Chapter 17

1.2K 49 0
                                    

Nathan POV

Nang makaalis ako sa opisina ni Ella ay minabuti ko munang bumyahe pa ng dalawang booking.

Sayang din naman kasi ang kikitain at pwedeng pandagdag sa ipamimili kong pagkain.

Matapos ang huling booking ay dumeretso na ako sa palengke upang mamili ng aking lulutuin. Plano ko kasing ipagluto ng paborito niyang kare-kare si Ella. At siguradong mapapasarap na naman ang kain niya.

Bigla tuloy akong nag-alala at napaisip kung bakit siya ipinatawag ng mga magulang niya. Bahagya kasing nag-iba ang timpla niya kanina ng mabanggit ang bahay nila at ang pamilya niya.

Wala naman akong alam o ideya tungkol sa pamilya niya, pero sa palagay ko ay hindi maganda ang samahan nila. Kaya hindi maalis sa akin ang mag-alala sa kanya.

Nang matapos akong mamili ay agad akong umuwi ng bahay. Naabutan ko sila Nadine at Nadia na nag-aasaran sa sala. Walang bago lagi silang ganyan. Yan na ata ang past time nilang dalawa kapag magkasama.

Si lola naman ay nakahiga sa kanyang tumba tumba habang nagpapaypay ng abaniko niyang pamaypay.

Lumapit ako kay Lola saka nagmano at humalik sa kanyang noo.

"Kaawaan ka ng diyos." Ani Lola.

Tatayo na sana ito, ngunit mabilis ko siyang pinigilan. Siguradong siya na naman ang magpipresintang magluto kaya inunahan ko na siya.

"Ako na Lola. Magpahinga na po kayo dyan."

"Sigurado ka ba? Pagod ka na eh." Aniya na nagpupumilit pa.

"Ayos lang Lola. At saka nangako po ako kay Ella na lulutuan ko siya ng paborito niya. Kaya chillax lang kayo dyan at ako na po ang bahala."

"Ikaw ang bahala. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka." Aniya.

Muli ko siyang hinalikan sa noo saka dumiretso sa kusina. Naramdaman kong sumunod sa akin si Nadine at Nadia.

"Kuya uuwi ba si ate Ella dito sa bahay ngayon?" tanong ni Nadine sa akin. Umupo siya sa harap ng mesa habang ako ay abala sa paglalabas ng mga pinamili ko sa supot.

"Hmm." maikling sagot ko.

"Diba magaling si ate sa business? May ipapaturo sana ako kay ate about sa isang subject ko. Tungkol kasi sa business yon eh."

Tumingin ako sa kanya na nakataas ang isang kilay. "Eh bakit hihintayin mo pa si ate Ella nyo? Bakit hindi na lang ako? Business din ang course ko nung college ako. At saka pagod na ang ate nyo pag-uwi non." sabi ko habang naka-ngisi.

Alam ko naman kung ano talaga ang totoong pakay nila kay Ella. Siguro namimiss na nila ito at gusto nilang maka-bonding.

"Eh hindi na namin nakakasama si ate eh. Lagi kang nakabantay." Ani naman ni Nadia habang hawak ang cellphone nito at busy sa pagpindot.

Mukhang may ka-textmate na naman ito. Busy kasi sa cellphone habang ngumingiti pa. Nineteen pa lang siya at hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral kaya bawal pa magnobyo. Yan ang usapan namin ng mga kapatid ko.

"Nadia! May nobyo ka na ba?" diretsong tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa aking tanong.

"Naku kuya wala noh! At saka may usapan tayo na pagtungtong ko palang ng twenty saka mo ako papayagang magpaligaw. Ligaw nga lang. Takot ko lang sayo."

"Mabuti kung ganon. Mag-aral muna kayo. Gayahin nyo si ate Ella nyo. Tingnan nyo siya, maganda matalino sexy, may pinag-aralan, kilala sa lipunan at may....."

"May gwapong boyfriend." sagot ni Nadine na nagpatawa sa akin.

Ginulo ko ang buhok niya habang tumatawa kaming tatlo.
"Yan ang gusto ko sayo bunso marunong mang-uto. Sige dadagdagan ko ang baon mo bukas."

Mr. Right (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon