Nang gabing iyon ay nagdahilan ako kay Mamita na masama ang pakiramdam ko at gusto kong magpahinga nang maaga. Hinatidan na lamang niya ako ng hapunan sa aking kuwarto. Ayoko sanang gawin iyon dahil ayokong kumakain nang mag-isa si Mamita, pero sobrang sama kasi talaga ng loob ko. Kung sasabayan ko siya ay baka maiyak ako at makapagsabi lang ako ng totoo sa kanya.
"OK ka lang ba?"
It was Gin. Naupo siya sa gilid ng bed ko at nag-aalalang sinilip ako. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan nang sa gayon ay hindi niya makitang umiiyak ako.
"OK lang ako, Gin." My voice was muffled. "Magpahinga na tayo, please."
Hindi sumagot si Gin. Ang totoo niyan ay gusto ko siyang yakapin nang mga sandaling iyon, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong isipin niya na sinasamantala ko ang companionship niya sa tuwing malungkot ako.
"Anong paborito mong tula?"
Nagbuntong-hininga ako. Ang buong akala ko ay tinigilan na niya ako. Napilitan akong bumangon at harapin siya.
"Gin, sinabi ko nang---" Hindi ko nagawang ituloy ang sinasabi ko. Napanganga ako nang makita kong nakalagay ang mga daliri ni Gin sa kanyang sintido. Mukhang sinubukan niyang gamitin ang Information scan sa akin. "Hoy, anong ginagawa mo, ha? Information scan ba 'yan! Hoy, lubayan mo 'yan!"
Subalit huli na ang lahat. Nagmulat ng paningin si Gin. Ngumiti siya sa akin at saglit akong natuliro kasi na-realize ko na higit pala siyang guwapo kapag nakangiti siya.
"You like Sonnet 18 by William Shakespeare." Sabi niya. "Hayaan mong i-recite ko sa'yo ang paborito mong tula para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam mo."
"Nako, Gin, hindi na kai---"
"Shall I compare you to a summer's day? You are lovelier and more constant. Rough winds shake the beloved buds of May. And summer is far too short. At times the sun is too hot, or often goes behind the clouds. And everything beautiful will lose its beauty, by misfortune or the nature's planned out course, but your youth shall not fade, nor will you lose the beauty that you possess."
Napakurap-kurap ako. Ang ganda pala ng boses ni Gin. Habang pinapakinggan ko siyang i-recite ang ang paborito kong tula ay para ko na ring pinapakinggan si Ed Sheeran habang kinakanta niya ang hit song niyang "Perfect." Ngumiti ako kay Gin ngunit agad ring nawala iyon.
"Hindi naman bagay sa akin ang tulang 'yan," sabi ko sa kanya. "Tungkol 'yan sa kagandahan. Ang sabi ng persona sa poem, walang papantay sa kagandahan ng iniirog niya. Hindi naman ako maganda eh."
"Stop it, Ella. Ayoko na uling maririnig na sasabihin mong hindi ka maganda. Puwede ba?" Nagbuntong-hininga si Gin. Natahimik naman ako. First time niya yata akong tinawag sa pangalan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Para sa akin, maganda ka nang una tayong magkakiala. Nagbago man ang hitsura mo ngayon, nananatili ka pa ring maganda. Alam mo kung bakit? Kasi mabuti kang tao at mabuti ang kalooban mo. Kapag mabuti ang isang tao, nag-re-reflect sa panlabas niyang anyo ang kagandahan ng kanyang kalooban."
Sinubukang salubungin ni Gin ang mga mata ko, pero yumuko ako. Hindi ko kaya. Ayokong makita niyang namumula ang mga pisngi ko.
"Wait," saad niya. "Bakit namumula ang pisngi mo?"
Shit, kasasabi ko palang eh! Lihim kong naisaloob. Napalunok ako. At kahit na naiilang pa rin ako ay sinubukan kong tingnan si Gin sa mga mata niya.
"W-wala lang 'to," sabi ko sa kanya. "Thank you, ha?"
"You're welcome." Muli siyang ngumiti sa akin at muli na naman akong natuliro. "You know what? You've been so brave today. I'm proud of you."
Napangiti ako. "Talaga?"
"Oo naman," tugon niya. "Marami na akong nakasalamuhang tao sa buhay ko. It's not easy to stand up for something that you believe in. At nagtagumpay kang gawin iyon nang ipaglaban mo ang sarili mo kay Maggie kanina."
"Thanks, Gin," I said, touched by what he said. "Alam mo, kanina ko pa talaga gustong gawin 'to eh."
I wrapped my arms around his shoulders upon saying that. Pumikit ako at niyakap siya nang sobrang higpit. I can't explain enough kung gaano ako kasayang dumating si Gin sa buhay ko.
"Ouch!" bulalas ni Gin. "Ouch!"
"Gin?" Napadilat ako saka kumalas sa kanya. Nakita kong umuusok ang kanyang katawan. Bigla akong naalarma. "A-anong nangyayari, Gin?"
"S-something is happening to the bottle," nahihirapang saad niya. Namimilipit na natumba siya sa bed. "P-pakiusap, kailangan ko nang pansamantalang masisilungan."
"H-ha?" natatarantang saad ko. "H-hindi ko maintindihan, Gin!"
"K-kuhanan mo ako ng b-bote," pagsusumamo niya. "K-kailangan kong maikulong ang aking spirit energy b-bago tuluyang mahuli ang l-lahat!"
Suddenly, I understood everything. Nagmamadali akong bumaba ng kusina. Naghanap ako ng bote. May nakita akong garapon ng mayonnaise, agad-agad kong dinampot iyon.
"I-Ito?" tanong ko sa kanya. "P-puwede na ba 'to?"
Hindi na nakuha pang sumagot ni Gin. He turned himself immediately into a sparkling ball of light. Dahan-dahang pumasok ang bola ng liwanag sa loob ng garapon. The jar shook violently that I unintentionally closed my eyes. Pagdilat ko ay nasa loob na ng garapon si Gin at kasinglaki na lamang siya ng aking hinliliit.
"G-gin," nangingilid ang luha na sabi ko sa kanya. "Ayos ka lang ba diyan?"
"OK lang ako, Ella," sabi niya sa akin. Hindi katulad nang dati ay mas maliit at mas mahina ang kanyang boses. "Kailangan ko lang munang manatili sandali dito. I have to make sure that I can maintain my spirit energy with me. Huwag kang mag-alala, when everything's OK, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat."
Tumango ako. Niyakap ko ang garapon. Kahit na sinabi ni Gin na huwag na akong mag-alala ay hindi ko pa rin magawa. Kung ano man ang nangyari sa kanya ngayon, alam kong may kinalaman doon ang pagkawala ng bote. Kailangan ko na talagang makita si Mang Gustin. Kailangan ko na talagang maibalik kay Gin ang kanyang bote bago pa may masamang mangyari sa kanya!
BINABASA MO ANG
OPPOSITE WISHES
FantasyElla is a free-spirited, hopeless romantic, twenty-year-old girl na gustong gumanda, gustong paibigin si Paul, gustong yumaman, at gustong makita ang tatay niya. She was given a chance to fulfill her wishes sa pamamagitan ng isang shooting star. But...