Chapter 12 👶

305 10 0
                                    

Dwayne's POV








Bitbit ko ang travelling bag ko at pababa na ako sa condo ko. Pagkababa ko ay sumakay na ako sa kotse. Inilagay ko sa backseat ang travelling bag. Nagmamaneho na ako ngayon. Pagkarating ko natanaw ko siya na kakarating lang niya sa may gate. Inihinto ko ang kotse sa gilid at bumaba. Naglakad ako patungo sa kanya. Pagkalapit ko sa kanya ay kinalabit ko siya. Lumingon siya sa akin.

“Morning” bati ko.

“Morning rin” medyo na iilang nabati niya. Napansin ko na may bitbit siyang basket.

“Ibebenta mo rin yan?” Tanong ko. Tumango naman siya.

“Oo pandagdag lang sa gastusin” sabi niya.

Kinuha ko ang basket. Akala niya na bibili ako pero bigla kong hinigit ang wrist niya at hinila siya.

“TE-TEKA, KUYA. KUYA!” sigaw niya. Kuya talaga tawag niya sa akin. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

“I’m not a bad guy. I just want to pay you for my debt but before that, sumama ka muna sa akin sa tagaytay” sabi ko. Nanlaki naman ang mata niya.

“Ako? Tagaytay?”

“Oo, for 2 days and 1 night” sabi niya. Mas lalong lumaki ang mata niya at umiling iling.

“Naku hindi ako pwede. Di ako nakapagpaalam kay Manang at isa pa kailangan kong makauwi at di ako pwede sa tagaytay. Kasi…kasi may inaalagaan ako at sa kapit bahay ko lang hinabilin.” Sabi niya.

“Ganun ba. Sakay.” Sabi ko.

“Ha?”

“Sakay. Ipapaalam kita.” Sabi ko. Mas umiling siya.

“Naku hindi na kailangan kas alam mo—”

“Sige na. Ako ang magpapaalam kung di papayag di kita pipilitin. Pero kung papayag wala kang choice at sasama ka sa akin. Magbabayad pa ako ng utang sa iyo diba?”

“Wala ba akong choice?” tanong niya.

“Meron naman pero baka matatagalan ang pagbayad ko ng utang.” Sabi ko.

“Blackmail ba yan kuya?” tanong niya. Kuya na naman hays.

“Maybe. Ano, sakay na” sabi ko. Sumakay naman siya.











-----









Nagmamaneho ako patungo sa address niya. Pagkarating namin roon ay bumaba na kami.

“Saan ang bahay niyo?” tanong ko.

“Yan ng bahay ko. Katabi ng bahay ko ay---” Di niya natapos ang sasabihin niya ng may tumawag sa kanya.

“Ate, may na iwan ka ba?” Napalingon kami sa nagsalita. Pagtingin ko sa babae lumapit siya sa kasama ko.

“wala. Ikaw bat andito ka pa?” tanong niya sa babae.

“Eh binalikan ko lang ang I.D ko. Wala sina Lola at ang triplets. Sinama ni Lola sa meeting nila sa senior citizen. Kasama ni Lola yung kumare niya kaya may tutulong kay Lola sa triplets” sabi ng babae.

“Excuse me.” Sabi ko. Napatingin ang babae sa akin at ngumiti. Mukhang familiar siya.

“Is it okey na isama ko ang ate mo. For 2 nights and 1 night sa tagaytay.” Sabi ko.

“Diba sabi sa iyo di ako pwede. Matanda na si Manang at mag isa lang siya---”

“Ate andito naman ako eh. Sumama kana kay Kuyang pogi” sabi niya. Ngumiti ako.

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon