Chapter 33 👶

277 7 0
                                    

Dwayne's POV

At the Lions Bar

"Isa pa" sabi ko sa bartender. Umiinom ako ng umiinom.

"Marco, diba si Stanford yun?" Rinig ko ang boses ni Hilton.

"Aba hoy! Naglalasing ka ba?" Tanong ni Marco sa akin ng makalapit siya.

"Pabayaan niyo ako" walang ganang sabi ko.

"Aba Pre, anong drama naman ito?" Tanong ni Hilton.

"Ikaw tumihimik ka nalang diyan dahil hindi mo masisikmura ang problema ko" sabi ko kay Hilton. Uminom ako ulit.

"Tungkol ba non?" Tanong ni Marco. Gets ko na siya.

"Teka, anong meron? May alam ka Marco?" Tanong ni Hilton.

"Isa na yan at yung ama ko"

"Bat ka nagkaproblema sa Dad mo pre? Lumayo kana sa kanya diba?" Tanong ni Hilton.

"Bat ko ba siya naging ama?" Tanong ko at nag smirk. Uminom ako ulit.

"Tama na yan. Kulang nalang pati baso lunukin mo na eh" sabi ni Hilton at kinuha ang basong hawak ko.

"ANO BA PRE! WAG NIYO NGA AKO PAKIALAMAN" sigaw ko. Binatukan ako ni Marco.

"Kung may mga problema kayo. Hala! punta rito at uminom kayo pero wag ka kayong magpakalunod sa alak. Bakit? Masosolusyonan ba yang mga problema niyo sa alak?" Sigaw ni Marco. Tumayo ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Marco.

"Diba sabi mo wag magpakalunod sa alak dahil wala sa alak ang solusyon. Kaya aalis ako at sosolusyonan ko ito" sabi ko at naglakad na.

"Ikaw kasi bat mo sinabi iyo?"

"Advice ko lang naman yun"

"Oo nga pero...ikaw talaga gago ka. Lasing na yun oy!" Rinig kong usapan ng dalawa habang naglalakad ako palayo.

Nakalabas na ako ng Lions Bar. Magmamaneho na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at inusog ako ni Hilton.

"Ano ba!?"

"Usog roon. Ako mag dadrive. Nakainom ka na" sabi niya. Sumakay si Hilton sa driver seat at ako sa passenger seat. Nagmaneho na siya.

"Iuuwi na kita sa condo mo" sabi niya.

"Hindi"

"Anong hindi? Lasing kana"

"Sa Mansion tayu" sabi ko.

"Ano? Akala ko ba ayaw mo na pumunta sa lugar na iyon?"

"May haharapin lang ako"

"Pre, bukas nalang---"

"HINDI! NGAYON NA! BAT PA BUKAS EH NGAYON NALANG. DAPAT NGAYON MASAGOT NA NIYA"

"ANO BA YANG PINAGSASABI MO!?"

"Magmaneho ka nalang diyan at malalaman mo mamaya" sabi ko at iniyukom ang kamao ko.


----

Stanford's Mansion

Bumaba na ako ng kotse at naglakad papasok. Nakasunod sa akin si Hilton.

"Sir Dwayne" di ko na pinansin si Butler at diretso na naglakad patungo sa office. Marahas kong binuksan ang pinto at nakita ko pang may kahalikan siyang babae.

"Ikaw babae, LABAS!" Bulyaw ko. Dali dali namang tumakbo palabas ang babae.

"What are you doing here? Umalis kana sa bahay na ito then now, you just showed up?"

"Bat ba napakawalang puso mo?"

"Ano bang gustong pag usapan natin. Ang ina mo naman--"

"HINDI! KUNDI ANG INA NG MGA ANAK KO!" Sigaw ko. Nanlaki ang mata niya.

"Paano---"

"Aksidente ko siyang nabuntis. Aksidente ko siyang natagpuan."

"Aba talaga yung babaeng iyon--"

"ANO DAD!? ANO BA ANG BABAENG IYON HA!? YUNG BABAENG NA INA NG ANAK KO NA NAKIUSAP NA TULUNGAN MO DAHIL LABAS PASOK ANG ANAK KO SA HOSPITAL. DAD! APO MO IYON!"

"WALA AKONG APO!"

"THEN, WALA KA NA RING ANAK!" Sigaw ko. Lumabas na ako ng office niya. Nakasunod lang si Hilton sa akin. Sumakay na ulit kami sa kotse. Siya parin ang nagmaneho.

"Nakabuntis ka pre?" Tanong ni Hilton sa akin.

"Nakabuntis ako ng hindi ko alam." Sagot ko.

"Sino yung nabuntis mo?"

"Yung babaeng bigla ko nalang nakita at nakilala. Siya pala yun. Lumipas ang taon at ito nagkita naman kami ulit. Naging empleyado ko pa"

"What?" Gulat na tanong ni Hilton.

"Nakabuntis ako. Akalain mo yun pre. Akala ko binata lang ako eh. Na ang problema ko lang pasan ay ang walang pusong ama ko at ang ina kong hinihintay ko. Akala ko bilang CEO lang ang responsibildad ko. Heheh, may higit pa roon ang responsibilidad na dapat matagal ko ng ginampanan."

"Pre, don't feel guilty. Di mo naman inabandon ang mg ina mo eh. Sadyang, naging masama lang ang panahon. Pati na ang ama mo."

Yumuko ako. "Hindi na sana siya naghirap. Hindi na sana siya nagpakabanat ng buto para lang mabigyan ang triplets sa pang araw araw na kailangan nila"

"Triplets?"

"Oo pre, triplets ang anak ko, akalain mo. Isipin mo pa, nag iisa lang siyang nagpapalaki ng triplets. May part na naaawa ako sa kanya. Pero may part rin sa akin na grabeng humahanga sa kanya. Kinaya niya yun ng higit sa limang taon." Malungkot kong sabi.

"Ngayon, alam na namin pareho kung anao kami sa isat isa." Ngumiti ako ng fake.

"Di ko na alam kung tatanggapin niya ako sa buhay nila ng mga anak ko"

"Pre, may karapatan ka. Kaya wag ka ngang ganyan ganyan." Sabi niya sabay batok sa akin.

"Kahit ano ang mangyari. Ikaw at ikaw parin ama ng triplets. May karapatan ka kaya di ka dapat sumuko. Ipaglaban mo. Panindigan mo." Advice niya sa akin. Ngumiti ako at sinuntok siya sa braso.

"Ano ba Stanford. Pagtayo nabangga. Mapapatay kita" sabi niya. Ngumisi ako.

"Advice advice ka pa sa akin. Ikaw oy! Tandaan mo to, walang pili. Kahit sinong babae, wala kang karapatan na saktan sila." Sabi ko. Sumeryoso naman ang mukha niya.

"May babae na akong hindi ko papaiyakin" sabi niya.

"Aba, seryoso ka ba? Ikaw ba talaga yan Hilton?"

"Ano ka ba pre? Seryoso ako" seryosong sabi niya.

"Mabuti naman kung ganun. Di nakakalalaki ang pagpapaiyak sa isng babae. Tandaan mo yan." Sabi ko.

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon