Chapter 19

1.4K 52 3
                                    

Ella POV

"Ey! Good morning bes!" malakas at pasigaw na bati ni Steph sa akin ng makapasok siya sa loob ng opisina.

Parang may mikropono talaga ang bunganga ng babaeng 'to. Hindi uso ang salitang mahinahon sa kanya.

"Pwede ba, lower your voice! Nasa harapan mo lang ako." inis kong sabi sa kanya.

Inikutan lang niya ako ng mata. Tingnan mo to, siya pa talaga ang may ganang mang-irap.

Umupo siya sa visitors chair sa harap ng mesa ko at nakapangalumbabang tumingin sa akin.

Sinulyapan ko lang siya saka ibinalik ang atensyon sa mga papel na nasa harapan.

"Ano problema mo?" Tanong ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya saka sumagot. "Bes, may meeting ka mamaya." sabi niya.

Natigilan ako saka tumingin sa kanya habang nakataas ang kilay.

"Meeting? Tungkol saan?" Nagtatakang tanong ko.

Ako ang may ari ng kompanyang pinapatakbo ko pero wala man lang akong alam sa meeting na mangyayari.

Humaba ang nguso niya saka umiwas ng tingin sa akin.

"Steph?"

"Eh kasi, kinausap ako ng daddy mo. Gusto niya na makausap ka."

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Bakit ikaw ang tinawagan nila? Bakit hindi sila dumeretso sa akin?"

"I don't know! Basta humingi sila ng oras mo, kung pwede ka daw ba?"

Bumuntong-hininga ako saka ibinalik ang atensyon sa mga papeles.

"Sino sino sila. At ano ang agenda?"

"Ang alam ko ang daddy mo at kasama si Mr. Rodriguez the senior. I think kasama din si Pocholo, ata." Aniya

Kumunot agad ang aking noo. Napatingin ako sa kanya na para bang nagtatanong. Ngunit nagkibit balikat lang si Steph 

Ano na naman kaya ang kailangan nila. Mukhang may niluluto na naman sila. Basta huwag lang nilang pakikialaman si Nathan at ang pamilya niya ay magkakasundo kami.

"Kung ano man ang plano nila bahala sila. Huwag lang nilang pakikialaman ang kompanya ko at si Nathan." sabi ko sa kanya saka ibinalik ang sarili ko sa pagtatrabaho.

"Nagulat nga rin ako dahil sa akin dumeretso ang sekretarya ng daddy mo. Siguro kasi alam niyang hindi ka papayag sa meeting."

"Samahan mo ako mamaya, iba kasi ang pakiramdam ko sa meeting na yan."

"Okay, sige sasamahan kita." Sabi niya kaya ngumiti ako.

Sandaling natahimik siya kaya napatingin ako sa kanya. Matiim siyang nakatingin sa akin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko.

"Wala naman. I'm just curious kung kamusta ka pagkatapos ng lahat ng nalaman mo?"

Humugot ako ng malalim na hininga saka binitawan ang mga papeles na hawak ko. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay saka tumingin sa kanya.

"I'm good. I'm okay. Siguro kasi nandyan si Nathan nung mga oras na yon. May nasandalan ako. May naging karamay ako at alam kong tinanggap ako ng buo. Actually, madali ko na nga lang natanggap ang lahat. At kasama ng pagtanggap sa totoo ay yung unti unting pagpapalaya ng galit ko sa kanila."

"Mabuti naman. Inaalala ko kasi baka mamaya nyan mabaliw ka na."

Natawa at napailing ako sa sinabi niya.

Mr. Right (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon