40

104 5 1
                                    

Sinalubong kami ni Gin ng isang babaeng nakasuot ng leather jacket mula sa mataas na gate. The woman has a fierce look just like those women from old Chinese movies who know Kung-fu. Parang kayang-kaya niya kaming bitbitin ni Gin gamit lamang ang kanyang dalawang hintuturo. Walang imik na ginabayan niya kami sa papasok sa loob ng bahay na napapaligiran ng kung ano-ano lumang gamit. Sa totoo lang ay mas mukha pa iyong antique store kaysa bahay.

"Madame Petunia will be here soon," saad niya nang makarating kami sa may tila receiving area ng bahay. "Please make yourself comfortable while you're waiting for her."

Pagkasabi niyon ay walang lingon-likod na kaming tinalikuran ng naturang babae. Diretsong-diretso ang kanyang lakad na parang isang modelo. Nang tuluyan na siyang mawala ay nagpalinga-linga ako sa loob ng bahay.

"Gin." Siniko ko si Gin. "Sa tingin mo ay nandito lang kaya ang bote?"

"I doubt it." Tugon ni Gin. "Nasisiguro kong hindi niya basta-basta ilalagay sa lugar na madaling makita ang bote."

Nang sandali ring iyon ay umalingawngaw ang tunog ng isang takong. Parang may kung sinong pababa sa mahabang spiral staircase. Pigil-hininga kaming naghintay ni Gin hanggang sa sumulpot ang isang matangkad na babae. The woman, in my opinion, is in her early 50s. Sa kabila ng edad ay mababakas pa rin ang ganda sa mukha nito na balot ng makapal na make-up at eyeliner. Her hair is neatly hold in a bun and she was wearing a mint-green long dress.

"At first, I could not believe it when I saw you from the CCTV. Ang akala ko ay nanaginip lamang ako. Matagal ko na kayong hinihintay."

"Um," napalunok ako. "Excuse me po pero kakilala n'yo po ba kami?"

Sa halip na sumagot ay pinagmasdan ako ng babae mula ulo hanggang paa. Sunod na pinagtuunan ng pansin nito si Gin. Higit na mas matagal niyang tinitigan si Gin kaysa sa akin.

"Ikaw," turo niya kay Gin. "Ikaw ang genie, hindi ba?"

Nanlaki bigla ang mata ko sa narinig na sinabi niya. Paano niya nalamang isang genie si Gin? Sinulyapan ko si Gin at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay walang anumang reaksyong mababakas sa kanyang mukha.

"Nandito kami para sa bote," kalmadong anunsyo ni Gin. "Maaari mo na bang ibalik ito sa amin ngayon?"

Humalakhak si Madame Petunia. "Kung talagang matalino kang genie ay alam mong hindi ko basta-basta isasauli ang bote lalo pa at malaking halaga ang inilabas ko para lamang mapasakamay ko iyon."

"Ibabalik namin ang pera," kalmado pa ring turan ni Gin. "Basta ibalik mo lamang sa amin ang bote."

Siniko ko si Gin. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na wala kaming pera pambayad sa bote pero hindi ako pinansin ng mokong. Sa ikalawang pagkakataon ay muling humalakhak ang babae.

"I have lots of money, young man. Kung pera lang din ang kailangan ko ay hindi na ako maghihintay ng napakatagal na panahon para lamang matunton ninyo ako. No, I needed something else."

Nagkatinginan kami ni Gin at kapwa kumunot ang aming mga noo.

"K-kung hindi pera," napalunok ako. "A-ano pong kailangan ninyo sa amin?"

Nagbuntong-hininga si Madame Petunia. "Halikayo, sumunod kayo sa akin."



SA PAMAMAGITAN ng hagdan ay dinala kami ni Madame Petunia sa may attic. Ang akala ko ay plano na niya kaming gawing bilanggo, pero mabilis na nagbago ang isip ko pagdating namin sa isang makulay na kuwarto sa may attic. There are all sorts of toys around the room; may teddy bears, unicorn, playhouse, and dolls. May bookshelf rin na puno ng children's book sa isang gilid. Sa gitna ng kuwarto ay isang malapad na water bed kung saan mahimbing na natutulog ang isang batang babae na sa tingin ko ay nasa sampung taon ang gulang. The girl has a short hair and soft features. Sa unang tingin ay mukha namang walang diperensya ang bata hanggang sa matunton ng aming mga mata ang wheelchair sa isang gilid at magsimulang magkuwento si Madame Petunia.

OPPOSITE WISHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon