Dumiretso kami ni Gin sa may plaza, doon sa may likod ng stage. Katulad ng ginawa niya kanina ay inilagay niya ang dalawang hintuturo sa magkabilang sintido. Gusto ko sanang umubo, pero nilunok ko na lang sa takot na baka maistorbo ko siya. Ilang sandali pa at nagsimula nang tumirik ang kanyang mga mata na parang roleta. Pigil-hiningang hinintay kong matapos ang information scan.
"Information scan completed." Pag-iimporma niya nang bumalik na sa dating anyo ang kanyang mga mata. "Mangosteen, also known as the purple Mangosteen, is a tropical evergreen tree with edible fruit native to island nations of Southest Asia. It has powerful antioxidants, anti-inflammatory properties, and anti-cancer effects. It is used to treat diarrhea, urinary tract infections, gonorrhea, thrush, tuberculosis, menstrual disorders, cancer, osteoarthritis, and an intestinal infection called dysentery."
Napakurap-kurap ako matapos ang mahabang monologue niya. Anong pinagsasabi nitong hinayupak na 'to? Sandali kong sinuri 'yung mga natatandaan kong sinabi niya at halos makulot ang buhok ko sa inis. Sa halip na taong MANG GUSTIN ang hanapin niya ay ang prutas na MANGOSTEEN ang kanyang hinanap. Hinubad ko ang suot kong doll shoes at ihinagis sa kanya na agad naman niyang nailagan.
"Langya ka!" Halos umusok ang dalawang tenga ko sa inis. "Kailan pa naging prutas si Mang Gustin, ha!"
"I'm sorry. Ginawa ko na ang lahat pero wala akong mahanap na impormasyon tungkol sa repairman. Sa tingin ko ay nasa malayong lugar na siya kaya hindi ko magawang makakonekta sa utak niya."
"Hay, buset!" Nanlalambot akong napaupo sa may plant box. "Ano nang gagawin natin ngayon?"
Nagbuntong-hininga si Gin. Naglakad siya at pinulot ang doll shoes ko. Lumuhod siya sa harap ko at ipinatong ang dalawang paa ko sa kanyang kandungan.
"A-anong ginagawa mo?"
"Halika na," balewalang sagot niya. Marahan niyang isinuot ang sapatos sa aking mga paa. "Umuwi na tayo."
"Hindi ko yata kayang maglakad, Gin." Nanlalambot pa ring sabi ko sa kanya. "Kung dito na lang kaya ako matulog?"
It was a joke, pero hindi tumawa si Gin. Sa halip ay tumalikod siya saka yumukod. Kukurap-kurap naman na pinagmasdan ko lang siya.
"Hindi ka puwedeng matulog dito. Malamig at maraming lamok. Bukod doon ay maraming lasing tuwing gabi." Sinulyapan niya ako. "Kung hindi mo kayang maglakad ay ipapasan na lang kita."
Natulala akong lalo. Seryoso ba? Kahit kailan ay wala pang lalaking nag-alok na magpasan sa akin.
"Bilisan mo na," apela niya. "Maulap ang langit at baka maabutan tayo ng ulan."
Hindi na ako nag-inarte pa. Sumakay ako sa likod ni Gin at ikinawit ang dalawang kamay ko sa kanyang leeg. He smells like flowers and sunshine. Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko.
"Gin?" bulong ko. "Paano kapag hindi na bumalik sa dati ang anyo ko?"
Hindi siya nagsalita.
"Or worse, pa'no 'pag hindi na ko gumanda?"
Dedma pa rin.
"May magmamahal pa kaya sa akin, Gin?"
Napahinto sa paglalakad si Gin. Hindi siya agad tumugon, bagaman napansin ko ang muling pagningning ng kanyang asul na buhok. Ano kayang ibig-sabihin no'n? Bakit kaya may mga pagkakataon na nagniningning ang buhok niya? Na-ku-curious na ko.
"Humilig ka sa balikat ko." Tanging sabi niya.
"Ha?"
"Humilig ka sa balikat ko." Pag-uulit niya. "Malayo-layo pa ang lalakarin natin at gusto kong makapagpahinga ka."
Napangiti ako. Deep inside, pakiramdam ko, pati ang puso ko ay ngumiti rin. Humilig ako sa kanyang balikat gaya ng sinabi niya. Ipinikit ko ang aking mga mata. Suddenly, I am happy again.
BINABASA MO ANG
OPPOSITE WISHES
FantasyElla is a free-spirited, hopeless romantic, twenty-year-old girl na gustong gumanda, gustong paibigin si Paul, gustong yumaman, at gustong makita ang tatay niya. She was given a chance to fulfill her wishes sa pamamagitan ng isang shooting star. But...