NAKATAYO ako sa harap ng bench na madalas naming tambayan ni Manong Victor. Ang dami-dami kong naaalala habang pinagmamasdan ko iyon. Kung maaari ko lamang sanang ibalik ang panahon nang sa gayon ay magkaroon ako muli nang pagkakataong makausap siya bago siya tuluyang maglaho na parang bula. Sa gayong tagpo ako naabutan ni Gin.
"I cannot detect him," anunsyo niya. Sinubukan niyang gamitin ang information scan sa kagustuhang matulungan ako. "Malaki ang tsansang tuluyan nang tumawid sa kabilang buhay ang kaluluwa ng iyong ama."
Napabuntong-hininga ako. Nanghihina akong naglakad palapit sa bench at naupo doon. Tinabihan ako ni Gin.
"Hindi pa rin ako mapaniwala. Isa na palang multo ni Manong Victor. At siya ang tatay ko." I bit my lower lip. "Kung alam ko lang ay sinamantala ko na sana ang pagkakataon. Ang dami-dami kong gustong sabihin sa kanya. Higit sa lahat, gustong-gusto ko siyang tawaging 'tatay'. Kahit na isang beses lang. Gusto ko siyang makasama bilang isang ama at hindi bilang isang estrangherong kaibigan."
Pinagmasdan ako ni Gin. There was guilt inside his eyes. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang napabuntong-hininga.
"I'm sorry, Ella." Saad niya. "Sa totoo lang ay may kutob na akong kakaiba sa kanya. I know that he's aware that I'm not an ordinary human being. Gusto ko sanang sabihin sa'yo, pero malakas ang pakiramdam ko na ayaw niyang gawin ko iyon at ayoko namang makialam."
"You don't have to say sorry, Gin." I said. "Maybe it's not just meant to be. H-hindi lang siguro talaga nakatadhana na makilala ko siya bilang ama. But damn, sana man lang nagpakilala siya sa akin bago man lang siya nawala na parang bula!"
Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Mabilis na gumulong ang luha mula sa aking mga mata. Gin stared sadly at me. Kinabig niya ako at ipinatong ang aking ulo sa kanyang balikat.
"Tahan na," saad niya. "Nahihirapan akong makita lang umiiyak eh."
"I-I'm going to be OK," humihikbing saad ko. "B-basta, pahiram lang muna ako ng balikat mo sandali, ha?"
Hindi nagsalita si Gin. Basta't dahan-dahan niyang tinapik ang aking likuran. It felt as if he's telling me that everything is indeed going to be OK. Kahit paano ay gumaan ang aking pakiramdam.
"You know, there is still one way to contact your father, right?" hindi kalaunan ay saad niya. "May isa ka pang natitirang wish. Puwede mong gamitin iyon. Para makaharap mo uli si Manong Victor."
Natigilan ako. Suddenly, biglang namanhid ang buo kong katawan. Oo, puwede ko nang hilingin na makaharap ko uli ang aking ama, ngunit paano si Gin? It will be my last and only wish. Kung gagamitin ko iyon ay baka tuluyan nang maglaho si Gin. Iniahon ko ang aking ulo mula sa kanyang balikat.
"You're not actually telling me to use my fourth wish, right? Paano ka? Saan ka na mapupunta kung gagamitin ko ang huli kong kahilingan?!"
"Ella," buntong-hininga ni Gin. "It is your right to wish. And it is my right as a genie to make your wish come true. Hindi mahalaga kung saan na ako mapupunta kung mauubos na ang wishes mo. Ang mahalaga ay mapaglingkuran kita at matapos ko ang misyon ko sa'yo."
Hindi ako nagsalita. I held his hand tightly. Oo, maaaring sumasagi sa isip ko ang pagdating ng araw na ito ngunit hindi ko pa rin ito nagawang lubusan na mapaghandaan. Ayokong basta na lamang mawala si Gin. Mahal ko siya.
"Pag-isipan mo," sinserong saad ni Gin na pinisil ang aking palad. "Pag-isipan mo, OK?"
HINDI ko magawang matulog nang gabing iyon; biling-baliktad ako sa aking kama. Iniisip ko ang mga bagay na sinabi sa akin ni Gin. Kahit anong timbang ko ay hindi ko magawang mamili. Oo, gusto ko uling makaharap ang tatay ko, pero gusto ko ring mag-stay si Gin.
BINABASA MO ANG
OPPOSITE WISHES
FantasyElla is a free-spirited, hopeless romantic, twenty-year-old girl na gustong gumanda, gustong paibigin si Paul, gustong yumaman, at gustong makita ang tatay niya. She was given a chance to fulfill her wishes sa pamamagitan ng isang shooting star. But...