Ella POV
Matapos akong umalis sa mansion ay dumeretso ako sa isang bar na madalas naming pinupuntahan ni Stephanie. Isa ito sa mga paborito kong puntahan kapag gusto kong uminom at kahit papaano ay marelax man lang ang isip ko.
Magagaling ang mga bandang kumakanta dito. Nakakarelax ang mga boses nila at iyon ang kailangan ko, upang mawala kahit pansamantala ang mga iniisip ko. Ang mga dinadala ko sa dibdib.
Nang makalapit ako sa bar counter ay agad akong umorder ng inumin. Iginala ko ang aking paningin upang sulyapan ang mga tao na nagkakasayahan sa loob ng bar. Ito na naman 'yong pakiramdam na parang may nakatingin sa akin. At hindi ko maintindihan kung bakit pero parang ang lapit-lapit nito sa akin.
Natatakot man ako pero wala na akong pakialam pa kung sino man ang laging nakasunod sa akin. Sabi ko nga kahit si kamatayan pa ay hindi ko na kinakatakutan.
Tahimik akong umiinom habang nakikinig sa banda na kumakanta sa ibabaw ng stage. Nakaka ilang baso na ako ng tequila ng may lumapit sa aking lalaki. Ngunit hindi pa man ito nakakaporma ay naitaboy na agad ito ng isa sa mga bouncer kaya kumunot ang noo ko.
Hinayaan ko na lang dahil pabor din naman sa akin iyon. Naisip ko tuloy ang estrangherong lalaki na humalik sa akin sa elevator. Ang gwapo niyang mukha na nakaukit sa isip ko. Ano kaya ang ginagawa niya. Parang gusto ko siyang makita.
Napailing na lamang ako at lihim na minura ang sarili. Bakit ba parati siyang sumasagi sa isip ko? Simula nang makita ko siya hindi na ako nagkaroon ng tahimik na araw. Parati ko siyang inisiip. Ngayon naman ay gusto ko siyang makita. Parang napaka imposible naman na mainlove ako sa kanya dahil hindi ako naniniwala sa love at first sight.
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Naisip ko na baka naghahanap lang ako ng isang bagay na alam kong magpapasaya sa akin. Siguro dahil kulang ako sa pagmamahal kaya akala ko ay in love na ako sa kanya. Dahil parang may kulang sa akin kaya gusto kong ibaling sa iba.
Fuck this is insane.. Nababaliw ka na Daniella..
Habang abala ako sa pag-inom ng alak ay napansin kong nagseset-up na ang pangalawang banda na magpe-perform. Ni hindi ko namalayan na tapos na pala yung nauna. Madalas acoustic ang tugtugan dito. Which is okay dahil masarap sa pandinig at hindi masakit sa tainga.
Yumuko ako at sandaling nag-isip. Hindi ko alam kung tama ba na umalis na ako sa bahay. Pero hindi na maganda ang manatili pa ako sa mansion. Lalo lamang magkakaroon ng lamat ang relasyon namin ng pamilya ko kung magtatagal pa ako sa mansion kasama sila. Kaya mabuti pang lumipat na ako sa condo ko. Mas mabuti siguro na mag-isa na lamang ako.
If ever you wondered
If you touched my soul, yes you do
Since i met you i'm not the same
You bring life to everything i doUmangat ang aking ulo sa pagkakayuko ng marinig ko ang boses ng lalaking kumakanta. Agad kong hinanap kung sino ito at nakita ko siyang nakatayo sa gitna ng stage habang nakatingin sa pwesto ko.
Natigilan ako ng makilala ko kung kanino galing ang boses na iyon. Walang iba kung hindi sa lalaking dahilan ng pagiging tuliro ko. Ang lalaking hindi nagpapatulog sa akin sa gabi.
Just the way you say hello
With one touch i can't let go
Never thought i've fall in love with you.Sa unang lyrics pa lang ng kanta ay natigilan na ako kahit hindi ko pa kilala kung sino. Napakaganda ng boses niya at malamig din sa pandinig.
Because of you
My life has changed thank you for the love and the joy you've bringNanatili siyang nakatingin sa pwesto ko. Hindi ko alam kung nakatitig ba siya sa akin. Kung para sa akin ba ang kinakanta niya. Pero pakiramdam ko ay para sa akin iyon. Na inaalay niya sa akin iyon kaya huwag na akong malungkot. Hindi ko alam pero nakatitig lang din ako sa kanya habang kumakanta siya.
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Under Revision)
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Kapag nagmahal ka kailangan tanggap mo kung ano ang taong minahal mo. Kailangan tanggap mo rin kung sino siya at ano ang kaya niyang ibigay sayo. Acceptance is one important manifestation of love. love the...