Chapter 17 👶

275 9 0
                                    

Carl's POV






Andito ako ngayon sa pinagtrabahuan ko.

"Carl okey na ba ang triplets?" Tanong ni Ma'am Miranda.

"Opo. Salamat po ah."

"Ayos lang. Di kaya natin makakaya na nagkakasakit ang mga anak natin"

"Oo nga po. Parang mabibiyak ang puso ko."

"O siya. Magtrabaho kana at mayamaya marami nang kakain dito"

"Sige po Ma'am" nagtatrabaho na ako. Pagkatapos ng trabaho ko ay umuwi na ako.

Kasama ko ngayon ang triplets at 4 years old na sila. Medyo nakakapagsalita na sila pero medyo bulol pa. Napatingin ako sa calendar. Malapit na pala ang birthday ng triplets. Magfa-five years old na sila.

"Mga anak, pasensya na at wala pa akong oras na hanapin ang ama niyo. Tayo lang muna ang magsasama ha" sabi ko. Ngumiti naman ang triplets kaya napangiti na rin ako.

Ang tanong mahahanap ko pa ba siya?


















-----------

















Makalipas ang panahon.






Nakagraduate na rin sina Carl at Dwayne. Si Carl habang naghahanap pa siya ng trabaho sa mga company ay doon muna siya sa pinagtrabahuan niya dati doon sa Kotse-na.

May isang delivery guy na nangliligaw kay Carl. Lagi siyang kumakain sa Kotse-na para lang makita si Carl.

"Carl" tawag ng kasamahan niya na si Alice. "Andiyaan na naman ang manliligaw mo" sabi nito. Tumingin si Carl sa gawi nito at ngumiti sa kanya.

"Ikaw na kumuha ng order non" sabi ni Carl na nagpupunas ng mga baso.

"Ikaw kaya, manliligaw mo yun ano" sabi nito.

"Kita mong may ginagawa ako diba?"

"Ako na niyan at puntahan mo na yun." Sabi nito at inagaw ang pampunas at tinulak siya. Lumapit si Carl rito.

"Ang kakainin mo?"

"Ah, dinuguan at dalawang kanin" tumango si Carl at tumalikod na. Kumuha siya ng pagkain at bumalik doon at inilapag ang pagkain sa mesa.

"Saluhan mo na ako"

"Jun nagtatrabaho ako." Sabi ni Carl.

"Hihintayin kita mamaya ah. Ihahatid kita" sabi nito.

"Jun wag na." Sabi ni Carl at tinalikoran na ang lalaki.

"Nireject mo na naman ba?" Tanong ni Alice.

"Ang kulit kasi. Sabi ng ayaw ko na may nanliligaw sa akin eh" inis na sabi ni Carl.

"Wala ka naman magagawa. Tinamaan yan sa iyo eh" sabi nito. Bumuntong hininga lang si Carl.



















--------



















Uwian na at pagkalabas ni Carl ay andoon si Jun naghihintay sa kanya. Diretso diretso lang si Carl sa paglalakad.

"Carl" tawag ni Jun. Di ito pinansin ni Carl.

"Carl akin na bag mo" sabi nito at kukunin na sana ang bag ni Carl ng tinignan siya ni Carl na nakataas ang kilay.

"Ako na magdadala nito para sa iyo. Ayun oh, ang truck. Tara ihahatid na kita" sabi nito at hinila si Carl. Inalis ni Carl ang kamay ni Jun.

"Jun uuwi ako ng ako lang. Pwede ba. Sabi ng wag mo akong ligawan eh" inis na sabi ni Carl.

"Eh bakit ba binata ako at dalaga ka"

"Dalaga nga ako pero may anak ako Jun."

"Bakit, tanggap naman kita ah. At tatanggapin ko ang mga anak mo" umiling si Carl at tumalikod. Naglakad na ito palayo pero hinabol siya ni Jun.

"Carl totoo ako sa iyo. Gusto talaga kita. Pag bigyan mo lang ako" sabi nito. Huminto si Carl.

"Jun tigilan mo na ako. Ayaw ko nga. Nakakaintindi ka ba non?" Sabi ni Carl at naglakad na talaga palayo.





















---------
















Kinabukasan, ganon parin ang ginagawa ni Jun. Hindi talaga siya tumitigil sa susuyo kay Carl. Si Carl naman ay todo tanggi parin. Hanggang sa naisipan ni Jun na sundan si Carl. Ngayong alam na niya kung saan nakatira si Carl. Kinabukasan, bumisita siya sa bahay nito.

Kumatok siya at binuksan naman ito ni Rose.

"Sino po sila?"

"Ah, ako si Jun. Andiyaan ba si Carl?" Tanong nito.

"Wala umalis si Ate. Nagbayad ng kuryente. Bakit?"

"Gusto ko sana bantayan ang anak niya"

Nagulat si Rose. "Gusto mong bantayan ang triplets?"

"Ah... Oo." Napaisip naman si Rose.

"Pasok ka po" pumasok na siya at nakita niya ang triplets na naglalaro.

"Mga anak ni Carl?" Tanong niya. Tumango si Rose.

"Oo. Ikaw muna magbantay kuya. Titignan ko lang ang niluluto ko."

"Sige" pumunta na sa kusina si Rose. Siya naman ay dahan dahan siya lumapit sa triplets.

"Hi triplets" nakangiting bati niya sa mga ito pero biglang umiyak ang mga ito. Nagpanic naman siya.

"Shhhhh." Todo patahimik siya pero umiiyak talaga ang triplets.

Maya maya lang ay dumating si Carl. Nakarinig siya ng iyak ng triplets kaya nagmadali siyang pumasok sa loob.

"Rose!.... Bat andito ka?" Takang tanong niya kay Jun.

"Ate?"

"Bat mo iniwan ang triplets at di mo ba naririnig ang iyak nila?"

"Pasensya na ate." Kinarga ni Carl si Dayne at Wayne. Tumingin siya kay Jun.

"Ikaw, umalis kana" sabi ni Carl at pumunta na sa loob ng kuwarto. Kinarga naman ni Rose si Duane at sumunod na sa kuwarto. Napabuntong hininga naman si Jun at yumuko. Lumabas siya ng bahay.

Hiniga ni Carl ang triplets at pinatahan. Nang tumahan na ang triplets ay lumabas siya ng kuwarto. Nakasunod si Rose sakanya.

"Ate, manliligaw mo ba yun?" Takang tanong ni Rose.

"Bakit mo naman na sabi yan?"

"Eh kasi pupunta ba rito at gustong magbantay sa triplets. Eh nung pumupunta ako sa trabaho mo andoon yun lagi eh. Tingin ng tingin nga sa iyo" sabi ni Rose.

"Wag mo nang pansinin ang lalaking iyon. Ikaw, sa susunod wag kang magpapasok ng basta basta"

"Pasensya na ate."

"wala kang assignment?" Pag iiba ni Carl sa usapan.

"Oo pala sige ate gawa muna ako. Oo pala umalis si Lola ewan may pupuntahan raw"

"Sige na mag assignment kana" Napabuntong hininga naman si Carl.

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon