Chapter 7 👶

346 13 0
                                    

Dwayne's POV




"I need my notes tomorrow."

"Me too. Kung pwede lang din. Tomorrow sa 3rd floor ang classroom namin. Puntahan mo nalang kami okey"

Rinig kong sabi ng dalawang babae. Binalewala ko lang ito at naglakad na palabas ng gate. Wala lang magstastambay lang ng konti wala pa kong ganang umuwi sa condo eh. Nakatayo lang ako rito sa labas ng may makita akong matandang babae na may dalang malaking basket.

"Gusto niyo tulungan ko na ho kayo?" Tanong ko sa matanda. Kasi nahihirapan kasi siya.

"Naku maraming salamat hijo pero ayos lang. Pwede lang ba magtanong?" Tumango ako.

"Saan ba ang building ng mga Engineering?" Tanong niya.

"Samahan ko na ho kayu."

"Pwede bang pumasok?" Nag aalanganing tanong niya.

"Oho. Sunod ho kayu sa akin." Tumango naman siya at naglakad na kami. Huminto kami sa tapat ng Engineering Building.

"Dito na po. Gusto niyo--"

"Naku wag na hijo. Nakakaabala na ako sa iyo. Ako nang bahala. Salamat ha" tumango lang ako at tumalikod na. Nakakahakbang ko lang ng konti ng marinig kong nagsalita si Manang.

"Carl anak. Andito ka lang pala."

"Manang"

"Naku pasensya kana may ginagawa ka pa ba?"

"May pinagkakaabalan lang ho ng konti"

"Iniwanan ko lang ang tatlo sa nurse. Kailangan ko kasing mamalengke. Wala pa rin yung apo ko."

"Ganun ba manang ayos lang. Pupunta na ho ako ngayon sa hospital."

"Sige. Iuuwi ko lang ang mga ito. Magluluto ako para mamaya."

"Mabigat ho yan manang"

"Naku ano ka ba. Ayos lang ako. Sige na hinihintay ka na ng tatlo"

"Sige po manang." Yan lang ang narinig ko. Naglakad na ako patungo sa parking ko. Paglingon ko palabas na si manang ng gate. Sumakay ako sa kotse. Pagkalabas ko ng University. Mahina akong bumusina at hinito sa gilid ni Manang.

"Sakay na ho kayo." Sabi ko.

"Bibigyan mo ako ng libreng sakay?" Tanong ng matanda.

"Oho. Sumakay na ho kayo. Sige na ho" sabi ko. Tumango naman siya. Bumaba ako at pinagbuksan ng pinto ang matanda. Kinuha ko ang basket na dala niya.

"Akin na ho" sabi ko. Binigay naman niya sa akin. Pagkasakay niya ay isinarado ko na ang pinto ng passenger seat. Binuksan ko ang ika pangalawang pinto at doon inilagay ang basket sa upuan kung saan ang unahan nito ay ang passenger seat at isinarado ko na ang pinto. Umikot ako at sumukay na sa driver seat.

"Taga saan ho kayo?" Tanong ko. Sinabi naman niya sa akin ang address. Nagmamaneho ako hanggang sa nakarating na kami sa address nina Manang.

"Dito ho ba manang?"

"Oo hijo." Tumango ako at bumaba na. Mabilis akong umikot para pagbuksan si Manang at inalalayan sa pagbaba ng kotse.

"Salamat hijo" tumango ulit ako. Kinuha ko ang basket at ako na ang nagbibit.

"Ako na ho ang magdadala manang hanggang sa pinto ng bahay niyo."

"Ay naku hijo wag na."

"Okey lang ho. Mabigat rin itong basket na dala niyo." Sabi ko. Puno kasi ng mga gulay at iba pang prutas.

"Sige hijo" at naglakad na si Manang. Binuksan niya ang pinto ng bahay niya.

"Akin na hijo. Gusto mo bang pumasok muna." Umiling ako.

"Hinatid ko lang po kayu. Salamat nalang ho." sabi ko. Ngumiti naman si Manang.

"Ganun ba---" napalingon kami sa may tumawag kay Manang.

"Lola" tawag ng babae. Sa suot niya pang highschool ito na uniform. Lumapit siya kay manang at nag mano.

"Bat ngayon ka lang?" Tanong ni manang sa babae.

"Eh pinagalitan pa kami kasi may nangyaring gulo dahil sa classmate namin."

"Sos, ikaw iiwas ka sa mga gulo ha. Ay Oo pala gumalang ka sa kanya tinulungan niya ako sa dala ko." Sabi ni Manang. Tumingin ang babae sa akin.

"Salamat kuya" sabi niya at ngumiti sa akin. Tumango lang ako.

"Sige ho, aalis na ho ako." Paalam ko.

"Maraming salamat ulit hijo."

"Bye Kuya" tumango lang ako at tumalikod at naglakad patungo sa kotse ko at sumakay.











--------












Nakarating na ako sa condo ko. Kakaupo ko palang ng may nagdoorbell. Mga ugok na naman ito. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Ron, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Si Ron ang personal driver ng ama ko.

"Hello po Sir Dwayne."

"Pasok ka muna" umiling siya.

"Di na po ako magtatagal Sir. Habang abala ang papa niyo na ngayon ay nasa mall kasama ang bagong girlfriend niya ay sumingit ako ng kaunting sandali para pumunta rito." Sabi niya.

"Bakit may kailangan ka Ron?"

May binigay siya sa akin na box. Takang tinignan ko siya. "Ano to Ron? Kanino galing?"

"Di ko po alam Sir Dwayne. Ang sabi ng guard kaninang umaga na may ali raw na nagpapabigay para raw saiyo. Dinala ko nalang dahil alam ko naman po na hindi pa kayu pupunta sa mansion dahil sa sitwasyon ng papa niyo." Alam ni Ron ang galit ko kay Dad.

"Sino? ikaw ba nakita mo siya?"

"Mabilis siyang naglakad palayo pero ewan ko lang po Sir pero kung magtalikod siya parang mama niyo" sabi ni Ron. Pagkasabi niya nabigla ako ng konti.

"Pero di po ako sigurado kasi iba naman po pagnakaharap po diba?" Sabi ni Ron.

"Akin na. Sige na Ron. Baka hanapin ka pa. Pagpinagalitan ka. Tawagan mo ako."

"Ay naku ayos lang ho Sir. Sige ho. Mag iingat ho kayu Sir."

Tumango ako. "Ingat ka rin" sabi ko at sinarado ang pinto. Pumunta ako sa kusina at inilapag ang box sa lamesa. Kumuha ako ng tubig at uminom. Tinignan ko ang box.

"Impossibling galing sa kanya ito." Sabi ko at kinuha ang box at inilagay sa isang cabinet ko sa sala.

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon