Chapter 34 👶

282 7 0
                                    

Carl's POV






"Carl" napatingin ako kay Manang. Andito ako sa sala nakatingin sa triplets na naglalaro sa laruang kotse na puro bili niya.

"Wala ka bang trabaho ngayon?"

"Umalis na po ako roon" sabi ko na matamlay.

"Bakit naman?"

"Ayaw ko na po siyang makita" kalmadong sabi ko.

"Sino yung boss mo? Bakit naman?"

"Kasi---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok siya at napatayo ako.

"ANONG GINAGAWA MO RITO!?"

"Mien"

"UMALIS KA. AYAW KITANG MAKITA" bulyaw ko.

"PAPA!" sigaw ng triplets at tumakbo patungo sa kanya.

"Mga anak ko" sabi niya at niyakap ang triplets. Nag iwas ako ng tingin.

"Anong mga anak niya?" Takang tanong ni Manang. Lumapit ako at hinihiwalay ang triplets sa kanya.

"BITAWAN MO ANG ANAK KO. " Sabi ko. Binitawan naman niya ang triplets pero bigla siyang pumasok sa kuwarto.

"SAAN KA PUPUNTA KA?!" Sigaw ko pero di niya ako sinagot o tinignan.

"Hi" napatingin ako sa tatlong lalaki na pumasok. Familiar sila, oo pala ang mga kasamahan niya sa varsity.

"Anong ginagawa niyo rito?" Takang tanong ko. Ngumiti sila at lumapit sa triplets.

"Hi po Ma'am." Bati nila kay Manang.

"Hello rin mga Hijo." Tumingin si Manang sa akin na nagtataka. Bumuntong hininga ako. May narinig akong ingay sa kwarto.

"ANONG GINAGAWA MO?!" Takang tanong ko ng pagpunta ko sa kuwarto. Nilalagay niya ang lahat ng damit ko at ang mga damit ng triplets sa malaking bag.

"ITIGAL MO NGA YAN" sigaw ko at pinipigilan siya sa ginagawa niya.

"CARL HIJA! ANG TRIPLETS!" Sigaw ni Manang. Napalabas ako ng kuwarto. Nakita kong sinakay nila ang triplets sa kotse.

"TEKA SAAN NIYO DADALHIN ANG MGA ANAK KO!?" Sigaw ko. Dumating naman si Jun.

"Anong meron dito?" Takang tanong niya. Napatingin siya sa triplets na nasa loob ng kotse.

"Aba anong ginagawa niyo? Bat andiyaan sa loob ang triplets?" Hindi niya malapitan ang kotse kong saan ang triplets. Dahil naka bantay sa labas ang tatlong kaibigan ni Dwayne.

"Wag ka nalang makialam rito Pre" sabi ng isang kaibigan ni Dwayne.

"Ilabas niyo ang triplets" tinulak siya sa isa at napaatras si Jun.

"Sabing wag ka nalang makialam"

"Please ilayas niyo na ang mga anak ko." Pagmamakaawa ko.

Ngumiti sila sa akin. "Wag kang mag alala Carl. Di mawawala sa iyo ang mga anak mo" sabi nila.

"Eh kung ganon bat andiyaan sila?" Hinawakan ako ni Jun at tinago sa likod niya.

"Lumayo ka Carl. Ilalabas niyo ang triplets o magkagulo na?" Sabi ni Jun. Nag smirk ang mga ito. May biglang humawak sa kamay ko kaya nabitawan ako ni Jun.

"Wag mo nang mahahawakan ang asawa ko" sabi niya. Nanlaki ang mata ni Jun.

"Alis na kayo" sabi niya sa mga kaibigan niya sabay hagis ng mga bag sa mga ito.

"Te-teka saan nila dadalhin ang anak ko? DWAYNE ANO BA!" Pero di niya ako pinansin. Naalis na ang mga kaibigan niya na kasama ang triplets.

"ANONG ASAWA MO? DI MO KA ANO ANO SI CARL." May papel siyang hinarap kay Jun.

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon