Chapter 29 👶

273 7 0
                                    

Dwayne's POV







Busying busy ngayon ang company dahil ilang kotse ang dapat gagawin namin and then, eexport sa ibang bansa. Tumutulong na rin ako rito sa site. Lahat ng tao rito puro busy.

"Sir, excuse me. May tumatawag po. Kanina pa yan" sabi ng secretary ko. Hinubad ko muna ang hand gloves ko at kinuha ang phone. I answered it.

"Yes?"

[Hello po, ito po ba si Mr. Dwayne Stanford]

"Yes speaking"

[Sir, Hi po. Ako po yung Head ng Day Care Center.]

"Yes Ma'am, what can I do to you?"

[Eh Sir, kanina pa namin tinatawagan ang number ng Mama ng triplets pero walang sumasagot]

"Teka? Bakit? Napaano ba ang triplets?"

[Sir ala sais na po ng gabi at wala pa pong kumukuha sa triplets. Kanina pa po sila iyak ng iyak]

"WHAT? Walang pumunta diyan para kunin ang triplets?"

[Wala po Sir kanina pa po rin kami naghihintay. Di pa po nga kami nagclose kasi andito pa ang triplets. Di naman namin sila mahatid sa kanila dahil baka may pumunta rito at hanapin sila. Wala pong kaming ibang macontact kaya kayo nalang po kinontak namin. Pasensya na po.]

"Okey Ma'am, pupunta na ako" sabi ko. Napatingin naman ako kay Mien sa di kalayuan na busying busy rin sa ginagawa niya.

Di ko na muna sasabihin sa kanya ito. Nagbihis ako ng mabilis at agad agad lumabas sa building. Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot ito. 

Agad agad akong nakarating sa Day Care Center. Bumaba ako at pumasok sa loob. Nadatnan kong umiiyak ang triplets at pinapatahan ito ng mga teachers.

"Duane, Dayne, Wayne" tawag ko.

"Sir mabuti at nakarating po kayo" sabi ng Head ng Day Care Center.

"Ako na ang kukuha sa kanila. Also, put my number as their guardian" sabi ko. Tumango naman sila. Lumapit ako sa triplets.

"Oh! Shhhh, tahan na. Andito na ako. Pupunta tayo kay Mama niyo" sabi ko at pinupunasan ang mga mata nila. Nagpaalam na ako sa mga teachers. Sinakay ko na rin ang triplets sa kotse.

"Gusto niyo bili tayo sa Jollibee?" Tanong ko. Ngumiti sila.

"Jollibee" masayang sabi ni Dayne

"Yummy jollibee" masayang sabi rin ni Duane. Napatingin ako kay Wayne.

"Wayne anong gusto mo?"

"Si Mama" malungkot niyang sabi. Napangiti ako. Parang ito ang Mama's boy ah.

"Okey, punta muna tayo ng Jollibee then, bili tayo ng maraming pagkain okey. Tapos, punta tayo kay Mama niyo." nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya at tumango.

Nag stop kami sa Jollibee at bumili ako ng maraming pagkain. Pagtapos kong mamili ay nagmaneho na ako patungo sa company. Tinawagan ko ang secretary ko na bumaba at kunin ang mga dala ko.  Sinabihan ko rin siya na ipatipon ang mga empleyado sa conference room.

"Tara na at puntahan natin si Mama niyo" nakangiting sabi ko. Tumalon talo naman ang triplets. Hawak kamay ko ang triplets habang sakay sa elevator. Nakarating na kami at naglakad patungo sa conference room. Pagpasok namin ayun at tumakbo ang triplets patungo sa mama nila.

"MAMA!" sigaw nila. Nagulat naman si Mien sa nakita niya.

"Mga anak, bat kayo andito?" Takang tanong ni Mien. Lumapit ako sa kanya.

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon