IT was twilight when Gin and I went to the shore. Iyon ang sandaling napili namin upang isagawa ang huli at ika-apat kong wish. Nakatayo kami sa dalampasigan, our feet are touching the grainy, slippery brown sugar sand. Every once in a while, we could feel the cold dash of salt water that tinkles the soles of our feet. Magkaharap kami at magkahawak ang aming mga kamay habang pinagmamasdan ang mga mata ng bawat isa.
"This is it," I whispered to him. "Handa ka na bang maging tao?"
"I am." Ngumiti siya sa akin, ngunit agad ring nabalot ng pag-aalala ang kanyang anyo. "But I'm not sure whether this is going to work, Ella. Wala pa akong alam na genie na naging isang ganap na tao sa pamamagitan ng wish mula sa kanyang master."
"Well, ngayon, mayro'n na." I smiled at him. "Have a little faith, OK?"
Naglaho ang pag-aalala sa mukha ni Gin. Tumango siya sa akin bilang tanda na handa na siyang tanggapin ang aking wish. Pumikit ako at huminga nang malalim.
"Gin," I called, nervously. "I-I wish na sana... sana maging isang ganap ka nang tao."
"Yes, master." He answered. "Your wish is my command."
Itinaas ni Gin ang isa niyang kamay at sa isang iglap ay unti-unting napalibutan ng nakasisilaw na liwanag ang kanyang katawan. Nabitiwan ko siya at hindi makapaniwalang pinagmasdan. Nagpaikot-ikot ang nagliliwanag na katawan ni Gin sa aking paningin na parang isang trumpo. Ilang sandali pa ay dahan-dahan siyang umangat sa kalangitan.
"Gin?" Biglang akong naalarma. "Gin, anong nangyayari sa'yo diyan?"
Ngunit hindi sumagot si Gin. Patuloy na tumaas ang kanyang katawan sa kalangitan. Nagtatalon ako upang abutin iyon ngunit masiyado nang mataas para sa akin.
"Gin!" I called as tears are starting to form at the corner of my eyes. "Gin, huwag mo akong iwan, please!"
Subalit tumaas ang mga alon sa dagat at nagmistulang bulong lamang ang aking mga sigaw habang bumabayo ang mga iyon sa dalampasigan. Ang nagliliwanag na katawan ni Gin ay mistulang nilipad ng hangin patungo sa gitna ng dalampasigan. Sinubukan kong humabol ngunit ako ay natumba at unti-unting tinangay ng agos pabalik sa dati kong kinaroroonan.
"Gin, bumalik ka!" I wailed. "Huwag mo akong iwan, please!"
But Gin was gone already. Ang kanyang nagliliwanag na katawan ay tuluyan nang hinigop ng isang tala sa kalangitan. Sa huli ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang lumuluhang pagmasdan na lamang iyon.
BINABASA MO ANG
OPPOSITE WISHES
FantasyElla is a free-spirited, hopeless romantic, twenty-year-old girl na gustong gumanda, gustong paibigin si Paul, gustong yumaman, at gustong makita ang tatay niya. She was given a chance to fulfill her wishes sa pamamagitan ng isang shooting star. But...