48

35 4 1
                                    

WEEKS have passed and the events of the graduation ball slowly fade away. Hindi ko na rin uli nakita si Manong Victor. Iniisip ko tuloy kung nag-resign ba siya sa trabaho o tinanggal siya. The second theory is almost impossible. Napakabait ni Manong Victor; imposibleng tanggalin siya sa trabaho ng university administration.

"OK ka lang?" tanong sa akin ni Gin. "Napapansin ko, nitong mga nakaraang araw ay tahimik ka."

"OK lang." tugon ko. "Iniisip ko lang kasi si Manong Victor. Noong huling pagkikita namin ay parang nagpapaalam siya. Hindi naman nagsabi kung saan siya pupunta."

Natahimik si Gin. I saw something flashes in his evergreen eyes. Parang may kung anong alam siya na hindi ko alam.

"Gin?" sikmat ko. "Anong iniisip mo riyan?"

"Um," napalunok si Gin. "Naisip ko lang kasi na..."

Hindi na nagawa pang ituloy ni Gin ang kanyang sinasabi. Biglang dumaan si Maggie. When she saw me, her lips instantly form her evil smile. Pakendeng-kendeng na lumapit siya sa akin bitbit ang kanyang branded na bag.

"Hey there, latex girl," nakangising bungad niya. "Mabuti naman at nagagawa mo pang lumakad nang taas-noo sa university pagkatapos ng nangyari sa graduation ball."

Hindi ako nakasagot. Napatingin ako kay Gin sa aking tabi. Nang mga sandaling iyon ay nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng bote kaya naman ako lamang ang tanging nakakakita sa kanya.

"O, ano? Hindi ka makasagot? Loser!" Humalakhak siya. "Aminin mo na lang kasi na kahit anong gawin mo, mananatili kang cheap at talunan!"

Pinapanood ko lamang si Maggie na magsalita. Iniisip ko kung ano kayang nangyari sa kanya. There must be something that caused her to be bitter and bully.

"OK, I gotta go!" anunsyo niya. She seemed creep out by my silence. "Mukhang sinasayang ko lang ang oras ko rito."

Nang tatalikod na siya ay muli kong sinulyapan si Gin. Tumango siya sa akin. I know that's the signal; ito na ang tamang pagkakataon upang gawin ang napag-usapan namin.

"Maggie," I called. "Sandali lang."

I heard Maggie sigh. There was a bored look on her face when she looked back at me. Na para bang hindi siya interesadong marinig anuman ang gusto kong sabihin.

"What?" she hissed. "Nakaisip ka na ba ng linyang ibabato mo sa akin?"

Sa halip na sumagot ay lumapit ako kay Maggie. Kinuha ko ang kanyang kamay at dahan-dahang inangat iyon. Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

"A-ano sa tingin mong ginagawa mo?!" sigaw niya. "Bitiwan mo nga ang kamay ko!"

Ngunit hindi ko binitiwan iyon at sa halip ay diretsa siyang tinitigan sa kanyang mga mata.

"Maggie, marami kang nagawang kasalanan sa akin. Ilang beses mo akong ipinahiya at ginawang katatawanan sa ibang mga estudiyante. Pero sa kabila nang lahat ng iyon, gusto kong malaman mo na, kahit kailan ay hindi ko ginustong gumanti sa'yo." Pinisil ko ang kanyang palad. "Wala akong balak na gantihan rin ng mali ang isa na ngang malinaw na pagkakamali."

Natahimik si Maggie. Suddenly, she seemed affected by my words. Ngumiti ako sa kanya.

"Kung may gusto man akong mangyari ngayon, iyon ay ang maging kasingganda ng mukha mo ang iyong kalooban." Huminga ako nang malalim. "Maggie, I wish na sana, sana ay maging mabuti ka nang tao."

And in that instant, nabalot ng kakaibang liwanag ang buong katawan ni Maggie. Alam kong ako lamang ang nakakakita ng liwanag na iyon. She was completely dumbfounded by everything.

"A-anong...?" Nagpalinga-linga siya sa paligid na tila biglang naguluhan. "Anong nangyari?"

Sa halip na sumagot ay muli lamang akong ngumiti kay Maggie. Pinisil kong muli ang kanyang palad at tuluyan na siyang tinalikuran kasama si Gin. Alam kong simula sa araw na iyon ay may malaking pagbabagong magaganap sa kanyang buhay.

OPPOSITE WISHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon