Chapter 19 👶

255 10 0
                                    

Carl's POV





Bumukas ang pinto at pumasok si Jun.

"Jun"

Ngumiti siya. "Nagdala ako ng pagkain baka nagugutom kana " sabi niya. Kinuha ko ng dala nito.

"Nag abala ka pa"

"Hindi naman. Kamusta na pala ang triplets?" Tanong niya.

"Ito, maya maya oobserbaran sila kung okey lang ba ang mga plaletes nila."

"Alam mo wala kang dapat ipag alala. Mukhang malalakas naman ang mga anak mo. Makakaya nila ito" ngumiti ako ng pilit.

"Sana nga. Naaawa na nga ako eh. Ki bata-bata pa nila. Ilang beses na sila na oospital"

"Wag kang mag alala. Kasama mo ako. Papalakihin natin silang malalakas"

"Jun---"

"Hindi ko sinasabi na dapat ay magustuhan mo rin ako. Hindi. Hayaan mo lang ako maging father figure nila kahit walang tayo." sabi niya. Na aawa ako kay Jun. Andiyan siya lagi sa akin pati sa triplets. Ayaw ko naman siyang masaktan.
























-------


















Sa wakas at mabuti nakalabas na ang triplets. Kasama ko ngayon si Rose karga niya si Dayne, si Jun naman karga niya si Wayne at ako karga ko si Duane. Si Manang naman ay nasa bahay naghahanda siya ng mamakain namin.

"Lola" masayang bati ni Rose ng makapasok na kami sa bahay. Nakangiting sumalubong naman si Manang sa amin.

"Naku mga apo ko." Ngumingiti naman ang triplets sa kanya. "Sandali lang at titignan ko ang niluto ko ah". Pumunta kami sa sala at pina upo namin sa carpet ang triplets.

"Mam-ma" nauutal na sabi ni Wayne. Napangiti ako. Kinarga ko siya.

"Ulitin mo nga nak. Mama"

"Mam-ma" ngumiti ako at hinalikan siya.

"Duanne. Sabihin mo, mama"

"Mam-ma" sabi niya at ngumiti.

"Mam-ma" sabi rin ni Dayne.

"Triplets sabihin niyo nga rin. Papa" sabi ni Jun. Hinampas ko siya.

"May usapan na tayo" sabi ko. Tumawa naman si Rose.

"Oo nga"

"Eh ano ang itatawag nila sa akin?"

"Ikaw bahala wag lang papa" sabi ko.

"Sige Uncle nalang" sabi niya. Napangiti naman ako.

"Triplets ako si Uncle niyo." Sabi niya sa triplets. Ngumiti naman ang triplets.




















-------


















Araw araw na si Jun nasa bahay. Siya ang nagiging katuwang ko sa pag aalaga ng triplets.

Gaya ng sabi niya. Siya ang tatayong ama ng triplets. Nakikita ko rin naman na malapit na siya sa triplets.

Tinutulungan rin niya ako sa gawaing bahay. Siya minsan nagpapatulog sa triplets. Nagpapakain , nagpapaligo at nagbibihis ng mga ito.

Siya rin ang naghahatid sundo sa akin sa trabaho pero sa uwian. Nauuna siya sa bahay dahil ngayon nag oovertime ako sa Kotse-na para malaki ang kita. Pagkauwi ko at matutulog na. Tsaka naman siya uuwi. Babalik siya pag umaga na. Yan lang ang routine namin.

Pero walang kami. Ayaw ko ipilit ang sarili ko sa kanya.


Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon