28

126 4 3
                                    

Naalimpungatan ako bandang hating-gabi. Ang buong akala ko ay nananaginip lamang ako. Pupungas-pungas na nagmulat ako ng paningin. May nakita akong malabong imahe sa tabi ng bed ko. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata nang sa gayon ay luminaw ang imahe. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita si Gin. Kumurap ako nang paulit-ulit pero hindi siya nawala.

"Gin!" sigaw ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. "Salamat naman at bumalik na rin sa wakas!"

Hindi agad nagawang sumagot ni Gin. Parang nagulat yata siya nang bigla ko na lang siyang yakapin. Pero mas nagulat ako nang yakapin niya ako pabalik.

"Na-miss kita, Gin!" saad ko na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Saan ka ba nagpunta, ha?"

Kumalas si Gin mula sa pagkakayakap ko. "Hindi naman ako umalis. Nasa tabi mo lang ako. Sinadya ko lang talaga na hindi magpakita."

"Sira-ulo ka!" sisinghot-singhot na binatukan ko siya. "Alam mo ba kung gaano ako nag-alala para sa'yo, ha?!"

Kumunot ang noo ni Gin. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Namumula naman ang pisngi na bigla akong napaatras.

"Teka, sandali, ano 'yang nasa mata mo?" tanong niya sa akin. "Umiiyak ka ba, ha?"

"U-uy, hindi, no." pagsisinungaling ko bago ko pasimpleng pahiran ang naipong luha sa gilid ng mga mata ko. "B-bakit naman ako iiyak?"

Nagbuntong-hininga si Gin. "Ella, alam ko kung anong nangyari sa bahay nina Maggie."

Napakurap-kurap ako. Ang akala ni Gin, umiiyak ako dahil sa pagpapahiyang ginawa sa akin ni Maggie. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanyang ang totoong dahilan kaya ako umiiyak ay dahil masaya akong bumalik na siya.

"Sinabi ko naman sa'yong 'wag kang magtiwala sa babae na 'yun, 'di ba?" saad niya nang walang matanggap na tugon mula sa akin. "OK ka lang ba?"

Tumango lang ako.

"Pasensiya ka na kung hindi kita naipagtanggol kanina, ha." Nagbuntong-hininga siya. "Without your command, hindi ako maaaring gumawa ng kahit na anong mahika."

"O-OK lang," sabi ko sa kanya. "Ang mahalaga sa akin ngayon ay bumalik ka na. Sorry sa mga nasabi ko noong nakaraan, ha? 'Wag ka na ulit aalis."

"Hindi ako umaalis, Ella. Kung hindi mo man ako makita, that doesn't mean na umalis ako. Hindi kita puwedeng iwanan dahil ikaw ang master ko." Sinserong sabi niya. "Sige na, magpahinga ka na."

Nagtangka siyang bumaba ng bed, pero pinigilan ko siya.

"B-Bakit?" Pinagkunutan niya ako ng noo. "May kailangan ka pa ba?"

Hindi ko agad nagawang sumagot. Pinagmasdan ko lang si Gin. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamadaman ko ngayong bumalik na siya. Ngumiti ako sa kanya saka ko dinampian ng halik ang kanyang pisngi.

"Thank you, Gin," sabi ko sa kanya. "Good night."

Hindi nagsalita si Gin at basta na lamang bumaba ng bed. Pinatay ko naman ang ilaw at nahiga na rin ako. Nagulat ako dahil may naiwan pa ring liwanag. Nang silipin ko si Gin sa baba ang bed ay nakita kong nagniningning ang buhok niya. Hindi ko alam kung bakit na naman nagkagano'n. Hindi na lang din ako nagtanong.

OPPOSITE WISHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon