Chapter 9 👶

312 12 0
                                    

Carl's POV




Linggo ngayon at ito kakauwi lang namin ng triplets. Ngayon pa kasi sila na discharge. Hiniga ko sila sa kama. Mabuti at tulog pa sila.

"Carl" tawag ni Manang sa akin.

"Ate, ako na muna ang titingin sa kanila. Puntahan mo muna si Lola." Sabi ni Rose.

"Sige. Mamaya lumabas ka na ha. Tanghalian na rin." Sabi ko.

"Sige ate" tumango lang ako at lumabas ng kuwarto. Nakita ko si manang na may dalang plastic at naglalapag ng pinggan sa mesa. Lumapit ako.

"Manang."

"Bumili na ako ng makakain natin, ulam at kanin. Magugutom tayu pag nagluto pa tayu." Sabi ni Manang.

"Oo nga po eh." Sabi ko at kumuha ng pinggan, kutsara at baso.

"Asan ba si Rose?" Sabi ni Manang.

"Tawagin ko lang ho. Nasa kuwarto siya kasama ang triplets." Sabi ko tumango naman si Manang.

"Rose. Kain muna tayu. Di naman siguro yan iiyak. Halika na."

"Okey ate" at pumunta na kami sa kusina.

"Halina kayu at anong oras na." Nagsipag upuan na kami at kumain. Natapos kami sa pagkain namin. Nang biglang umiyak ang tatlo.

"Sige na anak puntahan muna ang mga anak mo. Nagugutom na ang mga iyan. Rose tulungan mo ate mo. Ako na manghuhugas at magliligpit ng mga ito". Sabi ni Manang.

"Ako na ang kukuha ng pagkain nila ate" tumango naman ako kay Rose. Madali akong pumasok sa kuwarto at ayun abg triplets ay iyak ng iyak.

"Shhhhh! Gutom na kayo. Shhhh! Kinukuha na ni ate Rose ang pagkain niyo. Shhhh" kinarga ko si Dayne habang tinapik tapik ko sina Duane at Wayne. Maya maya lang ay dala dala na ni Rose ang pagkain. Unang pinakain ko ay si Dayne. Si Rose kay Wayne. Mabuti at andito rin si Manang kaya siya ang nagpakain kay Duane. Pagkatapos kumain ng triplets ay umalis muna si Manang.

"Rose okey lang ba sa iyo na pakibantayan muna ang triplets dahil may gagawin ako." Sabi ko.

"Oo sige lang ate."

"Sige salamat" mabuti at andito pa si Rose dahil may makapagbantay muna sa triplets.

Kinuha ko ang bag ko at pumunta sa sala. Kinuha ko ang mga notes ko at ang mga notebook ng mga masisipag kung kaklase. Oo pala di ko nasabi na student assistant rin ako at nasa cafeteria ako na assign. Pina adjust ko naman ang time of schedule ko. May vacant ako matapos ang lunch break at maaga naman ako uuwi sa hapon para sa trabaho ko. Mabuti nga rin at naiintindihan ni Ma'am Miranda ang sitwasyon ko. Ito inuumpisahan ko nang magsulat para sa mga notes nila okey lang may bayad naman eh.












------
















Gabi na at nakatulog narin sa wakas ang triplets. Nakaupo ako sa sahig habang inilalagay ang mga damit ng triplets pabalik sa cabinet ng makita ko ulit ang box kung saan andoon ang alkansiya ni Inay, yung sulat niya.

"Nakakamiss ka Nay, sobra" sambit ko ng mapatingin ako sa maliit na shoulder bag. Kinuha ko ito. Ito yung shoulder bag na dala ko ng lumuwas ako ng manila para tumulong sa pagkikiter.



Flashback.....



Gabi iyon at may naganap na party. Sinama ako ng mga kasamahan ko sa party na iyon. Hindi ko alam iyun pala ang tinatawag nila na bar. Maraming tao, may nagsasayawan at may nag iinuman. Ayun ang mga kasamahan ko nag eenjoy samantalang ako ito naninibago. Nagpaalam ako sa kanila na mag ccr ako. Ako lang mag isang hinanap ang c.r. Medyo nahihilo na rin ako dahil pinainom nila ako ng alak. Dalawang baso ko palang pero ang utak ko parang umiikot at ang paningin ko. Di ko naman alam kung saan ang C.R. Nang may nakabunggo akong lalaki.

"Sorry Sir. Pwede bang magtanong. Saan ang C.r?" Tanong ko. Tinuro naman niya ang direksyon at nagpasalamat ako at agad na pumunta sa c.r. Nagsuka pa ako. Lasing na nga ako. Lumabas ako sa C.R at bumalik sa upuan namin kanina kaso asan na ang mga kasama ko. Pagtingin ko sa gitna wala rin ang ibang kasama kung nagsasayaw. Asan na iyon?

Kahit na nahihilo ako at umiikot ang paningin ko. Pinilit ko paring makalakad at nakalabas na nga ako. Patingin tingin ako at wala sila. Asan na ba sila? Palakad lakad ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan sana sila ng may nag snatch sa cellphone ko at natumba pa ako. Wala na dumidilim na talaga ang paningin ko.

Nagising nalang ako na nasa malaking kuwarto ako. Maganda ang kuwarto na ito pero bakit panlalaki? Teka... Dali akong tumingin sa sarili ko at nanlamig ako ng makitang hubot hubad na ako. Napatingin ako sa kama at wala akong kasama. Dali dali akong bumangon at nagbihis. Tumutulo ang luha ko. Pinagbubuksan ko isa isa ang mga pinto hanggang sa ang pinto na ng labasan ang nabuksan ko. Paglabas ko ng kuwarto. Oo namangha ako kasi ang laki laki ng bahay pero nagmamadali parin akong bumaba sa hagdanan ng may tumawag sa akin.

"Good afternoon Miss. Kayo ba ang bisita ni Sir **** "

"Sino ang nagdala sa akin dito?" Nanginginig na tanong ko.

"Si *****"

"Saan yung Sir niyo?"

"Dinala sa hospital dahil kaninang umaga nagsisigaw siya pababa ng hagdanan at biglang nagcollapse." Sabi niya.

"Ginalaw niya ako ng di ko alam. Sir ano ang gagawin ko. Di ako taga rito" sabi ko na mangiyak iyak.

"Naku Miss wala akong maitutulong sa inyo pasensya na.."

Mangiyak ngiyak ako na palabas ng bahay ng tinawag ako ng lalaki kanina.

"Kung may kailangan ka. Ito ang address dito sa mansyon. Pumunta ka rito at buong tapang mong harapin si Sir sa ngayon wala pa siya nasa hospital pa siya. Baka gusto niyong puntahan siya." Umiling ako.

"Ngayon kasi ang uwi ko pa probinsya Sir."

"Ganun ba. Sige Miss basta kung anong mangyari andiyan ang address. Punta ka rito kung mangingilangan ka" sabi niya.

"Salamat Sir"


End of flashback.





Ayun umuwi ako sa probinsya na may malaking lihim sa aking ina. Hanggang sa nalaman na ni Mama ang nangyari sa akin. Buong puso naman niya akong tinanggap.

Nakaipit sa maliit na libro na ito ang address kung taga saan ang ama ng mga anak ko. Kaso kahit ngayon na nasa Manila na kami ng mga anak ko ay nag dadalawang isip ako na pumunta at magpakilala. Di ko alam ang hitsura niya. Nakalimutan ko rin ang pangalan at apelyedo niya. Pero sana naman pag dumating ang pagkakataon na magkita at magkakilanlan na kami pati ang mga anak namin. Sana naman panindigan niya ang mga anak namin. Kahit di na ako kasama basta may ama lang na kalalakihan at kilalanin ang mga anak ko.

Tumingin ako sa maliit na notebook at kinuha ang maliit na papel na nakaipit at tinignan ito.

S-Side Village. L street.

Yan ang address. May araw rin na pupuntahan kita. Wag naman sana ako maging duwag. Gusto ko lang na makilala ka ng mga anak natin. Yun lang. Sana magkita at magkakilanlan na kayo ng triplets natin.

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon