Chapter 15 👶

298 11 0
                                    

Dwayne's POV









Kumuha ako ng juice. Naglakad ako kung saan nakaupo si Carl , nakaupo siya sa may beach. Habang ang iba ay nag eenjoy maglakad lakad sa beach.

“Here” sabay abot sa kanya ng juice.

“Sa-salamat” kinuha niya ang juice at umupo ako sa tabi niya.

“Dwayne diba?” Tanong niya. Napatingin ako sa kanya.

“Paano mo nalaman ang name ko?” Tanong ko.

“Kay Raven. Sinabi lang niya sa akin. Ikaw kasi dinadala mo ako tapos di ka man lang nagpapakilala” sabi niya. Uminom ako ng juice ko at inilahad ang kamay ko sa kanya.

“Dwayne Stanford” pakilala ko. Inilahad rin niya sa akin ang kamay niya.

“Carl Del Mar” at nagshakehands kami.

“Panlalaki” sabi ko.

“Yan lang ang dinadala ko.” Sabi niya.

“Ano ba tunay mong name?”

“Carlie Mien Del Mar” sabi niya.

“Maganda ang name mo. Babae tapos pinalalaki lang ang palayaw mo?”


“Carl na ang nakasanayan eh” sabi niya.


“Well I'll call you Mien or Carlie?”


“Mien nalang kasi may meaning” sabi niya.

“May meaning?” tumango siya.

“Pangalan ng Nanay ko ay Carmen. Kinuha niya ang name ko sa name ni Nanay ko. Ang Car nang Carmen niya ay ginawa niyang Carlie, Ang Men rin pero inispelling niya na M.I.E.N. “ sabi niya. Kaso malungkot ang tono ng boses niya.

“Malungkot ka?” tanong ko. Tumango siya.

“Wala na kasi si Nanay eh.” Natahimik ako.


“Ako rin eh” sabi ko na may lungkot rin sa tono ko.


“Nasaan ang Nanay mo?” tanong niya. Di ako sumagot at nakatingin lang ako sa dagat.



“Ako kasi. Nagising nalang ako. Patay na ang Nanay ko” Napatingin ako sa kanya.


“dalawang taon na pero di ko parin masabi sa sarili ko na nakamoveon na ako. Pagnahihirapan ako at nalulungkot. Hinahanap ko si Nanay. Di na siya babalik eh pero andiyan lang naman siya nagbabantay sa akin. Di madaling walang Nanay. Ang hirap” sabi niya. Tumingin siya sa akin at tumango.



“Bat sinabi mong ikaw rin. Wala na rin ang Nanay mo?” tanong niya. Uminom ako ng juice at tumingin ulit sa dagat.


“Buhay pa naman. Kaso di ko lang alam kung buhay pa ba hanggang ngayon. “ Sabi ko. Wag naman sana. Ayaw ko naman makita na wala na ang mama ko. Gusto ko pa siyang makita di ko lang masabi.


“Iniwan niya ako pero di naman niya yun ginusto kaso lang. Nangako siyang babalikan niya ako. Batang bata ako noon hanggang ngayon. Naghihintay parin ako sa kanya. Kasi nangako siya. Kaso wala parin eh.” Sabi ko.



“Kaya ba at medyo lumalayo ka sa mga babae?” tanong niya.



“Ayaw ko lang kasi na may kumakapit sa akin.” Sabi ko.




“Ano?” nagsmirk ako.


“Yung mga klase ng babaeng. Bibigyan mo ng pansin tapos di ka na lulubayan” sabi ko.



Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon