Chapter 3 👶

425 19 0
                                    

Ito na ang araw ng libing ng nanay ni Carl.
Tahimik lang si Carl habang tumutulo ang luha niya.

"Condolence Carl" sabi ni Mr. Ho. Tumango lang si Carl habang nakatingin sa kabaong ng nanay niya na binababa ito sa lupa.

"Be strong for the triplets" bulong ni Mrs. Ho sa kanya. Mas tumulo ang luha niya.

Ang triplets ay karga ni Aling Suzy, ni Mrs. Luz at kay Manong Ernes driver ng pamilyang Ho.









---------







Pagkatapos ng libing ay nasa bahay ng Ho si Carl.

"Hija, Carl" tawag ni Mrs. Luz sa kanya. Andito sila sa sala ng bahay ng mga Ho. Tumingin lang si Carl sa among babae ng Nanay niya.

"May kaibigan akong Professor sa Manila. Sabi niya may open free-exam ang mga students para kumuha ng scholar. Ikaw ang nirekomenda ko. Alam ko na wrong timing pero na send ko na sa kanya ang profile mo and he is amaze sa performance mo at class standing. Sabi niya just take the exam at sure na magiging scholar ka sa prestigious University na pinagtrabahuan niya."

"Salamat po sa opportunity pero parang di ko po kayang tanggapin iyon." Sabi ni Carl ng diretso.

"Alam ko dahil mag isa ka nalang at andiyan pa ang triplets. Pero Carl, hija. Manila iyon, big opportunity iyo para sa iyo, para rin sa triplets." Hinawakan ni Mrs. Luz ang kamay ni Carl.

"Alam kong wrong timing ito at nagluluksa ka pa pero sana pag isipan mo. Sabihan mo lang ako pag okey ka at ako ang bahala sa pamasahe niyong mag iina sa Manila."

"Hija, gustuhin man namin na andiyan para sa iyo pero nagkasakit rin ang mother ko and we have to flight back in the America." sabi ni Mr. Ho na malungkot ang tono ng boses.

"That is why sa hindi pa kami umaalis. May magandang balita si Mrs. Luz sa iyo. Sana makapag desisyon ka agad sa hindi pa kami nakakaalis. May connection kami sa dating pinagkakatiwalang katulong namin andoon siya nakatira ngayon sa Manila pwede ka niyang matulungan sa matitirhan mo." Sabi ni Mrs. Ho. Tinignan naman ni Carl sina Mr. & Mrs. Ho at Mrs. Luz.

"Pag iisipan ko po"

"Good" nakangiting sabi ni Mrs. Ho. " Here tanggapin mo. Kapalit iyan sa mabuting pagpatratrabaho ng nanay mo sa amin." Inilahad ni Mrs. Ho ang subre. Kinuha ni Mrs. Ho ang kamay ni Carl at inilagay ito sa lahad ni Carl.

"Tanggapin muna. Naging mabuti ang nanay mo sa amin. At isa pa, tulong na rin yan galing sa namin." Tumango naman si Carl.

"Gusto namin na mabuti at maayos ka bago kami umalis papunta sa America. Isa sa pinagkakatiwalaang kasambahay namin ang nanay mo at kapalit noon ay ang eh sure na maayos ka rin." Sabi ni Mr. Ho.

"Salamat po sa inyo" niyakap naman siya ng mag asawang Ho.

"Hija, Carl, pag isipan mo ha. Para sa inyo naman ito eh. At sure ako ito rin ang gusto ng nanay mo." Niyakap naman siya ni Mrs. Luz.













-----------










Nakauwi na siya at ang triplets sa bahay nila dahil hinatid sila ni Manong Ernes at sinamahan rin sila ni Aling Suzy.

"Oh Carl, Hija. Pag may kailangan ka. Tawagan mo lang ako ha" sabi ni Aling Suzy ng maihiga niya ang isang triplets—Si Duane

"Salamat po talaga aling suzy."

"Wala iyon anak" at nagyakapan sila tsaka ito umalis.

Nilapitan naman ni Carl ang mga anak niya at tinignan ito isa isa. Tinignan niya ang kabuohan ng bahay. Kahit maliit lang ito. Ay marami siyang alaala at dito rin siya lumaki kasama ang nanay niya.

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon