Ella POV
Nagising ako dahil sa mainit na bagay na dumadampi sa aking mukha. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata saka agad na hinanap si Nathan.
Nakaupo siya sa gilid ng kama habang hawak ang aking kamay at paulit-ulit itong hinahalikan. Nakangiti din siya sa akin ngunit mababanaag ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Kumusta pakiramdam mo, asawa ko?" Malambing niyang tanong.
Maingat akong bumangon saka umupo at sumandal sa headboard ng kama. Inalalayan pa niya ako at nilagyan ng unan ang aking likuran.
"I'm fine." Tipid kong sagot sa kanya.
Pero ang totoo ay masakit ang aking ulo at mata. Mabigat din ang katawan ko. Para akong pagod na pagod. Siguro ay dahil sa stress sa lahat ng mga nangyayari sa akin. Sa lahat ng mga natuklasan ko.
Sa isang iglap lang, biglang nagbago ang buhay ko. Ang pamilyang kinikilala ko at ang pamilyang ipinagdasal ko na mahalin ako ng mahabang panahon ay puro ilusyon lang pala. Wala pala talaga akong pamilya.
"Ipinagluto kita ng paborito mo. Nagugutom ka na ba?"
Agad akong umiling sa tanong niya. Kita ko ang pagtamlay ng mukha niya kaya pinisil ko ang kamay niya.
Ngumiti siya sa akin bago siya dumukwang saka hinalikan ako sa noo. "Okay sige, magpahinga ka na lang muna. Mamaya na lang din ako kakain. Hindi kasi ako makakakain ng hindi ka kasabay." Aniya.
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya kaya bahagya siyang natawa.
"Bakit?" Tanong niya habang tumatawa.
"Anong bakit? Bakit hindi ka pa kumain? Bakit kailangan mo pa akong hintayin. Bakit nasa akin ba ang kaldero at ulam?" Pagtataray ko sa kanya.
Lalo siyang tumawa. Pinisil niya ang aking magkabilang pisngi saka siya nagsalita.
"Wala sayo ang kaldero at ulam, pero ikaw ang dahilan para kumain ako. Gets mo ba, asawa ko?"
Napapikit ako dahil sa kakornihan niya. Pero ewan ko ba, sa mga corny niyang sinasabi ay napapangiti ako.
Tumingin ako sa kanya kaya kinindatan niya ako. Hindi ko na napigilan pa kaya bahagya akong tumawa.
"Yan, ganyan ang gusto ko. Yung lagi kang nakangiti at tumatawa. Ayaw kong malungkot at umiiyak ka. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganon. Parang dinudurog ang puso ko, Ella."
Hinaplos ko ang pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay ko saka dinama ang palad ko.
"Sorry kung pinag-alala kita."
Bumuntong-hininga siya saka mahigpit na hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Hindi kita pipilitin na sabihin sa akin kung ano ang nangyari. Pero sana kung ano man ang nangyayari sayo o anuman yang dinadala mo ay lagi mong iisipin na narito lang ako. Hindi kita iiwan, asawa ko. Makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo. Magiging karamay mo ako. At parati mong tatandaan na mawala man silang lahat, pero ako nandito lang. Mahal na mahal kita, Ella."
Hindi ko alam kung bakit pero kusang tumulo ang luha ko at humagulgol ako ng iyak. Siguro dahil alam kong mawala man silang lahat sa buhay ko, si Nathan nandyan pa rin para alagaan ako. Alam kong nasa tabi ko siya kahit anong mangyari.
Niyakap niya ako at umiyak lang ako ng umiyak sa mga bisig niya. Parang walang katapusan ang aking mga luha. Parang hindi maubos ubos dahil hindi man lang tumitigil. Masakit ang ang dibdib ko. Masakit ang puso ko.
Hindi ko alam kung paano mawawala ang sakit na aking nararamdaman. Basta ang alam ko, gusto ko lang umiyak dahil kapag hindi ko inilabas ito ay siguradong sasabog ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Under Revision)
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Kapag nagmahal ka kailangan tanggap mo kung ano ang taong minahal mo. Kailangan tanggap mo rin kung sino siya at ano ang kaya niyang ibigay sayo. Acceptance is one important manifestation of love. love the...