21

150 5 2
                                    

Nang dumating ang breaktime namin ay nagpunta ako sa Cafeteria para bumili ng paborito kong empanada. As usual, nakabuntot lang sa akin si Gin. Gusto ko man siyang kausapin ay hindi ko magawa. Marami kasing estudiyante sa Cafeteria. Baka mamaya akalain pa nilang nasisiraan na ko ng bait 'pag nakitang nakikipag-usap ako sa hangin.

Kagaya ng nakagawian ay pinili ko ang sentrong mesa. Excited akong kumagat sa empanada ko nang biglang dumating si Paul. Bigla akong nataranta at isinawsaw ko ang empanada sa tubig. Hay, tanga lang? Napailing-iling na lang si Gin nang makita kung anong ginawa ko.

Agad kong itinago ang empanada sa bulsa ng bag ko. Sa halip ay kinuha ko ang libro at nagkunwaring nagbabasa. Alam mo na, para kahit pangit, at least magmukha naman akong matalino. Itinabing ko 'yun sa kalahati lang ng mukha ko para kahit papano ay masulyapan ko pa rin si Paul. Laking panlulumo ko nang makitang nakasunod pala sa kanya si Maggie Dela Torre. She was wearing this skimpy floral dress which highlights her perfect curves. Napaisip tuloy ako kung nakakahinga pa kaya ang bruha. Sakalin ko kaya? Tingnan ko lang kung makahinga pa siya!

"Pst!" pagkausap ko kay Gin sa ilalim ng libro. "Puwede mo kayang gamitin 'yung information scan para malaman mo kung anong relasyon ng Maggie Dela Torre na 'yan kay Paul?"

Tiningnan ako nang masama ni Gin. "Hindi ko ginagamit ang information scan para sa mga walang kwentang dahilan."

"Hala. Grabe ka naman sa walang kwenta. Si Paul kaya 'to!" Nagbuga ako ng hangin at nakangusong pinagmasdan sila. "Hay. Kailan kaya ako magiging ganyan kaganda, no? Kung hindi lang sana pumalpak ang unang wish ko edi sana ako na ngayon ang kasa-kasama ni Paul at hindi ang bruhang 'yan!"

Hindi nagsalita si Gin. Pinagmasdan niya si Maggie. Nagagandahan rin kaya siya sa kanya?

"Pst! Hoy! Huwag mo nga silang tingnan!" saway ko sa kanya. "Siguro nagagandahan ka rin sa kanya, ano?"

May sasabihin pa sana ko pero natigilan ako nang makita kong inakbayan ni Paul si Maggie. Humilig pa ang bruha sa balikat ni Paul habang itinututo ang paboritong pagkain sa counter. Humigpit ang pagkakahawak ko sa libro at hindi ko napansin na halos malukot na pala ang mga pahina no'n.

"Ang sakit-sakit naman," humihikbing bulong ko sa ilalim pa rin ng libro. "Hindi ko lubos maisip kung bakit nagustuhan ni Paul ang bruhang 'yan. Maganda lang naman siya. Buong buhay niya ako naman ang laging nandito para sa kanya ha!"

Hindi ko namalayan na napalakas pala ang pagkakasabi ko sa huling linya. Nagtinginan sa akin ang mga estudiyante sa ibang table. Pati sina Paul at Maggie ay bigla ring napatingin sa akin. Nanigas ako bigla sa kinauupuan ako. Dali-dali kong inalis ang tingin ko sa kanila at itinuon ang paningin ko sa libro na sa sobrang lapit ay halos magkaduling ako.

"Psst, hindi na ko puwedeng tumingin sa kanila," pasimple kong bulong kay Gin. "Sabihin mo na lang sa akin kung anong ginagawa nila."

"Palapit na sila ngayon sa table natin"

Bigla akong namutla sa sinabi ni Gin. Lakas-loob akong nag-angat ng paningin. Napalunok ako nang mapatunayang nagsasabi siya ng totoo.

"Hello, Ella," bati sa akin ni Paul habang dumadaan sila ni Maggie. "Nice book!"

Nag-skip a beat ang heart ko at hindi ko nagawang magsalita. Hindi ako makapaniwalang binati ako ni Paul sa ikalawang pagkakataon. Tiningnan lang ako ni Maggie, of course, with a smug look on her pretty face. Kahit wala siyang sinabi ay parang pinangangalandakan ng mga mata niyang tadtad ng false eyelashes na mas maganda pa ang kuko niya sa hinliliit na paa kaysa sa akin. Wala akong pakialam sa kanya. Malawak ang ngiting sinundan ko sila ng tingin habang naglalakad sila palayo. Binalingan ko si Gin nang tuluyan na silang mawala.

"Nakita mo ba 'yun, Gin?" I whispered under the book. "Binati ako uli ni Paul! Binigkas niya uli ang pangalan ko! OMG!"

Napailing-iling si Paul. "Binati ka lang niya dahil maingay ka at baliktad ang hawak mo sa libro."

"Ha?" Pinagkunutan ko siya ng noo. "Anong sinasab..."

Tiningnan ko ang hawak kong libro. Halos masabunutan ko ang sarili ko. Baliktad ngaaaa!

OPPOSITE WISHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon