Chapter 13 👶

313 13 0
                                    

Carl's POV




Tagaytay







Tapos na kaming lahat kumain. 

"Everyone ang available na rooms nalang pala ay 8 rooms. Madami kasi ang mga bisita. Don't worry each room may 3 beds  pero may isang room na 4 beds." Sabi nung coach nila.

"Coach, ako na mag distribute ng mga susi" presenta ni Captain nila.

"Here Captain. Lahat ng rooms niyo nasa 4th floor. Meet me at the lobby pagkatapos niyo. We need to celebrate Lions."

"Sige Coach." At umalis na ang mga coach nila kasama ang asawa nito.

"Stand up y'all Lions. The girls need to rest." Sabi ni Captain nila at hinawakan na ang kamay nung girlfriend niya. Kaya nagsipagtayuan narin kami.

“Halika kana.” At hinila na naman ako ni Kuya na to.











-----













Ting!

Pagkabukas ng elevator sakto rin na bumukas ang tapat ng elevator na sinakyan namin at andoon ang iba.

Nasa 4th floor na kami.

"Okey, Lions.I'll give you the key in your rooms. Kayo na bahala mamili kung sino ka roommate niyo. Sa akin ang 4 beds sino ang kasama ko roon?”

"Tayo part" tumango lang ang Captain nila. Ang iba naman ay nagsipagpilian na naman sila ng makakasama nila sa room. At hinagis ng nila Captain ang ibang susi sa mga ka teammates niyo at sinalo naman nila ito. Pero sa aming mga girls inabot ni Captain sa amin.

Ang ibang Lions nasipagpasukan na sa mga rooms nila. Ganon narin ang ibang girls.

"Stanford roommate tayu pre" sabi ng Captain nila.

"Sige pre" at tinapik nung kaibigan niya ang balikat niya at pumasok sa room nila.

"Carl, dito ka samin okey" sabi ni Keith.

Kanina ay nagpakilala kaming mga girls sa isat isa. Ang iba sa kanila ay asawa at girlfriend ng mga varsity. Ang iba ay kagaya ko na inembetahan rin. Tumango naman ako at humakbang pero may humawak sa braso ko.

Siya pala. Hanggang ngayon di ko pa alam name nito.  "Andito sa bag ko ang mga damit mo." Sabi niya. Ano raw?

"Si-sige. Uhm. May pantulog ba ako kasi naman jeans lang at jacket ako."

"Here, kunin mo ang pantulog mo. I'll wait here outside." Sabi niya at ibinigay ang bag niya. Pumasok ako sa loob.

"Oh! Carl dito ka sa kanan ha gusto ko kasi sa gitna" sabi ni Keith. Tumango naman ako.

Siya yun kanina yung kung ngumiti pati mata ay ngingiti.

"Oo ba, magbibihis lang ako" tumango naman siya. Pumunta ako sa banyo. Tatlo kami sa isang kuwarto.

Binuksan ko ang bag at kinuha ko ang pajama at maluwag na tshirt. Pagkatapos kong magpalit. Kinuha nalang ang short at blouse para susuotin ko bukas.  Nakita ko rin na may undergarments jusko. Kinuha ko narin ito at inilagay sa drawer.

Lumabas na ako ng banyo at pumunta sa may pinto.

"A-ah, ito na" sabay bigay ng bag sa kanya.

"Matulog kana" tumango lang ako at sinarado ang pinto.

“Carl. Ito oh magagamit mo yan bukas” sabi ni Raven. Asawa siya ng isang varsity player.

“Kailangan ba ganito ang suot?” tanong ko habang naka tingin sa pang beach wear.

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon