Chapter 1 👶

1K 20 0
                                    

3 years ago







Someone's POV










Nagsusulat siya ng notes para mag aral dahil may semi-final kasi na parating.

"Carl anak magpahinga ka naman baka pinapagod mo na ang sarili mo" sabi ng Nanay niya ng makapasok ito sa bahay nila.

"Ayos lang ako Nay, malapit na kasi ang semi final." Sabi ni Carl na abala sa pagsusulat.

"Dinalhan ka ng mga notes ni Ma'am Luz mo?" 

"Opo, Nay." Nakangiting sabi ni Carl. Umupo naman sa tabi niya ang Nanay niya.

"Naku! Mabuti lang at may guro kang maunawain sa sitwasyon mo" sabi ng Nanay niya na hinahaplos ang buhok ng anak.

"Eh kahit ano naman pong mangyari Nay di ako titigil sa pag aaral." Sabi ni Carl at huminto siya sa pag susulat at hinarap ang Nanay niya tsaka hinawakan ito ang kamay.

"Kahit na naging disgrasyada ako---" di na niya natuloy ang sasabihin niya ng magsalita ang nanay niya.

"Hindi ka disgrasyada anak. Diba plano naman natin pag nakaipon tayo ng malaking pera ay pupunta tayu sa Manila. Magbabaka sakaling makita natin ang ama ng anak mo." Umiling si Carl.

"Eh Nay, hindi ko na po iniisip iyan. Diba po ang nangyari---"

"Shhhh, hindi mo kasalanan iyon. Hindi mo iyon ginusto. Aksidente iyon" tahimik lang si Carl habang naalala ang nangyari sa nakaraan at tumulo ang luha niya. Niyakap siya ng ina niya.

"Shhh, Anak, magiging ina kana. Alam ko na hindi madali at mabuti ang nangyari sa iyo noon pero andito naman ako. Kung pwede lang ay kalimutan mo na ang nangyari at ituon mo sa anak mo ang lahat ng atensyon mo." Pinunasan naman ng nanay ang luha ni Carl.

"Nay, magiging mabuting ina ba ako?" Tanong ni Carl. Ngumiti naman ang nanay niya sa kanya at hinawakan siya sa pisngi.

"Walang duda, magiging isang mabuti, mapag alaga at mapagmahal ka na ina." Tumango naman si Carl sa nanay niya. Hinalikan naman siya ng nanay niya sa noo.

"O siya, nakaluto nako nak kumain kana ha at pupunta pa ako sa bahay ng amo ko." Sabi ng Nanay niya at tumayo na para maghanda ng pagkain.

"Sige nay" at inayos muna niya ang mga notes niya at tsaka dahan dahan na tumayo.

"O dahan dahan lang nak" inalalayan siya ng nanay niya na umupo.

"Hooo! Ang babaw ng hininga ko nay" sabi niya na humihinga ng mabigat.

"Ganyan talaga pag buntis" sabi ng nanay niya. Umupo naman ito at tsaka na sila kumain.

Pagkatapos kumain ay pinahiga na siya ng nanay niya.

"Tawagan mo ako pag may kailangan ka ha. Uuwi rin naman ako" sabi ng nanay niya.

"Kaya ko na Nay. Sige na, mag iingat ho kayo" hinalikan naman siya sa noo ng nanay niya at tsaka na ito lumabas ng bahay.



------


Nagpapahinga lang si Carl. Makalipas ang isang oras ay nakauwi na ang nanay niya. Hinalikan siya nito sa noo at tsaka humiga sa nakalatag na banig sa sahig habang si Carl ay nasa kawayang higaan naman.





Kinabukasan....





Linggo kaya nagsimba ang mag iina. Pagkatapos ng misa ay tatayo na sana si Car ng kumirot ang tiyan niya.

"A-ary ko" sabi niya na nakahawak sa tiyan niya.

"Nak, ayos ka lang?" Tanong ng nanay niya at napatingin ito sa binti ng anak niya.

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon