Chapter 31 👶

282 8 0
                                    

Carl's POV






"Sir, Good Morning po" bati ko ng pumasok ako sa office niya.

"Engr. Carl, have a seat" umiling ako.

"Hindi naman po ako magtatagal Sir."

"So, what do you want?"

"May konting salo salo po kami mamaya sa bahay. Baka po gusto niyong dumaan" sabi ko. Ang totoo niyan ay birthday ko.

"Sure" ngumiti ako. Magpapasalamat lang ako sa kabutihan niya. Lumabas na ako sa office ni Sir at pumunta na sa site.






















-----




















"Carl, hija. Pupunta ba rito ang boss mo?" Tanong ni Manang.

"Oo Manang. Inimbetahan ko po" sabi ko. Tumango naman siya. Ito at naghahanda kami ng mga pagkain.

Gabi na at may narinig akong kotseng huminto sa labas ng bahay. Binuksan ko ang pinto. Nakita ko si Sir na kababa lang sa kotse niya.

"Sir, mabuti at nakarating kayo" salubong ko. Ngumiti naman siya.

"Sinabi kung pupunta ako diba" ngumiti ako. Tumakbo ang triplets patungo sa kanya.

"Oh dahan dahan lang baka madapa kayo" sabi ko sa triplets. Niyakap niya ang triplets.

"Andito kana pala kuya" sabi ni Rose. Ngumiti si Sir.

"Ikaw pala ang boss ni Carl. Tara hijo pasok ka" nakangiting sabi ni Manang.

"Magandang gabi po Ma'am" bati niya kay Manang.

"Naku Lola tignan mo nga ang triplets" sabi ni Rose. "Gustong magpakarga ng triplets sa kanya." Napatingin naman ako sa triplets at kay Sir.

"Naku Sir, pasensya na po" ngumiti siya.

"Okey lang. Gusto niyo ba kargahin ko kayo?" Tanong niya sa triplets.

"UP! UP!" Sabay sabi ng triplets. Ngumiti siya at kinarga niya ang triplets ng sabay.

"Naku Sir baka mahirapan kayo" sabi ko na aabang kasi sinabay niyang kargahin ang triplets.

"Okey lang kita mo naman oh. Nakarga ko silang tatlo" sabi niya. Well, makisig naman kasi siya kaya kinaya niya ang triplets.

"Naku tong mga ito talaga. Kay kuya lang kayo ganyan. Kay Tatay Jun niyo di kayo ganyan maglambing" sabi ni Rose. Totoo, hindi showy ang triplets kay Jun. Pero kay Sir Dwayne sobrang attach nila.

"Parang kayong mag ama" sabi ni Manang. Napangiti naman ako kasi ang dami na nagsasabi niyan.

"Talaga po? Madami ngang nagsabi eh" nakangiting sabi niya.

"Oh tara na pasok na tayo" Pumasok na kami sa loob. Andoon siya sa sala nilalaro ang triplets.

"Ate, ewan ko ha  pero parang magkahawig si Kuya at ang triplets" sabi ni Rose. Tinignan ko si Sir Dwayne at ang triplets.

"Naduling kana ba?" biro ko sa kanya.

"Baka nga hehehh" sabi ni Rose at nag lagay na siya ng pinggan sa mesa.

"Carl" tawag ni Manang sa akin.

"Po Manang?"

"Mukhang mas malapit ang triplets sa boss mo ah." Sabi ni Manang.

"Baka lang po mas komportable sila kay Sir."

"Pansin ko kasi. Hindi sila ganyan ka lapit ni Jun." Sabi ni Manang. Ngumiti lang ako ng pilit. Hinahain na namin ang mga pagkain.

Daddy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon