Chapter 38 👶

324 7 0
                                    

Dwayne's POV





Andito ako sa kuwarto. Nakaupo ako sa sahig. Binabasa ko ang sulat ng Mom ko para sa akin.




Dwayne Anak,

      Diba nangako ako na babalikan kita? Babalik si Mama. Hintayin mo lang ako. Oo pala, nagtatrabaho si Mama para makuha na kita. Sa pagiging masipag ni Mama may naipundar ako. Isang kainan dahil diba mahilig si Mama magluto? Pinangalan ko ay Kotse-na, bakit? Kasi para sa iyo yung kainan, anak. Pag andoon ako, naiisip ko na kasama kita. Oo pala, ang hilig mo kasi sa kotse eh. Pasensya na anak ha kung lumaki ka na wala ako. Pero tiis lang at kukunin kita. Happy Graduation sa iyo anak. Galingan mo sa College.

Mama







Sunod na binuksan ko ay ang isang sulat ni Mom.








Anak,

      Alam mo ba na palagi kita napapanaginipan. Sa panaginip ko, magkasama tayo. Sana lang anak at magkasama na talaga tayo. Miss ko na ang baby boy ko. Wag kang lalaki na katulad sa Dad mo ha. Miss na miss na kita anak.

Mama








Anak,

       Kamusta ang college? Aba at college boy na ang baby ko. Nasan ka ba anak? Hindi kita makita. Miss na miss kana ni Mommy.











Napatayo ako at pinunasan agad ang luha ko. Nakatingin pala si Mien sa akin.

"Aalis ako. Lock mo yung pinto" sabi ko at lumabas na. Kita ko sa mata niya na nag alala siya.

















---
















At the Kotse-na










Pumasok ako sa loob. Nakita kong inaayos ni Auntie ang mga silya.

"Auntie" tawag ko. Tumingin siya sa akin.

"Dwayne"

"Pwede magtanong?" Tumango siya. Umupo kami.

"Tungkol sa mama mo?" Tumango ako.

"Ka-kailan po siya na-namatay?"

"Last year " nanlaki ang mata ko.

"Forth year ka non. Hindi na siya nagtatrabaho at nakahiga nalang lagi. Akala ko may sakit lang siya kaya sinasabihan ko na magpahinga ka lang. Habang inaasikaso ko siya. Pangalan mo lagi ang binabanggit niya. Kinaumagahan, nakita ko nalang siyang wala ng buhay. Pagkarating namin sa hospital. Diagnose ng Doctor, overfatigue. Sabi rin ng Doctor, matagal na pala nagpapacheck up ang mama mo at may niresita ang Doctor pero di naman niya iniinom." Tumulo ang luha ko.

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon