Chapter 16

1.4K 60 3
                                    

Ella POV

"Ano kaya ang kailangan nila sayo? Bakit ka nila pinapauwi sa mansion?" tanong ni Steph sa akin matapos marinig ang sinabi ng aking sekretarya.

Nagkibit balikat ako saka sumagot. "Dalawa lang naman yan, pagagalitan ako o may iuutos sila sa akin na labag sa kagustuhan ko." sabi ko.

Naramdaman kong humaplos ang kamay ni Nathan sa aking bewang at nang tingnan ko siya ay mariin siyang nakatingin sa akin. Parang may gusto siyang sabihin ngunit nanatiling tikom ang bibig.

Ngumiti ako sa kanya saka umiling. Gusto kong maramdaman niya na ayos lang ako basta alam kong nasa tabi ko siya. Salamat na lang at nandyan si Nathan na parating nakasuporta sa akin.

"O siya mauna na ako bes. Balitaan mo na lang ako kung ano ang mangyayari. Tawagan mo lang ako kapag nagkaproblema." Ani Stephanie kaya tumango ako. Lumapit ito sa akin saka humalik sa pisngi ko bago tuluyang nagpaalam.

Nang makaalis si Steph ay bahagya akong hinila ni Nathan sa couch. Umupo siya saka niya ako pinaupo sa kandungan niya.

"Asawa ko?"

"Hmm?" Maikling sagot ni Nathan.

Humarap ako sa kanya saka hinaplos ang buhok niya. "Okay ka lang ba? Bakit parang ang tahimik mo ata?" tanong ko.

Tumango siya saka ibinaon ang mukha sa akin leeg bago ako hinalikan doon. Akala ko'y hindi na siya magsasalita ngunit bigla itong tumingin sa akin bago nagtanong.

"Ikaw, okay ka lang ba? Gusto mo ba samahan kita sa pag-uwi mo sa mansion nyo?" Napangiti ako saka umiling.

Lagi siyang ganyan. Laging ang nararamdaman ko ang inaalala niya. At sapat na sa akin ang hindi mag-alala dahil alam kong nandyan siya.

"Syempre naman okay lang ako. Nandito ka kaya sa tabi ko." malambing kong ani sabay yakap sa kanya. "Mauna ka na sa bahay. Pagkatapos ko silang kausapin uuwi din ako agad."

Mariin itong tumingin sa akin na para bang sinusuri ang kabuuan ng mukha ko. Mahina akong tumawa saka pinisil ang ilong niya.

"Magiging okay lang ako, promise. Kaya umuwi ka na at hintayin mo ako."

Bumuntong-hininga ito saka tumango. "Okay boss. May magagawa pa ba ako, eh malakas ka sa akin."

Pinaharap niya ako sa kanya at hinalikan sa aking mga labi. Ang simpleng paghalik niya ay mas lumalim lalo na nang iharap niya ako sa kanya habang nakakandong.

Naglalakbay na rin ang kamay niya sa aking tiyan paakyat sa dibdib. Nang maghiwalay ang aming labi ay yumakap ito ng mahigpit saka hinalikan ang aking leeg.

Ramdam ko ang malalim niyang paghinga. Napakagat pa ako ng labi ng maramdaman ko ang namumukol niyang pagkalalaki.

"S-Sige na, uwi ka na."

"Hmm?!" pagrereklamo niya habang patuloy ang paghalik niya sa aking leeg.

Kapag hindi ko siya pinigilan siguradong sa mainit na tagpo na naman mauuwi ang paglalambing niya. Sa tuwing magdidikit kasi ang katawan naming dalawa ay hindi maiwasang angkinin namin ang isat isa. Siguro'y dala na rin ng kasabikan sa isat isa.

"Sige na. Mamaya na lang yan pag-uwi sa bahay." Pagkukumbinsi ko sa kanya. Mukha kasing nagmamaktol na ito at ayaw humiwalay sa akin.

Mabilis itong nag-angat ng tingin sa akin habang malapad na nakangiti. "Talaga?"

Kagat labi akong tumango-tango habang nakangiti.

Ewan ko ba pagdating talaga sa kanya nagiging malambot ako. Nagiging okay lang ang lahat pagdating sa kanya.

Mr. Right (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon