"Eh wala naman. Mukha ka kasing in love eh. Mga taong in love lang naman ang umaasal ng inaasal mo ngayon."
Napabuntong-hininga ako nang maalala ang sinabi ni Manong Victor sa akin kanina. Kahit anong gawin ko ay hindi iyon mawala sa isip ko. Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa diwa ko na parang 'yung alarm clock ko tuwing umaga na paulit-ulit ko mang patayin ay tutunog at tutunog uli.
"Imposible," mahinang bulong ko habang naglalakad palabas ng university compound. "Imposibleng ma-inlove ako sa isang genie."
Kung hindi ka in love kay Gin, bakit hindi mo nasagot yung tanong ni Manong Victor kung in love ka pa rin ba kay Paul? Segunda ng kontrabida kong isip. Natigilan ako sa paglalakad at bigla akong napaisip. Bakit nga ba hindi ko nasagot kanina si Manong Victor? Ano na nga ba talagang nararamdaman ko para kay Paul?
"Paul, sandali!" sigaw ni Maggie na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. "Puwede bang mag-usap muna tayo!"
Hinila ni Maggie ang isang braso ni Paul. Napakurap-kurap ako habang nakamasid sa kanila. Kinutuban ako nang hindi maganda. Pakiramdam ko ay may hindi na naman magandang mangyayari kung makikita ako ni Maggie. Dali-dali akong nagkubli sa likod ng nakaparadang sasakyan. Hindi ko man gustong makinig sa usapan nila ay wala na akong nagawa.
"Nag-usap na tayo, Maggie. I told you, I cannot escort you to this stupid party! May mas mahalaga akong bagay na kailangang gawin."
"Stupid huh?" tumaas ang isang kilay ni Maggie. "Dati-rati naman ang dami mong oras para sa akin di ba?"
Nagbuntong-hininga si Paul. "Tama na, Maggie. This is not getting anywhere. Hindi na magbabago ang isip ko."
Sumilip ako mula sa likod ng pader at kitang-kita nang sampalin ni Maggie si Paul. Napanganga ako sa nasaksihan ko. Mabuti na lamang at natakpan ko ang bibig ko bago pa nila maramdaman na nasa tabi-tabi lang ako.
"You're an asshole, Paul!" namumula sa galit na sigaw ni Maggie. "Go to hell!"
Itinulak niya si Paul gamit ang isang kamay saka nagdadabog na naglakad palayo. Naiwan namang iiling-iling na lang si Paul. Nang tuluyan nang mawala si Maggie ay naglakad na siya papunta sa kanyang sasakyan na siya mismong pinagtataguan ko.
"Ella?" nagulat na saad niya nang makita ako. "K-kanina ka pa diyan?"
Nakagat ko ang lower lip ko. Ang palpak ko lang talaga kahit kailan. Magtatago na nga lang ako ay doon pa sa may sasakyan ni Paul.
"Um," napakamot ako sa aking batok. "S-sorry, hindi ko sinasadyang marinig 'yung mga pinag-usapan ninyo. Pauwi na talaga ako eh. K-kaso, naisip ko, baka 'pag nakita ako ni Maggie ay magmarakulyo na naman 'yun. Ayoko na sana ng gulo, Paul."
"I understand," saad ni Paul. "Don't worry, you've done no damage."
Pinagmasdan ko si Paul. "OK ka lang ba?"
"I'm OK," pinilit niyang ngumiti sa akin. "Thanks for the concern."
"No worries," sagot ko naman. "O sige na, mauuna na ako."
Lalampasan ko na sana siya nang bigla niyang hilahin ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Napapalunok na pinaglipat-lipat ko ang paningin ko sa mukha niya at sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"Ihahatid na kita," aniya. "And please, huwag mo na akong tanggihan this time."
Hindi agad ako nakasagot. Napabuntong-hininga ako. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tumango sa kanya.
HINDI katulad nang sinabi ni Paul ay hindi niya ako inihatid sa bahay. Sa halip ay dinala niya ako sa isang pizza house. Ang buong akala ko ay balak niya lang mag-takeout kaya sumama ako sa loob. Nagulat na lang ako nang mag-reserve na siya ng table para sa amin.
BINABASA MO ANG
OPPOSITE WISHES
FantasyElla is a free-spirited, hopeless romantic, twenty-year-old girl na gustong gumanda, gustong paibigin si Paul, gustong yumaman, at gustong makita ang tatay niya. She was given a chance to fulfill her wishes sa pamamagitan ng isang shooting star. But...