Nathan POV
Nang matapos ang naging performance ko, ay sandaling pinaunlakan ko ang paanyaya sa akin ng ilang costumer. Ayoko naman maging bastos kaya kahit ayaw ko ay nilapitan ko na rin sila.
Sinulyapan kong muli ang kinaroroonan ni Daniella at agad na kumunot ang aking noo nang makita ko siya. Tinutungga na nito ang bote ng alak na hawak. Kung kanina ay gumagamit pa ito ng baso, ngunit ngayon ay parang manginginom na ito sa kanto kung laklakin ang alak na hawak nito.
Matapos kong makipag-plastikan at batian sa ilang costumer ay nagpasya na akong umalis at lumapit sa pwesto kung saan naroroon si Daniella. Kailangan ko na siyang alalayan dahil mukhang lasing na ito.
Umiiyak na rin ito habang umiinom kaya nag-alala ako sa kalagayan niya.
Tang na, umiiyak na naman ang asawa ko. Don't worry my wife nasa likod mo lang ako.
Gusto ko siyang lapitan at yakapin upang kahit papaano ay gumaan ang bigat na dinadala niya. Ramdam kong mayroon siyang pinagdadaanan.
Kita ko rin sa mga mata niya ang lungkot. Wala itong buhay at kulay. Gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko at sabihing nandito lang ako. Pero natatakot akong gawin yon.
Unang-una ay hindi niya ako kilala. Kahit kilala ko siya ay estranghero pa rin ang tingin niya sa akin. Pangalawa ay hindi kami bagay. Mayaman siya at mahirap lang ako. At wala akong lakas ng loob na magpakilala sa kanya.
Pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos niya mula sa malayo. Masaya na akong gawin iyon. Ang bantayan siya.
Hanggang maramdaman kong lumapit sa akin Hugo. Tinapik pa nito ang likod ko kaya napatingin ako sa kanya.
Tiningnan niya kung ano ba ang tinitingnan ko saka siya ngumisi.
"Kursunada mo, bakit hindi mo lapitan?" Aniya.Umiling ako. "Hindi ko siya kursunada bud, dahil hindi lang basta kursunada ang nararamdaman ko sa kanya. Sa tingin ko nga mahal ko na siya eh." Sagot ko sa kanya.
Ngumisi si Hugo saka umiling. "Patay tayo dyan. Magpapainom na ba ako dahil sa wakas na-inlove din ang isang Nathan Fernandez?"
Tumingin ako sa kanya saka ngumiti. "Alam mo bud, dati hindi ako naniniwala sa love at first sight. Pero tang ina, grabe si kupido kung pumana, tagos hanggang atay. Sapol na sapol."
Humalakhak si Hugo dahil sa sinabi ko. Hindi ito makapaniwala sa akin.
"What? Kung makatawa ka dyan?"
Umiling si Hugo saka niya ako tinapik sa balikat. "Goodluck buddy. Mukhang kailangan mo ng maraming luck."
Muli akong tumingin kay Daniella. Napangiti ako nang makitang lasing na ito dahil nagsasalita na ito ng mag-isa.
"Mukhang kailangan ko nga yan bud. Dahil ngayon pa lang brokenhearted na agad."
Kumumot ang noo ni Hugo saka ito tumingin kay Daniella. "Why? Wala ka bang balak bakuran siya?"
Malungkot akong umiling saka tumingin sa mukha ni Hugo. "Hindi kami pwede, bud. Langit siya at lupa ako kaya hindi kami bagay."
Lalong kumunot ang noo ni Hugo. Humarap ito sa akin. "Saan mo naman nakuha ang ideyang kapag mayaman at mahirap ay hindi na pwede? Nathan, sa pagmamahal walang mayaman o mahirap. Lahat pantay-pantay. At saka maikli lang ang buhay. Kapag may gusto kang makuha na alam mong magpapasaya sayo kunin mo bago pa ito mawala at makuha ng iba. Kaya kilos dude! Balita ko wala pang naging boyfriend yan. Try your luck, malay mo naman ikaw pala yong para sa kanya."
Nang sulyapan ko si Daniella ay nakita kong naubos na nito ang pangalawang bote ng alak kaya napakamot ako ng ulo. Ang lakas uminom, parang tumador lang sa kanto.
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Under Revision)
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Kapag nagmahal ka kailangan tanggap mo kung ano ang taong minahal mo. Kailangan tanggap mo rin kung sino siya at ano ang kaya niyang ibigay sayo. Acceptance is one important manifestation of love. love the...