Chapter 25 👶

251 6 0
                                    

Dwayne's POV









Pagkarating ko sa tapat ng bahay niya. Kumatok ako. Matagal na rin pero alam ko parin ang address niya. Bumukas ang pinto.

"Rose" sabi ko. Nagulat siya.

"Kuya?" Tumingin siya kay Carl.

"Pasok ka kuya." Pumasok na ako.

"Sa kuwarto mo nalang eh diretso si ate kuya." Tumango ako. Pumasok ako sa kuwarto at nakita ko na sa kabilang higaan ay ang triplets. Hiniga ko siya sa isang higaan.

"Akalain mo nga naman kuya. Deja vu ba? Heheh, parang nangyari na rin ito dati eh" sabi ni Rose. Deja vu nga. Ngumiti ako ng pilit.

"Kuya pag alis mo eh lock mo nalang ang pinto ah. Salamat sa pag uwi kay Ate" sabi niya at umalis na.

Napatingin ako sa triplets. Gumalaw ang isa at parang magigising kaya lumapit ako at lumuhod. Tinapik tapik ko ang likod niya dahil nakaubo siya. Hindi naman siya umiyak at natulog na ito ulit. Hinaplos ko ang ulo ng mga triplets. Napangiti ako.

Tumayo na ako ng may masagi akong maliit na box na nasa baba. May napansin akong maliit na papel. Kinuha ko ito at tinignan.

S-Side Village. L Street.

Kumunot ang noo ko. Bat may address siya sa mansion?



























------




















Carl's POV










"Sir" sabi ko sabay katok sa pinto ng office niya. Sinenyasan niya akong pumasok.

"What can I do for you Engr. Carl?"

"Ah, Sir kagabi--"

Umiling siya at nag iwas ng tingin sa akin. "Wala yun"

"Salamat po" sabi ko. Sinabi kasi sa akin ni Rose na siya ang naghatid sa akin kagabi.

"Sige po Sir" sabi ko at tumalikod na.

"Engr. Carl" tawag niya sa akin. Napalingon ako sa kanya.

"Sit down" umupo naman ako.

"Your working hard" sabi niya.

"Kailangan Sir eh"

"Dahil sa mga anak mo" napatingin ako sa kanya.

"Po?"

"Nung isang araw kasi nakita kung may sumalubong sa iyong triplets nung uwian na." Ngumiti ako.

"Mga anak mo?"

Tumango ako. "Opo"

"Yung lalaki? Asawa mo?" Tanong niya. Si Jun ba?

Umiling ako. " Naku hindi po. Tatay lang tawag nila kasi parang yun na din ang ama amahan nila"

"He's your boyfriend?"

"Hindi rin po." Sabi ko. Tumango siya at nag iwas ng tingin.

"Akala ko kasi anak yun ng lalaki kaya naging anak mo na rin"

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon