nilang nakikita sa akin.
"So cold and intimidating." sabi niya na naka ngisi pa.
"I take that as a compliment." nakataas kilay kong sabi. "So hindi ka naman siguro pumunta dito para lang purihin ako?" mataray kong tanong sa kanya. Ewan ko pero iba ang nararamdaman ko sa kanya. Parang panganib ang dala niya.
Tumayo ito at lumapit sa mini bar na nasa loob ng office ko. Feeling close na feel at home pa. Nagsalin siya ng alak sa baso. Pinagmasdan ko lamang ang mga kilos niya.
Kinuha niya ang basong may alak saka muling umupo sa couch na kinauupuan niya. Matalim ang titig na ibinigay ko sa kanya.
"I have a proposal to make." Aniya, nakatingin ito sa alak na hawak habang pinapaikot ang baso.
Kilala ko ang mga Rodriguez. Hindi sila basta bastang tao. At hindi mo gugustuhin kalabanin o banggain man lang sila. Pero dahil ako si Daniella Alegre, I don't care.
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Under Revision)
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Kapag nagmahal ka kailangan tanggap mo kung ano ang taong minahal mo. Kailangan tanggap mo rin kung sino siya at ano ang kaya niyang ibigay sayo. Acceptance is one important manifestation of love. love the...