Ella POV
Liwanag na nagmumula sa bintana ng aking kwarto ang gumising sa akin. Mukhang umaga na dahil sa sikat ng araw na tumatawa sa aking mukha. Pero teka lang.. liwanag? Kelan pa ako nagbukas ng bintana sa kwarto ko?
Iminulat ko muna ng bahagya ang aking mata saka inikot ang paningin sa paligid. Agad kumunot ang aking noo ng mapansin na wala ako sa sarili kong kwarto. Nasaan ako?
Napahawak pa ako sa aking ulo ng maramdaman ng pagkirot at pagsakit nito. "Aahh.. Shit.. Hindi na talaga ako iin..."
Sandali akong natigilan at napatingin sa kisame ng sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi. Ang ginawa kong pag-inom sa bar. Mabilis akong napabalikwas ng bangon saka inikot muli ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto.
Simple lamang ito at base sa kulay, mga gamit at amoy ng naiwang pabango sa loob ng kwarto ay mukhang lalaki ang may-ari nito.
Hanggang dumako ang aking paningin sa kama na tinutulugan ko. Nanlaki rin ang aking mata ng makitang iba na ang suot kong damit. Agad akong napayakap sa aking katawan saka pilit inalala ang nangyari kagabi. Shit.. Ano bang nangyari kagabi? Damn you Daniella. What did you do?
Kahit anong pilit kong alalahanin kung ano ang nangyari kagabi ay iisa lamang ang rumirihistro sa aking isipan. Ang mukha ng lalaking iyon, ang walang hiyang lalaking humalik sa akin sa elevator. Ang lalaking nagpapagulo ngayon ng isipan ko.
Nanlaki ang aking mata saka muling tumingin sa damit na aking suot. "Aahhhhh!!!!" Tili ko ng mapagtanto kung ano ang nangyari sa akin.
Nasa ibang bahay ako. Iba ang suot kong damit at lasing ako kagabi. Iisa lang ang ibig sabihin nito. May kasama akong lalaki kagabi? At mukhang nasa bahay niya ako. Ang tanong, sino?
Pinagsamantalahan ba niya ako? Wala akong maalala? May nangyari ba sa amin? Pero kung may nangyari sa amin dapat masakit ang petchay ko. Pero wala naman akong nararamdaman. Sabi kasi ni Steph masakit daw ang first time.
Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon ang taong hindi ko inaasahang makita. Napatingin ako sa mukha nila partikular sa mukha ng lalaking nag-aalalang nakatingin sa akin. May kasama itong dalawang dalaga at isang matandang babae. Hula ko ay pamilya niya ang mga ito dahil may pagkakahawig sa kanya.
"A-Asawa ko anong nangyari sayo? M-May masakit ba sayo? Bakit ka sumisigaw?" Aniya saka ito nag-aalalang lumapit sa akin.
Sa dami ng itinanong at sinabi niya sa akin ay wala akong naintindihan. Dahil iisa lamang ang siyang paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko iyon ay ang pagtawag niya sa akin ng 'asawa ko'.
Nanatili akong nakatingin sa mukha niyang nag-aalala habang patuloy itong nagtatanong kung ano ba ang masakit sa akin.
Bumilis ang tibok ng aking puso at kinakapos ang aking paghinga. Parang may dalawang basketball team din ang naglalaro sa aking tiyan ng mga oras na iyon.
Umurong ang aking dila at tila sa dami ng gusto kong sabihin at itanong ay walang kahit anong salita ang lumabas mula doon. Ito na naman yong pakiramdam na para bang nawawalan ako ng lakas kapag nasa malapit lang siya. At kapag nasa harapan ko siya.
Tumabi siya sa akin saka niya hinaplos ang aking noo. Tila libo-libong kuryente ang naramdaman ko ng dumampi ang mainit niyang palad sa aking noo kaya napapitlag ako.
"O-Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Gusto mo ba dalhin kita sa ospital?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya saka tumingin sa pamilya niyang matamang nakatingin din sa akin.
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Under Revision)
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Kapag nagmahal ka kailangan tanggap mo kung ano ang taong minahal mo. Kailangan tanggap mo rin kung sino siya at ano ang kaya niyang ibigay sayo. Acceptance is one important manifestation of love. love the...