Chapter 27 👶

264 6 0
                                    

Dwayne's POV









At the Hospital












Andito ako ngayon sa opisina ni Tita. Mama ni Lawrence.

"Nabigay ko na. Maghintay ka nalang sa result" sabi ni Tita.

"Salamat po Tita"

"Mabuti at naman at papanindigan mo ito Anak?" Parang ina narin ng mga Lions ito.

"Papanindigan ko po talaga yan Tita pag positive ang result." Nakangiting sabi ko.

"Well, mabuti kung ganon. Kasi di madali ang maging single mom. Lalo na at triplets pa"

"Oo nga po eh."

"Alam mo Dwayne, hijo. Pasensya na ha kung masabi ko ito. Pero hindi ko masikmura ang ginawa ng ama mo" napayuko ako sa kahihiyan. Nakuwento ko kasi kay Tita ang storya.

"Kaya nga po, ngayon na andito na ito. Ako na mismo ang kikilos. Kasi di ko maaasahan ang ama ko kahit anong bagay."

"Ang lupit niya sa magiging daughter-in-law niya at sa mga apo niya. Malupit rin siya sa asawa na pinalayas niya" sabi ni Tita. Nung pinalayas ni Dad si Mom. Andoon sina Tita kasi that time. Birthday ko yun.

"Oo pala, hanggang ngayon ba wala pa rin ang Mommy mo?" Tanong niya. Umiling ako.

"Ipahanap mo kaya"

"Tita, di ako naghahanap ng taong nangako na babalik." Tumango siya at hinagod ang likod ko.

"Hanggang kailan ka maghihintay?"

"Hanggang sa gusto ko pang maghintay" sabi ko. Tumayo si Tita. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Pagkailangan mo naman ng Mommy. Madami kang Mommy." Sabi niya. Ang mga ina ng mga Lions ay naging ina ko na rin.

"Salamat po ulit Tita"

"Wala yun. Sana lang nga positive para di ka na malulungkot pa. Para may kasama kana sa buhay mo hindi puro Lions nalang." Natatawang sabi ni Tita.

"Sige Tita, pakikamusta nalang ako kay Lawrence"

"Sige" nagpaalam na ako at lumabas na ng office ni Tita.


















----

















Lions Bar













Pumasok ako sa office ni Marco. Busy siya may katawag eh. Umupo ako sa couch. Maya maya lang ay natapos na siya sa tawag niya.

"Oh?"

"Nagpa DNA na ako"

"Mabuti kung ganon"

Nagpa DNA ako pati ang triplets. Kahapon yung nagmall kami napagod ang triplets. Uminom ang triplets ng tubig. Yung ininuman nila na water bottle ay yun ang ginamit ko pang DNA.

"So, sa ngayon na hinihintay mo ang result? Ano ang gagawin mo?"

"What do you mean?"

"What if, positive?"

"Tapos?"

"Ano ang gagawin mo?"

"Papanindigan ko" sabi ko. Ngumiti siya.

"Well, dapat lang. So alam mo na paano nangyari?"

"HAIST! Pwede ba Marco. Di na mahalaga kung paano nangyari. Ang mahalaga ngayon at andiyaan na." Tumabi siya sa akin at inakbayan ako.

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon