Chapter 1

2.9K 67 1
                                    

Ella POV

"You idiot, what's this? Ha?!" Galit at malakas kong sigaw sa isa sa mga empleyado ko. Matalim ko itong tiningnan habang naka isang linya ang mga labi dahil sa pagpipigil ko ng galit.

Nanginginig at namumutla itong yumuko habang pinaglalaruan ang sariling mga daliri sa kamay.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Ayaw na ayaw ko kasi ng empleyadong tatanga-tanga. Naiirita ako.

Ayaw ko rin ng papatay-patay. Gusto ko isang beses ko lang itong sasabihin sa kanilang lahat at kailangan nakuha na nila agad kung ano ang gusto kong mangyari.

Ngunit heto at ke aga-aga pinag-iinit ng babaeng nasa harapan ko ang ulo ko ngayon.

"M-Mam p-pinagpuyatan ko p-po yan, g-ginawa ko po ang lahat ng ibinilin nyo para dyan." Nanginginig niyang sagot sa akin habang nakayuko at hindi makatingin sa aking mata.

"At sa palagay mo maayos na 'to, ganon ba?" Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

Hindi ito nagsalita at nanatili lamang itong nakayuko.

Ilang linggo na siya sa trabaho niya at hanggang ngayon ay tatanga-tanga pa rin. Ni hindi ko nga alam kung saan ba pinagkukukuha ng HR department ang mga empleyado na tinatanggap ng mga ito.

"Sa palagay mo magagamit ko ito sa meeting mamaya? Ang basurang ito?" Saad ko sa kanya habang ipinapakita ang folder na ibinigay niya sa akin. "Napaka simple lang ng gusto ko. Ang sabi ko bigyan mo ako ng annual sales report. Hindi basura!"

Napapitlag ito dahil sa gulat at nagsisimula na ring umiyak.

Lalong nagsalubong ang kilay ko ng makita ko siyang umiiyak. Isa yan sa pinaka ayaw ko ang iniiyakan ako. Ayaw ko na dinadramahan ako.

"Stop crying, because you are fired! Now, get lost!" Sigaw kong muli sa kanya saka inihagis sa harapan niya ang folder na ibinigay niya sa akin.

Tumingin ito sa akin ng may matalim na titig bago nagpunas ng luha sa mukha. Kung nakamamatay lang ang titig niya sigurado akong bumulagta na ako ng mga oras na iyon. "Babagsak ka rin! Isang araw magugulat ka na lang na wala na sayo ang lahat. At kapag dumating ang araw na yon, sigurado akong pagtatawanan kita." Anito habang nakatitig sa mga mata ko. Nanginginig siya ngunit kita mo ang galit sa mga mata niya.

Para namang natakot ako. Dream on, bitch...

"I don't care! You know why? Dahil kahit sino ay hindi ko kinatatakutan. Even death!" Galit kong sigaw sa kanya saka ko siya tinitigan mula ulo hanggang paa. "Now get lost, because I don't want you in my company! Get out of here, before i drag you out of my building!!"

Nagmamadali itong umalis kaya napasandal ako sa aking kinauupuan.

Gagang yon, ako pa ang takutin niya. Hinilot ko ang aking sintido habang nakapikit.

Mali siya ng tinakot. Hindi ako magiging Daniella Alegre kung madali lang akong matatakot ng kung sino-sino. Kahit si kamatayan pa yan wala akong pakialam.

At hindi ako makakarating sa kinatatayuan ko ngayon kung mahina ang loob ko.

Bata pa lang ako ay namulat na ako sa ganitong kalakaran. Kapag mabait ka, tatapakan ka nila. Kapag mahina ka, kakainin ka nila ng buo. Kaya kailangan kong maging malakas at matapang. Kailangan matibay ang loob mo. Bawal ang iyakin at kailangan mong makipagsabayan sa kanila.

Bata pa lang ako parati ko ng pinatutunayan ang sarili ko sa lahat tao lalo na sa pamilya ko.

Bunso ako sa aming magkakapatid. Ang panganay namin ay si kuya Danny at ang sumunod naman ay si ate Divina.

Mr. Right (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon