Habang nagsasaliksik pa kami ng paraan para muling mabuo ang bote ay pansamantalang ginamitan ni Gin ng mahika na tinatawag na double illusion si Mamita. Ito ang dahilan kung bakit na-retain sa utak ni Mamita ang dati kong anyo. Hindi siya aware sa kasalukuyang anyo ko sa tuwing tinitingnan niya ako. Unfortunately, sa isang tao lang puwedeng gamitin ni Gin ang mahika na ito. All of the other acquaintances, including Paul, have to see my very ugly face.
"What happened to your hair and face, Ella?" tanong sa akin ni Mika, kaklase ko. "Namatanda ka ba?"
Actually, isa lamang siya sa isang-daang kataong nagtanong sa akin kung anong nangyari sa pagmumukha ko nang pumasok ako sa University.
"Allergies," depensa ko naman. "I have to cut my hair short para hindi lumala."
Hindi ko alam kung naniwala siya. Ang alam ko lang, pagtalikod niya ay nakita kong tumawa siya. The nerve of that bitch! Pero hindi bale nang siya eh. Hindi bale nang si Mika o ang ibang tao 'wag lang si Paul. Sinubukan kong magtago, sinubukan kong umiwas, pero kung kailan ayoko siyang makita at saka siya nagpakita sa akin.
Katanghalian noon. Pauwi na sana ako dahil half-day lang ako nang biglang may tumamang bola sa akin. Pagtingin ko, si Paul pala kasama ang mga barkada niya. Gusto kong tumalikod, pero nakita na niya ako. Nagtawanan ang mga barkada niya habang siya naman ay natulala.
"Shit, Ella, is that you?"
Kumabog ang dibdib ko. First time in my life na pinansin niya ako. My goodness, kilala niya pala ako!
"P-paul," Napalunok ako. "A-alam mong pangalan ko?"
"Well, yeah, school mates tayo since grade school di ba?"
Namula akong bigla. Yes! Yes! Schoolmates tayo since grade school kasi kung saan ka nag-e-enrol, doon din ako nag-e-enrol. Sinusundan kita, Paul, kasi I'm in love with you since grade school; since you saved me from falling off the stage noong grade one tayo. You're my destiny and I love... Napahinto ako sa internal monologue ko nang muling magsalita si Paul.
"My goodness, ang pangit mo pala, no?" biglang sabi niya saka tumawa. Hinablot niya sa akin ang bola na wala akong kamalay-malay na hawak ko pala. "Anyway, thanks for catching the ball!"
Tumakbo na siya pabalik sa mga barkada niyang tawa pa rin nang tawa. I was left mortified. Jusko, kung puwede lang lumubog sa lupa!
"That's Paul?" tanong ni Gin na nakabuntot sa akin. "He looks like a fun guy."'
"Shut up!" muryot ko. "Shut up!"
"O, 'wag ka nang magalit," sabi ni Gin. "Naging honest lang naman 'yung tao."
Huminto ako at tininangnan nang masama si Gin.
"Kasalanan mo 'tong hinayupak ka!" namumula sa galit na bulalas ko. "Papatayin kita!!!"
Naglaho siya na parang bula bago ko pa siya tuluyang masakal.
BINABASA MO ANG
OPPOSITE WISHES
FantasyElla is a free-spirited, hopeless romantic, twenty-year-old girl na gustong gumanda, gustong paibigin si Paul, gustong yumaman, at gustong makita ang tatay niya. She was given a chance to fulfill her wishes sa pamamagitan ng isang shooting star. But...