Itinabi ko lang sa drawer ang naturang bote. Ilang araw ang lumipas bago ko uli naalala ang tungkol doon. Habang nakahiga sa kama ay sinipat ko ang bote. Kinutkot ko ang coating nitong kulay brown, sa gulat ko ay bigla itong nag-spark na parang posporo.
"What the heck?"
Kinabahan ako kaya hindi ko na inulit. Inilapag ko iyon sa bedside table at matagal na pinagmamasdan lang hanggang sa mabaling ang atensyon ko sa taling nakapalupot sa leeg niyon. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at naisipan kong gupitin iyon. Sa sobrang tibay ng naturang tali ay para akong naggugupit ng makapal na lubid. Pati ang gunting ay hindi kinaya. Nahati iyon sa dalawa.
"Jusko, may sa dimonyo yata ang ang bote na ito." Napasign-of-the-cross ako bigla.
Sa kabila niyon ay hindi ko pa rin nilubayan ang naturang bote. Hindi ko rin alam. Parang may malakas na puwersang bumubulong sa akin na ipagptuloy lang ang pag-inspeksiyon doon. Inalog-alog ko iyon. May parang tila whistle na tumunog.
"Shit!"
Doon ko na biglang naihagis ang bote. Windang na windang ang lola ninyo. Tumindig ako mula sa kama at nakahanda nang tawagin si Mamita kaso biglang nag-crack ang bote, sa tindi ata ng pagkakahagis ko. Kusang natanggal ang cork sa nguso niyon at tumama sa salamin ng drawer. Kasabay ng pagkabasag ng salamin ay may lumabas na usok sa loob ng bote. I clumped myself in one corner, my head is between my trembling knees, and my hands are covering my ears. Ni hindi ko na nagawang sumigaw sa sobrang takot. Ilang sandali lang ay napuno na ng usok ang buong kuwarto.
This is it. Naisip ko. Katapusan ko na.
BINABASA MO ANG
OPPOSITE WISHES
FantasyElla is a free-spirited, hopeless romantic, twenty-year-old girl na gustong gumanda, gustong paibigin si Paul, gustong yumaman, at gustong makita ang tatay niya. She was given a chance to fulfill her wishes sa pamamagitan ng isang shooting star. But...