Chapter 11 👶

309 12 0
                                    

Dwayne's POV








Pagkatapos nang game at ng awarding ay lumabas na kami ng gym. Hinahanap ko yung babae kanina. Asan na iyon? Nang makita ko siyang kakalabas lang ng gym ay lumapit ako sa kanya.

"Hey" napatingin siya sa akin.

"Wait of me. Magbibihis muna ako. Babayaran pa kita diba?" Sabi ko.

"Ah. Bukas nalang. Hahanapin nalang kita" sabi niya. Umiling ako.

"No, ngayon ako magbabayad. Just wait of me" sabi ko at tumalikod na at naglakad na patungo sa HQ. Papasok na sana ako ng may kumalabit sa akin. Paglingon ko siya pala.

"Bukas nalang di na kita mahihintay kasi may naghihintay rin sa akin sa bahay si Manang. Bukas nalang ha tiwala naman na babayaran mo ako eh. Maaga ako bukas alas sais sa harap ng gate. Sige" sabi niya at umalis na. Pumasok na ako sa HQ at...

"Hoy Stanford kumakain ka parin niyan?" Sabi naman ni Lawrence sa akin.

"Bakit ba? Eh masarap eh kung naiinggit ka kumain karin" sagot ko at pumunta sa harap ng locker ko.

"Speaking of.....Pahingi!" sabay agaw ni Lawrence nang pagkain ko.

"Gago kumuha ka ng iyo" sabay bato ko ng tuwalya sa mukha ni Lawrence.

"Oy Stanford, maganda yung babae na nagtitinda nung kinain natin kanina ha. Saan mo yun nakita?" Tanong ni Hilton. Abat nagtanong siguro pagtritripan rin niya yun.

"Nakita ko kasi siyang binabastos kaya inilayo ko" sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Wow! Knight in shining armor ang peg Stanford" pang aasar ni Samson.

"Di ako kagaya niyong dalawa na siyang nambabastos ng babae. Tch"

"Oy grabe Stanford. Hindi ah. Di nga namin hinahawakan eh." dispensa ni Samson.

"Sila ang nambabastos sa amin" dispensa rin ni Hilton. Mga ugok talaga.

"Ahhh!!! Hindi pala nambabastos, nagpapasakit lang ng mga babae" sabi ni Anderson. Napangisi naman kaming lahat kasi totoo naman.

"Tumahimik ka Anderson, wag masyadong pa goodboy." Sabay sabi nilang dalawa.

Pinandilatan lang sila ni Anderson parang mga bata.

"Tigil na para kayong mga bata" saway ni Chen. Napakamot naman sa ulo ang dalawa.

"Lions, congratulations again" sabi ni Coach na kakapasok sa HQ.

"Salamat coach" sabay naming sabi.

"Well, as my reward for your job well done. I will treat you all. We will bond together with my wife at my resort in Tagaytay. We will stay there for 2 days and 1 night." Nakangiting sabi ni Coach.

"YUN OH! " Sabay sabi ng Lions. Salamat naman at makakapag enjoy kahit 2 days lang.

"The best ka talaga Coach" sabi ni Hilton. Napailing habang nakangiti si Coach.

"Coach, Can I bring my Wife?" Tanong ni Hawkins.

"Oo naman, oo pala pwedeng pwede kayo magdala ng girls niyo hahaha basta isang babae lang sa isang lalaki ha." Sabi ni Coach at tumingin siya kina Hilton at Samson.

"Nagkaintindihan ba tayo Hilton, Samson?" dugtong ni coach.

"Coach naman. Goodboy kaya to" proud na sabi ni Hilton na tumayo pa talaga. Napailing naman kami.

Binatukan naman siya ni Anderson. "GOODBOY MO MUKHA MO!" Hinimas himas naman ni Hilton ang ulo niya.

"Don't worry coach isang babae lang ang dadalhin ko." nakangiting sabi ni Samson.

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon