Ella POV
Katok mula sa labas ng pinto ang nagpatigil sa akin sa kabundok na papeles na tinatrabaho ko.
Nang bumukas ang pinto ay sumilip ang sekretarya ko kaya agad kumunot ang aking noo.
"Yes, Lea?"
Pumasok ito na may dala-dalang maliit na white plactic bag kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Ano yon? Hindi ba kabilin-bilinan ko na huwag akong iistorbohin? Marami akong trabaho hindi mo ba nakikita?"
Kumamot muna ito sa ulo at parang natatakot na tumingin sa akin. "Eh kasi mam.. May deliver na naman po kayo eh."
Natigilan ako saka napatingin sa plastic na hawak niya.
Mahigit isang linggo ng may nagpapadala sa akin ng pagkain. At hindi ko alam kung sino. Noong una ay sinabi kong itapon nila dahil baka may lason ito ngunit nitong huli ay ibinibigay ko na sa kanila dahil mukhang malinis naman.
Kinikilig pa si Stephanie ng malaman niya dahil may secret admirer daw ako.
Hindi ito pagkain na galing sa mga restaurant o fast food dahil nakalagay ito sa plastic container. Para bang sinadyang lutuin ito para sa akin.
Kumunot ang noo ko ng ilapag ni Lea ang pagkain sa ibabaw ng mesa ko.
"Bakit iiwanan mo yan dyan? Kainin nyo na lang." Sabi ko sa kanya saka ibinalik ang sarili sa pagtatrabaho.
Ngunit hindi kumilos si Lea at nanatili itong nakatayo sa harapan ko kaya umangat ang ulo ko at matalim ko siyang tiningnan.
"Bakit?!"
"M-Mam kasi.."
"Kasi ano?!" Naiirita kong tanong saka ko binitawan ang papel na hawak ko. "Now, you have my attention. Talk!"
"W-Wala po akong nabili na lunch nyo. Kaya dinala ko na lang po iyang ibinigay ng admirer nyo." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Bahagya pang namula ang pisngi niya na parang kinikilig.
Humugot muna ako ng malalim na hininga saka ko siya pinalabas sa loob ng opisina. Pinipigilan ko ang masigawan si Lea dahil siya lamang ang kauna-unahang secretary na tumagal sa akin.
Paglabas niya ay itinuon ko muli ang sarili ko sa pagtatrabaho. Hanggang makaramdam ako ng gutom. Napatingin ako sa plastic container na nasa ibabaw ng mesa ko.
Bumuntong-hininga muna ako saka tumayo at kinuha ang pagkain. Bahala na kung may lason.. Nagugutom na ako.
Umupo ako sa mesa malapit sa pantry saka binuksan ang plastic container. Nanuot agad sa ilong ko ang mabangong amoy ng ulam kaya na-curious ako kung anong lasa nito.
Kung hindi ako nagkakamali ay adobong manok ang ulam. May kanin din sa kabilang side at may kasama pang isang piraso ng saging. Infairness Complete meal.
Muling tumunog ang tiyan ko ng maamoy ko ang bango ng ulam. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi tikman iyon.
Napangiti ako ng malasahan ang pagkain. Masarap ito at malambot ang karne. Hindi din malansa ang manok. Medyo maanghang din dahil sa sili. Hanggang sa hindi ko namamalayan na naubos ko na pala lahat. Napatingin na lamang ako sa lalagyan nang makita kong wala na itong laman. Natawa ako at napailing. Hindi ko akalain na mauubos ko.
Matapos kong kumain ay muli kong itinuon ang sarili sa maghapong pagtatrabaho.
"Thanks god." Mahinang bulong ko matapos kong tapusin ang lahat ng dokumento na nasa ibabaw ng mesa ko.
Nang tingnan ko ang kabundok na papeles ay wala na akong nagawa kung hindi ang bumuntong-hininga. Hindi ko akalain na matatapos ko ito ngayong araw.
Malungkot akong napangiti nang makita ang oras sa suot kong orasan. Oras na pala para umuwi. Ni hindi ko man lang namalayan ang oras.
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Under Revision)
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Kapag nagmahal ka kailangan tanggap mo kung ano ang taong minahal mo. Kailangan tanggap mo rin kung sino siya at ano ang kaya niyang ibigay sayo. Acceptance is one important manifestation of love. love the...