Ella POV
"Good morning bes!" Masayang sigaw ni Stephanie nang makapasok ito sa loob ng opisina ko. Nakangiti ito na parang aabot na ata hanggang tainga dahil sa sobrang pagkakangiti.
"Good morning." Ngiting sagot ko sa kanya saka ko ibinalik ang atensyon ko sa mga papeles.
Ilang segundo itong tumahimik kaya umangat ang aking ulo dahil pakiramdam ko ay nakatitig ito sa akin. At hindi nga ako nagkamali. Mariin itong nakatitig sa mukha ko. Hindi rin ito umupo sa couch at nanatili lamang itong nakatayo habang nakatingin sa akin ng may ngisi sa labi. Nakahalukipkip din ang mga braso nito.
"Why?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya.
Umupo ito sa visitor's chair sa harapan ko saka ito sumagot.
"Bakit parang ang blooming mo ngayon? Iba rin ang aura mo ngayon? What happened, hmm? Umamin ka, hindi ikaw ang totoong Daniella, noh? My god, nasaan si Daniella?" Tumatawa at maarte niyang ani.Inikutan ko siya ng mata dahil sa pagtawa niya. "Gaga! Kung sinisipot mo kasi ako, eh di sana may alam ka sa nangyayari." Sabi ko sa kanya habang patuloy ang pagbabasa sa mga papeles na hawak ko.
Siguro nga halata sa mukha ko kung gaano ako kasaya ngayon. Iba rin kasi ang pakiramdam ko. Parang lahat ata ay positibo lang. At alam kong dahil iyon kay Nathan.
Simula ng makilala ko siya at ang pamilya niya ay parang maraming bagay akong na realize sa buhay. Marami silang itinuro sa akin.
"Sayang naman! Si Liam kasi eh, hindi na ako pinaalis sa pad niya." Nakanguso at nagmamaktol niyang ani.
Boyfriend ni Stephanie si Liam. At three years na ang relasyon nila. Kasal na nga lang ang kulang dahil para na silang mag-asawa. At ewan ko ba sa lalaking iyon kung ano pa ang hinihintay niya. Hindi pa kasi ito nagpo-propose kay Stephanie. Alam kong kasal na kasal na ang gaga at siya na lang ang hinihintay nito. Alangan naman na si Stephanie ang magpropose sa kanya.
"Wala ka bang ginagawa sa opisina mo? Mukhang hindi ka ata busy?" Tanong ko sa kanya habang nasa mga papel ang aking tingin. Ang aga-aga kasi gustong maki-tsismis agad.
Sasagot na sana ito ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya pareho kaming napatingin doon. Mabilis ko itong kinuha upang tingnan. Agad na gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita kung sino.
❤Asawa ko❤:
Good morning asawa ko. Kumain ka ba ng breakfast mo? Huwag masyadong magpapagod. Mamahalin pa kita😘 I love you asawa ko.😘
Natawa ako at napailing dahil sa mensahe niya. Aminin ko man o hindi ay talagang kinikilig ako sa mga simpleng bagay na ginagawa niya para sa akin.
Minsan nga natatakot na ako na baka masanay ako na parating siyang nandyan para pasayahin ako. Pero paano kung dumating ang isang araw na magsawa din siya sa pagpapasaya sa akin.
Tumikhim si Stephanie kaya napatingin ako sa kanya. Mariin siyang nakatitig sa mukha ko na para bang binabasa niya ang mga emosyon ko.
"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pero sa nakikita ko, masaya ka. Kaya I'm happy for you, bes. At kung sino man ang lalaking yan na nagpapasaya sayo ngayon, gusto kong magpasalamat sa kanya dahil sa mga ngiting yan." Aniya.
Nginitian ko siya. "Thank you Steph. Thank you for always being there for me."
Tumayo ito saka lumapit sa akin. Niyakap niya ako sa ulo at balikat kaya hinaplos ko ang mga braso niyang nakapulupot sa leeg ko. Naramdaman kong hinalikan din niya ako sa ulo. "Ano ka ba? I'm your bestfriend. Kaya kapag masaya ka, masaya na din ako. Yon lang naman ang hiling ko para sayo, Ella. Yong maging masaya ka. Basta huwag mong kalimutang ipakilala sa akin yan, ah!" Sabi niya kaya tumango ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Under Revision)
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Kapag nagmahal ka kailangan tanggap mo kung ano ang taong minahal mo. Kailangan tanggap mo rin kung sino siya at ano ang kaya niyang ibigay sayo. Acceptance is one important manifestation of love. love the...