22

137 5 1
                                    

My days in the university are becoming worse every single day. Halos wala nang pumapansin sa akin maski blockmates ko, except lang kung kokopya ng homework, hihingi ng papel, or hihiram ng ballpen. Ganyan sila, mga parasite. Bigla na lang akong gumaganda sa paningin nila kapag may kailangan sila. Pero pagkatapos nilang makuha ang gusto sa akin, daig pa ang mga nagkaroon ng amnesia at halos hindi na ko kakilala. Pero isang araw biglang nagbago ang ihip ng hangin.

Palabas na ako noon sa library, bitbit ang napakaraming libro na gagamitin ko para sa isang major subject.The pile of books covered more than half of my face kaya hindi ko na halos makita ang dinaraanan ko. As expected, mayro'n akong nakabangga na kung sino at tumilapon ang hiniram kong mga libro. Without looking at the person I bumped into, I started picking up my books. Hindi ko na in-expect na tutulungan niya ako. Kaya naman gano'n na lamang ang pagkagulat ko nang marinig ko ang pamilyar niyang boses.

"Hey," pukaw niya. "Let me help you with that."

Salubong ang kilay na nag-angat ako ng paningin at halos lumuwa ang dalawang buliga ng mata ko nang makita si Maggie Dela Torre na tumutulong sa pagpulot ng mga nahulog kong libro. Shit, lihim kong naisaloob. Nagkusot pa ko ng mata sa pag-aakalang nag-ha-halucinate lang ako. Pero hindi, totoo talagang ang beauty queen na si Maggie Dela Torre ang nakatayo sa harap ko!"

"Here are your books," nakangiting saad niya habang inaabot sa akin ang mga libro. "Pasensiya na hindi kita napansin kanina, ha."

Ah, so siya pala ang nakabangga sa akin. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa; hindi naman ako pinapansin nito dati, ha. Ano kayang nakain nito at bigla akong tinulungan?

"Hey, hi!" Pinadaan niya sa mukha ko ang isa niyang kamay nang hindi ako magsalita. Her fancy jewels rattled in front of my face. Napakurap-kurap ako. "Are you OK?"

"Um. Yep. OK lang ako." Duda pa rin na tumango ako. "Ikaw OK ka lang?" Baka kasi nilalagnat ka kaya naisipan mong magkawanggawa ngayon, ang gusto ko sanang idugtong pero pinigilan ko ang aking sarili.

"Ha?"

"W-wala," agad ko namang pagdidismis sa huling pahayag ko. "Sige, salamat na lang sa tulong. Mauuna na ako."

Lalampasan ko na sana siya nang bigla niya akong pigilan. "Wait, ikaw 'yung babae sa Cafeteria, right?"

Hindi ko kaagad nagawang tumugon. Naalala ko 'yung nangyari sa Cafeteria a few weeks ago. Hindi ako makapaniwalang natandaan niya ako.

"I remember you kasi nagbabasa ka ng baliktad na libro that time," saad niya na bahagya pang natawa. "Binati ka pa nga ni Paul, right?"

Parang biglang nawala sa lugar ang puso ko nang bigla niyang banggitin si Paul. Gusto ko sanang matuwa kaso pati 'yung kahihiyang ginawa ko ipinaalala pa niya. Pinagtawanan pa ko ng bruha!

"Talent ko 'yun, magbasa ng librong nakabaliktad." sarkastikong saad ko. "Talented talaga ako!"

"Well, you surely are. In fact, Paul can't stop talking about you. Aliw na aliw siya sa'yo."

Biglang namula ang magkabilang pisngi ko. "T-talaga?"

"Yeah." Tumango siya, saka bahagyang lumapit sa akin. "You like Paul, right?"

Nanlaki bigla ang mga mata ko. Shet, nabisto ako ng bruha! Ano nang gagawin ko ngayon?

"O, 'wag ka nang mahiya sa akin. It's fine, really. Sa totoo nga niyan, if you like, puwede kitang tulungan na mapalapit sa kanya."

"H-ha?" Biglang nagsalubong ang makakapal kong kilay. "A-anong ibig mong sabihin? Hindi ba... um. Hindi ba kayong dalawa ni Paul?"

"What? That's insane! Walang namamagitan sa amin ni Paul!" Hindi niya napigilan na hindi matawa. "We're actually second cousins."

Natulala ako. Halos kabisaduhin ko ang buong family tree ni Paul magmula sa kalolololohan ng kanyang lolo, pero ngayon ko lang nalaman na second cousin pala niya si Maggie. Hallelujiah, praise the Lord!

"Um," Nakagat ko ang aking lower lip. "S-sigurado ka bang gusto mo talaga akong tulungan?"

"Why not?" aniya. "Alam mo, may pagkapasaway ang cousin ko, and often times, napapahamak siya dahil sa pagiging pasaway niya. I want him to change. At sa tingin ko, malaki ang matutulong mo para magbago siya for the better."

Nagniningning ang mga mata. Gusto kong kurutin o kaya ay sabunutan ang sarili ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari 'yun. Sobrang saya ko!

"Give me your number so I can contact you.You know, updates about Paul and everything. Para naman mas madalas mo pa siyang makita."

"OK, OK!" Dali-dali kong nilabas ang aking sticky notes at ballpen. "Here's my contact number, contact number ng Mamita ko, at landline ng kapit-bahay namin. Gumagana 'yan lahat. No reason para hindi mo ako makontak." Malawak ang ngiti na inabot ko sa kanya ang maliit na piraso ng papel.

"Great!" Hinablot niya iyon mula sa akin. "I'll see you around...?"

"Ella!" bulalas ko. "Ang pangalan ko ay Ella."

"I'll see you around, Ella." Ngumiti siya. "Take care."

Ngumiti rin ako sa kanya, 'yung labas ang gilagid. Nang hindi ako makontento ay kinawayan ko pa siya habang naglalakad siya palayo. Hay, grabe, sobrang saya ko talaga!

OPPOSITE WISHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon