Ella POV
"Bakit anong nangyari?!"
Gulat kaming napatingin ni Lola kay Nathan ng marinig namin ang boses niya sa aming likuran.
Napalunok ako ng laway habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ang lahat ng parte ng aking katawan dahil sa kaba.
Lumapit siya sa amin ni Lola saka siya nagmano at humalik sa pisngi ni Lola Miling.
"May nangyari ba, Lola?" Tanong niya.
Hindi agad nakasagot si Lola. Lumapit siya sa akin saka yumakap at humalik sa noo ko.
"Bakit ang aga mo ata ngayon asawa ko?" Tanong niya habang nakayakap sa akin.
Napatingin ako kay Lola dahil hindi ito nagsasalita. Habang ako naman ay nakagat ang ibabang labi dahil sa kaba.
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin saka tumingin kay Lola Miling.
"Lola, ano po ang nangyari?" Tanong muli niya.
Tumingin si Lola sa akin kaya tumango ako.
Si Nathan naman ay naguguluhang nakatingin sa aming dalawa.
"Nathan kasi, si Nadine." Tipid na sagot ko.
Napatayo ito ng diretso saka mariing tumingin sa aming dalawa.
"Ano ngang nangyari?" Tanong niyang muli.
"A-Apo, maupo ka muna. Tatawagin ko lang yung dalawa." Ani Lola.
Hinila ko si Nathan saka pinaupo sa sofa. Nakakunot na ang noo nito habang nakatingin sa akin.
Umiwas ako tingin sa kanya kaya tinawag niya ako.
"Asawa ko, may itinatago ka noh?" Tanong niya.
Kahit gusto kong natawa dahil sa reaksyon niya ay pinigilan ko ang sarili ko. Mas lamang kasi ang kaba sa dibdib ko.
Teka lang, bakit ba pati ako kinakabahan? Nakakatakot kasi ang mokong nato.
Nang bumalik si Lola ay kasama na nito si Nadine at Nadia.
Napatayo si Nathan ng makita niya ang mga pasa at sugat ni Nadine sa katawan. Sinalubong niya ito at mariing sinuri ang katawan.
"Anong nangyari sayo?! Bakit puro sugat at pasa ka? Sinong may gawa nito?!" Galit na tanong ni Nathan.
Hindi sumagot si Nadine at Nadia. Nanatiling nakayuko ang mga ito. Nang wala siyang makuhang sagot sa mga kapatid ay tumingin siya kay Lola Miling. Ngunit mabilis na nag-iwas ng tingin si lola.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kanila. Para kasi silang mga bata na pinapagalitan ng ama.
Sabagay si Nathan kasi ang itinuturing nilang padre de pamilya. Kaya siguro ganon na lang ang takot nila dito.
"Wala bang sasagot sa tanong ko?" Tanong nito.
Nakapamaywang siyang tumingin sa mga kapatid. Ngunit nagtagal ang tingin niya kay Nadine. Siguro ay sinisipat nito ang mga sugat ni Nadine sa katawan.
"Magsasalita ba kayo o magtitinginan na lang tayo?" Galit na saad ni Nathan.
Ramdam ko ang panginginig sa boses niya.
Agad kong hinawakan ang kamay niya saka pilit na pinapakalma. "Hindi ba pwedeng kumain muna tayo. Isa pa kakauwi mo pa lang, ni hindi ka pa nga nagpapahinga. A-Ako na lang ang magpapaliwanag sayo." Sabi ko sa kanya sa mababang boses upang pakalmahin siya.
Nakakunot noo siyang tumingin sa akin. "So may alam ka dito?" Tanong niya kaya kahit ayaw ko ay tumango na lang ako. "Buti ka pa alam mo yung nangyayari sa pamilya ko. Samantalang ako, wala." Sabi niya pero ang mata niya ay palipat lipat sa aming lahat.
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Under Revision)
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Kapag nagmahal ka kailangan tanggap mo kung ano ang taong minahal mo. Kailangan tanggap mo rin kung sino siya at ano ang kaya niyang ibigay sayo. Acceptance is one important manifestation of love. love the...