29

106 5 2
                                    

Katatapos lamang ng mga klase ko at naglalakad kami patungo sa university cafeteria. Hindi ko magawang ialis ang paningin ko kay Gin. Pakiramdam ko kasi, sa oras na malingat ako, muli na naman siyang mawawala na parang bula.

"May problema ba?" hindi na nakatiis na tanong niya. "Ba't kanina mo pa ako tinitingnan?"

"H-ha?" Bigla akong namula. "A-anong tinitingnan? Hindi kita tinitingnan, ha! Feeling mo naman!"

Huminto si Gin. Nagbuntong-hininga. Inilahad niya ang dalawang palad niya at may lumabas doon na tila hologram kung saan makikita ang mga sandaling nakatingin lang ako sa kanya.

"Kaninang pagkagising, kaninang papasok, kanina sa klase, at ngayong naglalakad na tayo." Pag-sa-summarize niya sa mga imaheng lumabas sa hologram. "Ba't mo ako tinitingnan?"

Tinabig ko ang mga kamay niya at mabilis na nawala ang hologram mula roon. Pulang-pula ang mga pisngi ko. Malalaki ang hakbang na nagpatiuna ako sa paglalakad.

"Ano ba talagang problema?" tanong niya nang makarating na kami sa Cafeteria. "Galit ka ba?"

Tiningnan ko siya nang masama. "Ang sabi mo sa akin dati, kaya mong mabasa ang isip ko. Patunayan mo ngayon! Basahin mo ang isip ko."

"Hindi sa lahat ng oras ay kaya kong basahin ang isip mo. Nagagawa ko lang iyon, if you are genuine enough to allow me to. Hindi ko magawang kumonekta ngayon sa isip mo, ang ibig sabihin, ayaw mong malaman ko ang tumatakbo sa isip mo."

Natigilan ako. Mabuti naman, naisaloob ko. Kasi kung mababasa niya ngayon ang nasa isip ko, baka kung anong isipin niya. Ewan ko ba. Hindi ko alam pa'no ko i-e-explain sa kanya na natatakot akong bigla na naman siyang mawala kaya lagi ko siyang tinitingnan.

"Kung ano man 'yung nagawa ko, sorry, OK?" sinserong saad niya nang walang matanggap na tugon mula sa akin. "Huwag ka nang magalit."

Hindi ko uli nagawang magsalita. Hindi ko maipaliwanag, pero mayro'n akong kakaibang naramdaman nang mag-sorry siya. Hindi ko naiwasan ang mapangiti ngunit agad ring nabura iyon nang matanaw ko si Maggie.

"Hey, nandito ka lang pala," nakairap na sabi niya paglapit sa table ko. "Didn't you receive my texts? Ang dami na kaya. Hindi ka man lang nag-re-respond."

Pinagmasdan ko lang si Maggie. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin sa party. Ang kapal ng mukha ng bruhang magpakita pa sa akin ngayon.

"Anyway, since nandito ka na lang din naman. Can you please order me some large milk tea with rock salt and cheese? Tapos paki-sunod mo na lang sa akin sa gym kasi may practice kami ng cheering squad eh. Thanks!" Naglabas siya ng 500 bill mula sa kanyang Gucci wallet. "You may keep the change, by the way!"

Nilapag niya ang 500 pesos sa table ko at tinalikuran na ako. Nagngingitngit ang bagang na pinagmasdan ko iyon. Nag-alala naman na sinulyapan ako ni Gin.

"Teka, sandali!" Tumindig ako mula sa aking kinauupuan. "Bakit kaya hindi ka mag-order ng sarili mo?"

Napahinto si Maggie at muli akong nilingon. "Excuse me?"

"Ang sabi ko mag-order ka ng sarili mo!" Dinampot ko ang 500 peso bill na nilapag niya sa table ko. Nilamukos ko iyon saka ihinagis sa kanya. "Hayan, keep your change mo mukha mo!"

Natigilan si Maggie. She looked surprise. Taas-kilay na pinaglipat-lipat niya ang paningin sa akin at sa 500 peso bill sa kanyang paanan.

"Oh, I know what's happening here. You're mad at me because of what happened to the party, right? Kaya ka nagkakaganyan."

"I'm not mad, Maggie. Hindi ko lang gusto na ginagawa mo akong tsimay. Hoy, hindi mo ako yaya!"

Nagsimula nang makiusyuso ang mga estudyante sa Cafeteria. Pinalibutan na nila kami ni Maggie. Pati 'yung mga nag-se-serve sa counter ay nakinood na rin.

"Hindi ka nga tsimay, pero mukha ka namang tsimay. Am I right, guys? Hindi ba mukha siyang tsimay?" Nilingon niya 'yung mga estudiyante sa likod niya saka humalakhak. "Saka, hindi ba't ito naman ang gusto mo? Gusto mong mapalapit kay Paul di ba? Willing ka magpaalipin sa akin para lang mapalapit sa kanya!"

Natigilan ako, pero hindi dahil sa sinabi ni Maggie. Natigilan ako kasi biglang dumating si Paul kasama ang mga barkada niya. Nakita rin siya ni Maggie at napangisi ito.

"Oh, look, there's Paul! Come on, Ella. Bakit hindi mo sabihin sa harap ngayon ni Paul ang feelings mo." Apela niya. "Sige na. Wag ka nang mahiya. Sabihin mo na sa kanya na willing kang gawin ang lahat mapansin ka lang niya kahit na imposible naman 'yun kasi ang pangit, pangit, pangit mo! Loser!"

Nagtawanan ang mga nakapaligid sa aming mga estudiyante. Si Paul naman ay halatang nagulat din. Sinulyapan niya ako ngunit iniwasan kong salubungin ang kanyang paningin.

"Master, anong gusto mong gawin ko?" bulong sa akin ni Gin. "Sabihin mo lang. Kahit ano, gagawin ko. Paparusahan ko ang tampalasang babaeng 'yan!"

Tumaba ang puso ko sa narinig na sinabi ni Gin. At least, kahit na pinagtatawanan ako ngayon ng lahat ng taong nando'n ay alam ko namang may isang sumusuporta sa akin. Umiling ako kay Gin. Ayoko siyang gamitin para makaganti sa bruhang si Maggie.

"Tama ka, Maggie. Gusto ko nga si Paul. Pero mali ka kung iniisip mong gagawin ko ang lahat para lang mapansin niya ako." Buwelta ko. "At alam mo kung ano? Mas gugustuhin ko nang maging pangit kaysa maging kasingganda mo. At least, kahit ganito ang hitsura ko, maganda naman ang kalooban ko, hindi katulad nang sa'yo!"

Pagkasabi niyon ay dinampot ko ang bag ko. Dire-diretso kong nilampasan ang natulalang si Maggie at gayundin si Paul. Kusa naman akong pinadaan ng mga nakalibot na estudiyante hanggang sa tuluyan na akong makalayo sa lugar na iyon.

OPPOSITE WISHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon