Chapter 9

1.6K 64 2
                                    

Ella POV

Dinala niya ako somewhere in Antipolo. Una naming pinuntahan ay ang napakagandang simbahan doon.

First time akong magsisimba na may kasama. At siya ang kauna-unahang lalaki na nakasama ko.

Tamang-tama ang pagdating namin dahil kauumpisa pa lamang ng misa. Pumasok kami sa simbahan na magkasalikop ang aming mga palad.

May mangilan-ngilan na napapatingin sa aming dalawa. Ang ibang mga babae naman ay sa kanya nakatingin na pawang kinikilig pa. Hinayaan ko na lang dahil nasa loob kami simbahan at bawal mag maldita kaya nagbehave na lang ako.

Taimtim siyang nakinig at nanalangin. Isa ito sa nagustuhan ko sa kanya dahil hindi niya itinatago kung sino talaga siya.

Bukod kay Stephanie ay isa siya sa komportable akong kasama. Hindi ko kailangang magpanggap na malakas at matapang sa harap nila. Lumalabas ang totoong ako dahil sa kanila.

Ang Ella na iyakin at naghahanap ng pagmamahal at kalinga. Ang Ella na bata pa lang ay nakalimutan na ng kanyang pamilya. At ang Ella na nanlilimos ng pagmamahal mula sa pamilya niya.

Pero kay Nathan hindi ako nanlilimos dahil dama ko na importante ako sa kanya at espesyal ako para sa kanya. Kaya masaya ako na kasama siya.

Inilibot niya ako sa buong Antipolo. Kumain kami ng ibat-ibang pagkain. Ipinatikim din niya sa akin ang mga kakaibang pagkain na ngayon ko lang natikman. Pero lahat ng iyon ay masasarap lalo na yung itlog ng pugo na nakabalot sa kulay orange na harina. Pati na rin yong tinatawag nilang fishball, kikiam at isaw.

Nang malapit nang lumubog ang araw ay inaaya niya ako sa isang mataas na lugar parte ng Antipolo. Bumili pa kami ng pagkain at manipis na kumot na pwede namin isapin upang maupuan.

Ipinarada niya ang motor sa gilid ng damuhan. Inilatag din niya ang kumot na uupuan naming dalawa. Tanaw namin ang halos kabuuan ng Antipolo mula sa pwesto naming dalawa. Sabay din naming hinihintay at pinanood ang papalubog pa lang na araw.

Isa ito sa araw na hinding-hindi ko makakalimutan habang nabubuhay ako. Sobrang saya ko dahil ngayon ko lamang ito naranasan. Masaya pala ang maging simpleng tao. Masaya pala kapag hindi mo iniisip kung ano ang sasabihin ng ibang tao sayo. Masaya pala kahit hindi mayaman at walang kahit ano.

'Yong tipong wala kang iniisip at sarili mo lang ang iniintindi mo. 'Yong tipong ikaw at kasiyahan mo lang ang importante. At 'yong wala kang pakialam sa sasabihin ng iba basta ang mahalaga ay masaya ka.

Napatingin ako sa kanya habang nakatingin siya sa malawak na lugar. Nasisinagan ng papalubog na araw ang mukha niya.

Masaya ako dahil nakilala ko siya. Masaya ako dahil kasama ko siya ngayon. Kung pwede ko lang hilingin na huwag ng matapos ang kasiyahang iyon ay hihilingin ko.

Parang panaginip lang na ayaw ko ng magising pa. Na baka kapag nagising ako ay bumalik na naman ako sa pagiging malungkot at mag-isa.

"Ella, okay ka lang ba? Bakit nakatitig ka ng ganyan? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya.

Hindi ko namamalayan na kanina ko pa pala siya tinititigan. Ngumiti ako saka umiling.

"Bakit tahimik ka? Boring ba akong kasama? H-Hindi ka ba masaya?" Tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa gwapo niyang mukha.

"Ano ka ba, syempre masaya ako. Sobrang saya ko nga at ngayon ko lang naranasan ang lahat ng ito. Dahil yon sayo." Humarap ako sa kanya at sinapo ko ang mukha niya saka ko siya nginitian. "Thank you, Nathan."

"Thank you saan?" Kunot noong tanong niya.

"Sa lahat ng ginawa mo. Dahil ipinaranas mo sa aking ang masayang mundo mo. Salamat, dahil napasaya mo ako."

Mr. Right (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon