Chapter 8

1.5K 62 2
                                    

Ella POV

Matapos namin kumain ng agahan ay hindi na nila ako hinayaan pa na tumulong sa pagliligpit kaya naman minabuti kong pumasok na lang sa loob ng kwarto niya upang maligo. Binigyan din niya ako ng maisusuot na damit na mukhang galing sa closet niya dahil malaking t-shirt at boxer short ang ipinahiram niya sa akin.

Nang matapos akong maligo ay lumabas ako ng banyo saka tinuyo ng tuwalya ang basa kong buhok. Hindi ko alam kung mayroon ba silang blower at nahihiya akong manghiram pa sa kanila dahil sa totoo lang ay malaking abala na ang ginagawa ko.  Kaya naman pinagtiyagaan ko na lang na punasan ng tuyong tuwalya ang buhok ko.

Habang abala ako sa pagpupunas at pagtutuyo ng aking buhok ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bag na dala-dala ko mula pa kagabi saka tiningnan kung sino.

Agad akong napangiti ng rumihistro ang pangalan ni Stephanie mula sa screen. Mukhang hinahanap na niya ako at alam kong nag-aalala na ito sa akin.

Nang sagutin ko ang tawag niya ay isang malakas na tili ang bumungad sa akin kaya mabilis kong inilayo ang cellphone mula sa aking tainga.

"My god Ella! Where are you? Bakit hindi ka nagpaparamdam, hah? Tumawag ako sa inyo hindi ka raw umuwi kagabi. Pumunta ako sa condo mo pero walang tao. Ella, tell me, where are you. Na-kidnap ka ba? Ni-rape ka ba? Ilan sila nakilala mo ba sila?" Sunod-sunod na sermon at tanong niya sa akin.

Kung katabi ko lang ito malamang nabatukan ko na siya dahil sa kadaldalan at pagiging taklesa nito. Kahit kailan wala talagang preno ang bibig.

"Ano? Hindi ka ba sasagot? Katabi mo ba yung mga kidnapper? May nakatutok bang baril sayo? Oh my god, Ella, where are you?"

Humugot muna ako ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili. Mahirap na baka masigawan ko siya dahil sa mga pinagsasabi niya.

Si Stephanie lang ang karamay ko mula noon hanggang ngayon. At kahit loka-loka siya ay masaya ako dahil parati siyang nandyan para sa akin.

"Pwede ba Steph, ang sakit sa tainga ng boses mo. Tumahimik ka muna kasi naririndi ako dyan sa bunganga mo. Im okay, kaya wala kang dapat ipag-alala. Saka ko na ikukwento sayo kung anong nangyari. Ang importante ayos lang ako."

"S-Sigurado ka ba? Alam mo naman kung gaano ako nag-aalala sayo, Ella. Basta tawagan mo ako kung may nangyari sayong hindi maganda okay?"

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Thank you, Steph. Don't worry too much, okay, I'm fine. At saka okay ako kung nasaan man ako ngayon." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Bakit parang may kakaiba sa boses mo, hmm? Bakit parang happy ka? May nangyari ba? May sinisekreto ka ba sa akin? Nagse-sekreto ka na ba sa bestfriend mo?" Sunod-sunod muli nitong tanong sa akin. Minsan hindi ko talaga alam kung bakit ba naging kaibigan ko ito. Matino naman ako pero parang may maluwag na turnilyo ang best friend ko.

"Wala! Okay? Basta saka ko na lang sasabihin sayo. Huwag kang mag-alala kasi kahit ako hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari. Tatawagan na lang kita kapag nakauwi na ako sa condo." Sagot ko sa kanya.

"Why? Sa condo ka na titira? Hindi ka na babalik sa mansion? May nangyari ba sayo, Ella?"

Napabuntong-hininga ako dahil sa kadaldalan niya. Hindi ko alam kung paano ko ba talaga natatagalan ang pagiging madaldal niya.

"Wala! At kapag hindi ka pa tumigil sa kakatanong mo dyan, puputulin ko na 'tong tawag. Tanong ka ng tanong." Galit kong ani sa kanya saka inikutan siya ng mata na animoy katabi ko lang.

Mr. Right (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon